Chapter 2
"Luke, ililipat mo lang yan dito. Tapos ipagtitimes mo, okay?" Tumango naman sya.
"Lucas, ipagtitimes mo tapos ililipat mo. Gets?" Tumango rin sya.
Nasa library kami ngayon. Tinuturuan ko sila sa math dahil hindi nila makuha kuha.
"Nagugutom na ko thiana. Pwedeng mamaya nalang?" Sabi ni lucas.
"Kaya nga naman. " sabi naman ng kakambal nya.
"Sige na nga. Libre nyo ah." Diskarteng thiana. Haha.
Tumango sila at pumunta sa caf. Tumitingin naman samin yun mga tao sa caf. Kaya yumuko nalang ako. Lagi naman eh. Umupo kami sa favorite spot ko.
"Anong gusto mo?" Tanong ni luke.
"Kahit ano."
"Sige na nga. Tara kambal." Aakbayan na sana ni luke si lucas kaso nga lang umilag sya.
"At bakit? Ikaw lang mag order." Sabi naman ni lucas.
"Bahala ka. Kaming dalawa lang ni thiana ang kakain. Bleh!" Asar naman ni luke kay lucas. Bumelat pa sya.
"Halika na nga." Sabi ni lucas. Tumawa naman si luke dahil nautusan nya si lucas. Mas matanda si lucas ng ilang segundo.
"Wahh!! Si michael."
"Ang gwapo ni jake."
"Ang cute ni edward!!"
"Bagay na bagay sila ng K girls"
Sigaw ng mga students sa school. Yung tatlong lalaki na yan. Sikat sila dito. Hindi mo tatawag na sinungaling ang mga students dito dahil gwapo talaga sila. Yung mga 'K girls' naman magaganda kaya bagay na bagay sila.
Kung tatanongin nyo ako. May crush ako kay jake. Gentleman kasi, gwapo, saka sabi nila loyal daw yan. Isa pa lang ata ang naging gf nya. Si kaye, lang ata.
Hindi ko napansin na nandito na sila luke."Thiana tulo yung laway mo." Bigla ko namang pinunasan kahit wala naman pala. Binato ko sya ng tissue.
"Sino ba ang tinitignan mo dyan?" Tanong ni lucas.
"Secret. Kain na nga tayo." Nag umpisa na kaming kumain.
"May iba pa ba kayong kaibigan?" Napapansin ko kasi sila lang laging magkasama. Gwapo naman sila ah.
"Meron naman." Sabi ni lucas. Sumubo ako.
"Kaso nga lang nasa states sya. Ewan ko lang kung kailan sya uuwi." Napa tango ako. So...wala lang.
CLASSROOM
Umupo na ako at hinanap yung diary sa bag ko. Bakit ba wala yung diary ko? Ano ba ginawa ko kahapon.
Nung pumunta ako sa restau nun dala ko pa. Tapos yung pag uwi ko, may nakabunggo ako...tapos binato ko sanya yung...sh*t.Napasapo ako sa noo dahil nabato ko yung importanteng notebook sa buong buhay ko. Nandun yung mga katangahan ko sa school, at kung gaano ako patay na patay kay jake.
"Anyare sayo?"
"Wala. Wag mo na akong aalahanin luke."
"Okay class. May gagawin kayong seatwork ngayon. Kaso nga lang kailangan by two's." Pinagpartner partner na kami. Pinagdadasal ko na kahit si luke or lucas ang magiging partner ko. Kaso nga lang hindi ako pinalad.
Si jake ang naging partner ko. Ewan ko ba pero nakikilig ako. Tae! Umupo sya sa harap ko.
"Hi. Im jake." Sabi nya. Nilahad nya yung kamay nya.
YOU ARE READING
Im Not. (ON-GOING)
Teen FictionSino nga ba si Princess Thiana Cruz? Sa buhay ni...monster?