CHAPTER 15

11 1 1
                                    

"Ang cute mo talaga lucky." Mika.

"San mo ba nakuha yan sis." Myka.

"Sa resthouse wala namang kumukuha kaya akin nalang." Paliwanag ni mika.

"Kala mo wala, pero meron. Meron." Myka.

Nasa mall kami at mamimili ng gamit. Lahat kaming section A ay nasa mall, naghiwalay hiwalay lang.

"Bat mo pa kasi dinala yan?" Tanong ko.

"Kawawa naman kung mag isa lang siya dun sa bahay."

"May point ka."

"Sila lucas?" Tanong ni myka. Oo nga no' nasan na kaya sila.

"Uyy hinahanap. Sis, walang forever sa mundong ito."

"May forever no' hindi mo lang alam dahil manhid yung gusto mo hahha."

May forever nga ba?

"Che!"

"Hahaha ikaw thiana naniniwala ka ba sa forever?" Tanong ni myka.

"Bes, alam mo naniniwala ako sa forever pero sa cou--"

"Thiana!" Napatingin kami sa sumigaw.

"Oh hi kidlat." Bati ko sakanya.

"Hii kidlat. Mikaela po." Sabay bow ng head niya.

"Hellooo. Mykaela po" sabay bow niya rin ng ulo niya.

"Hi? Hehe thunder po yung pangalan ko." Sabi niya. Ang cute nyang tumawa. Singkit!

"Ako lang kasi dapat tumawag sakanya ng kidlat eh." Sabi ko.

"Edi kaw na!" Sabi ni mika.

"Thiana, ipapakilala ko pala sayo yung mga pinsan ko." Tumingin ako sa likod niya at may dalawang lalaki. Kamukha niya rin, parehas silang singkit.

"Hi girls, Cloud po pala."

"Sky po."

"Magkapatid kayo?" Tanong ko. Tumango sila.

"Thiana, kain na tayo." Sabi ni mika.

"Sakto. Sabay na rin kami." Sabi ni cloud.

Naglakad na kami papunta sa kakainan namin.

" ang cute nila no'?" Sabi ni kidlat. Tinutukoy niya sila mika. Nag tatawanan kasi sila. Sila myka naman at sky. Nag uusap rin.

"Oo nga eh."

"Sana ganyan rin tayo." Napatingin ako sakanya sa sinabi niya.

"Dami mong alam." Pinalo ko siya.

"Mam. No pets allowed po." Nandito na pala kami.

"Bakit ikaw? Mukha kang hayop nakapasok ka? Pakiexplain nga." Sabi ni mika.

"Eh mam, bawal po talaga."

"Miss." Sabi ni cloud sa staff.

"Sorry po sir, mam. Pasok na po kayo."

"Thank you cloud." Sabay kiss ni mika sa pisngi ni cloud, kaya namula yung tenga niya.

"Kainan na!!" Sigaw ng kambal. Haha cute talaga nila.

"Thiana masakit pa ba yung ilong mo?" Kidlat.

"Hindi na."

"Syempre may pogi rito." Sabi niya. Konek?

"Konek?"

"Wala, para gusto ko tayo ang may konek."

"Ayiieee. Hahaha" asar nila samin. Binato ko siya tissue. Bwesit siya namula ako dun ah.

"Myka, may dumi yung mukha mo." Sabi ni sky.

"Saan?" Hinawak hawakan niya yung mukha niya. Tinanggal ni sky yung kanin sa gilid ng labi niya.

"Ayiiee. Bagong loveteam. Hahaha." Asar namin sakanila.

"Sino ang bagong loveteam?" Tumingin kami sa likod. Patay! Sila kuya. Lumapit siya kay myka at kumiss sa pisngi.

"Mag usap tayo." Bulong niya. Narinig ko kasi katabi ko lang si myka.

"Excuse." Tumayo si myka at umalis sila ni kuya lucas.

Pagalis nila. Tahimik pa rin kami, walang nagsasalita.
May tumawag sa cellphone ni luke.

"Thiana. Si mama." Abot niya sakin ng phone. Lumabas muna ako ng restau. Sinama ko si mika, trip ko eh.

"Hello mommy."

[Hi princess, kamusta dyan?]

"Okay lang po. Enjoy."

[Pasalubong hah. Sige ibaba ko na. I love you.]

"I love you."

"Ano sabi?" Tanong ni mika na nilalaro si lucky.

"Kinamusta lang ako."

"Ahhh."

Myka pov

Lagot!

"Myka."

"Lucas, ano kasi...pinunasan lang niya yung dumi sa gilid ng bibig ko."

Hinug niya ko.

"Naniniwala ako sayo. Nagselos lang ako, kasi ang sweet niyong tignan." Sabi niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi.

"Kahit anong mangyare ikaw lang ang nag iisa sa puso ko."

"Edi sagutin mo na ako."

"Haha. Hintay hintay lang, lucas." Tama po kayo sa narinig niyo. Nang liligaw sakin si lucas. Matagal na rin kami nagkakilala nyan.

Una nag meet kami sa isang bar, susunduin ko kasi si mika nung oras na yun. May nagbastos sakin at tinulungan ako ni lucas.

Pangalawa, nagmeet kami sa isang children party. Hindi ko alam na ang isang lalaking maangas ay pupunta sa bahay ampunan. Tinulungan niya akong buhatin yung mga gamit.

Pangatlo, yung thursday bago kami umalis. Nag mamall kasi kami ng kapatid ko na nabunggo kami nila lucas. Hindi kami makapaniwala na nagkita ulit kami. Destiny! Parang ganun. Nag away si mika at yung kapatid ni lucas. Kaming dalawa ay nag ngitian lang. Dun din namin nakita si thiana na may ka holding hands.

Hindi naman kami mag kamukha ni mika eh. Kulot ang buhok niya ako hindi. May nunal siya sa pisngi ako sa gilid ng mata. Kaya hindi kami magkamukha.

"Basta ako lang hah." Sabi niya. Mabilis niya akong hinalikan. Pero smack lang.

"Argh! Lucas naman eh."

#####

Si baby lucas nanliligaw. Pano na ko? Hahaha.

Thanks for reading. Votes po.  0_-

Im Not. (ON-GOING)Where stories live. Discover now