CHAPTER 9

13 1 0
                                    

Inayos ko yung kwarto ko. Violet pa rin naman siya dahil favorite ko din yun. Binago ko lang yung ayos. Pumunta ako sa banyo para maligo. Pawis na kasi ako. Nagsuot lang ako ng t shirt at short at bumaba na. Hindi ako pumasok ngayon kasi nga nag makeover kami ni mama.

Kumuha ako ng ice cream sa ref, hindi na din ako nahihiya kasi ganun! Basta ganun! Pumunta ako sa tambayan namin nila kuya. At di nga ako nagkakamali nandun sila.

"Hi kuya's." Sabi ko at umupo sa sofa. Naglalaro naman sila ng billiards.

"Hi, princess." Bati nila sakin.

"May ibibigay kami sayo." May binigay sila sakin. Isang maliit na box.

"Ano to'?" Turo ko.

"Buksan mo nalang." Binuksan ko. Muntik ko ng mahulog dahil...phone lang naman siya, iphone6s. Sino ba naman ang magugulat diba?

"Thank you gift namin sayo yan dahil dito ka tumira at naging kapatid ka namin." Niyakap ko silang dalawa.

"Thanks." Ngumiti ako at tinuruan nila akong gamitin yung iphone. Aba! Mahirap lang ako no'.

"Punta lang po ako sa kwarto." Kinuha ko yung phone at pumunta sa kwarto ko. Tumalon ako sa higaan. Mag papasalamat talaga ako sakanila.

Nagsnapchat muna ako. At nag fierce! O diba! Kahit papaano alam ko namang makisabayan sa mga teens, kaso nga lang mag twetwenty na ako. Nilapag ko yung phone ko at lumabas.

"Kain na." Sabi ni kuya lucas. 9:00 pm na rin kasi.

"Goodevening!" Sakto yung dating ni mama.

"Sakto po yung dating nyo. Kain na po tayo." Sabi naman ni kuya luke. Umupo na kami at kumain.

"Papasok ka na ba bukas?" Tanong ni mama.

"Uhm, opo." Tumango siya at pinagpatuloy ang kain namin. Ilang sandali tapos na kaming kumain at nagvolunteer ako na maghubugas pero pinigilan ako ng yaya nila.

"Kuya may tanong pala ako."

"Ano?" Sabay nilang sabi.

"Anong full name nyo?"

"Im Prince Luke Cruz. 22 at your service." Sabay kindat.

"Prince Lucas Cruz. 22." Cruz?

"Cruz rin kayo? Parehas pala tayo." Naamaze ako. Tadhana ba talaga?

"Eh si mama? Anong full name nya?"

"Tanya Cruz." Sabag nilang sabi.

"Eh yung papa nyo?" Nagkatinginan sila.

"King Laxus Cruz." Sabi nila.

"Asan pala papa nyo?"

"Nasa heaven na siya princess." Nagsorry ako sakanila.

"Bat mo pala natanong yung mga pangalan namin?" Tanong ni prince lucas. Haha.

"Wala lang. Curious. Tulog na po ako. Goodnight." Kiniss ko sila sa pisnge at umakyat na.

Nakapagtatakas yung pangalan nila. Eh kasi naman...Pangalan ko Princess Thiana Cruz. Tapos sila may Prince dagdag mo pa yung Cruz diba!? Bahala na nga.

***

"Kuya, panget pa rin ba ako?" Bat ba sila tumitingin sakin?

"Hindi ah. Maganda ka kasi kaya ganun." Tss. Pag pasok namin sa classroom, nakatingin sila samin? O sakin?
Hindi ko na sila pinansin. Pumunta na ako sa upuan. Si clark naman nandun parin sa pwesto nya.

|me|Luke|Lucas|Clark

Ganyan yung ayos para magkalinawan tayo. Pumasok na yung teacher at nilibot yung paningin nya. Hanggang nakatitig na lang sapya sakin.

Im Not. (ON-GOING)Where stories live. Discover now