Maaga akong nagising para ipagluto sila, syempre kasama ko si tita. Magaan ang pakiramdam ko kay tita. Sobra!
"Thiana, nasabi pala sakin ni luke na walan ka ng trabaho." Si luke talaga oh.
"Ah opo tita. Nagalit kasi sakin yung anak na may ari nun eh." Sabi ko.
"Gusto ko sanang dito ka nalang tumira." Napatigil ako sa pagaayos ng lamesa.
"H-ho?"
"Naisip ko kasi na kung pwede na dito ka nalang muna."
"Nakakahiya naman po." Ikaw ba naman patirahin dito?
"Wag ka nang mahiya. Matagal ko na kasing gustong magkaroon ng babae dito sa bahay."
"A-ah eh"
"Pretty please?" Ang ganda talaga ng mama ng kambal.
"Sige na nga po." Ngumiti siya ng napalaki. At hinug ako.
"Alam mo ang saya saya ko ngayon dahil sayo." Bumitaw na sya sa pagkakayakap.
"Ay oo nga pala. May trabaho pa ako." Sabi nya. "Bye anak. Call me mama okay?"
"Ok po ti-mama." Sabi ko. Kiniss nya ko sa pisngi at umalis na. Ang saya pala pag may mama ka.
Nilagay ko na yung niluto ko sa lamesa. Pumunta muna ako sa cr dahil na iihi ako.Paglabas ko sa cr may lalaking nakatalikod at may kinukuha sa ref. Gosh! Bat ba sya nakahubad! I mean naka topless? Huhu!! My virgin eyes. Pero infairness ang ganda ng katawan niya. Ahh!! Ano ba tong iniisip ko?
Tumakbo ako sa sala ng dahan dahan."Nerd? Anong ginagawa mo?"
"Ahh. Ano kasi. A--"
"Goodmorning everyone." Sigaw ni luke. Kahit nakatalikod ako saknya kilalang kilala ko na. Thank you luke!
"Goodmorning luk-kyaahh!!" Napatakip ako ng mata. Ano bang nagyayari dito?
"Huhu. Magbihis nga kayo? Di naman to cr ah." Sabi ko at tumakbo papasok sa guest room. Jusko ko lord! Bat ba ang gwagwapo ng kasama ko dito sa bahay?
***
"Si thiana ba yan?"
"Tss. Landi naman yang babae na yan."
"Yeah right."
Arghh!! Nakakabuwesit na sila hah.
"Princess, pabayaan mo na sila." Sabi sakin ni lucas. Nasa cafeteria kami ngayon.
"Kaya nga princess." Sang ayon ni luke. Nagtataka ba kayo kung bakit 'princess' ang tawag nila sakin? Kasi nga po. Princess thiana Cruz. Is my name.
"Nerd ang panget mo kapag tulala ka."
"Bwesit ka talagang monster ka." Binato ko siya ng notebook ko. Tumatawa na lang yang monster na yan.
Umilaw yung phone ko kaya tinignan ko.
From: jake <3
Love? Bakit di mo na sinasagot yung mga tawag ko?
Sarap patayin yang jake na yan eh.
"Princess may galit ka ba sa spaghetti? Akin na lang kung ayaw mo." Tinignan ko yung spaghetti. Grabe kawawa.
To: jake <3
Magkita tayo sa likod ng school.Lagot ka sakin jake. Pagsisihan mo. Bwahahaha. Kotrabida ang peg?
"Tara na?" Aya ni lucas.
"May pupuntahan pa ako eh."
"Si jake na naman ba?" Tumango ako.
"Pag sinaktan ka talaga ng gagong yun. Papatayin ko yun."
Nakita ko si jake nakasandal sa pader. Lumapit ako sakanya at sinampal.
"Walanghiya ka!! Paasa ka! Manloloko! Selfish! Ang sama sama mo! Sana hindi nalang kita nakilala. Ginusto kita tapos babalewalain mo lang? Pinaniwala mo ko sa lahat ng sinasabi mo! Bwesit ka!" Hinampas hampas ko sya. Sa pag sigaw ko eh bumuhos na yung luha ko. At sa hindi ko inaasahang gagawin nya ay ginawa nya.
Sinampal nya ako. Nalasahan ko pa nga yung dugo eh.
"Alam mo! Masyado kang mataas ang pangarap! Sa tingin mo ba madali sakin ang halikan ang babaeng katulad mo?! Saka ikaw ang dahilan kung bakit nag away kami ni kaye. Kala ko ba matalino ka?! Peste ka!!" Umalis na sya. At ako? Tumayo at dumeretso sya sa cr.
Binuhos ko dun yung sakit. Nang mahismasan na ako naghilamos ako ng mukha. Pulang pula ang ilong ko ganun rin sa pisngi. Lumabas ako sa cr. Nagsitakbuhan naman yung mga tao.
"Grabe si nerd no'!" Girl 1
"Oo nga eh. Ang landi!" Girl 2
May dumating na babae.
"Anong nangyare?" Girl 3
"Punta ka kaya sa social hall." Girl 1.
Hindi ko na narinig yung sasabihin paguusap nila dahil tumakbo na ako papuntang social hall. Nadatnan ko dun ang kalaking laking picture namin ni jake. Yung nagkiss kami. Hiyang hiya na talaga ako. Tumakbo ako papuntang classroom at nandun yung kambal na masama ang tingin sakin.
Hinila nila ako sa kotse at umuwi sa bahay. Nanatili akong nakayuko.
"Explain!" Sigaw ni kuya luke.
"K-kuya." Umiiyak na naman ako. Inabutan ako ni kuya luke ng tubig.
"S-sorry, bigla na lang n-nya kasi a-kong..." Tinaas ni kuya luke yung mukha ko at pinunasan nya yung luha ko.
"A-ah!" Nahawakan nya yung pisngi ko kung saan ako sinampal ni jake.
"Sino ang gumawa sayo nyan!?" Ang galit ng mukha ni kuya lucas ay naging maamo.
"J-jake." Sabi ko. Nakita ko sa mga mukha nila ang galit.
YOU ARE READING
Im Not. (ON-GOING)
Fiksi RemajaSino nga ba si Princess Thiana Cruz? Sa buhay ni...monster?