Chapter 5
Enjoy reading!3rd.
ZEBULOM WORLD, Camp Zebu.
Kasamang naglalakad ang magkakabarkada sa hallway ng Camp Zebu nang biglang natumba si Amaria Bennet. Nabigla ang mga kasama niya pero agad rin siyang dinaluhan ng kanyang kuya na si Drake Bennet.
"Amaria!" tawag nito sa kanya at umupo sa gilid ng kapatid. Kinandong siya nito. Natigil din sa kanya-kanyang ginagawa ang ibang Zebbies dahil sa pagkabigla.
Agad napalayo si Drake kasama ang ibang kabarkada nang biglang lumiwanag ang katawan ni Amaria. Isa lang ang ibig sabihin nito...
Isa na namang omen o premonition.
Ang abong buhok ni Amaria ay naging puti lahat kagaya ng mga mata niya. Tumayo siya habang umiilaw pa rin ang paligid niya at nililipad ang puting buhok niya.
"Ang pagdating ng itinakdang pinili ay malapit na.
Siya ang kaguluhan noon at ngayon.
Kaibigan at kaaway. Kabutihan at kasamaan.
Ang kanyang pagdating ay ang simula ng paghukom."Pagkatapos sambitin iyon ay biglang naglaho ang liwanag sa kanyang paligid at ang kanyang pagkatumba. Agad siyang sinalo ni Drake at binuhat. Nagkatinginan ang magkakaibigan.
"What does it mean?" tanong ni Ada Zella Onen sa kanila.
*****
CALENDULA
"Eybra Keydreyba Seys Beymba. Bumukas ka!"
*kembot to the left!
*kembot to the right!
*shake the boootey!"Oh yeah! Eybra Keydreyba Seys Beymba! Jumopen ka!" Again, Wa Epek!
Naiiyak na lumuhod ako sa harap ng Zebortal.
"Huhu. Please, bumukas ka na." pagmamakaawa ko dito.
One month had passed since the night when I learned about the twin's true identity and about my biological mother.
But...
Huhuhu! Hindi ko pa rin nabubuksan ang Zebortal. Tinitigan ko ito, nakapatong ito ngayon sa ginawa kong podium na gawa sa ugat ng punong-kahoy para mas mukhang enchanting. Nyahaha! Kinukuryente pa rin ako nito sa tuwing hahawakan ko, may galit ba 'to sa akin? Ba't gano'n?
At hindi pa rin nagpapakita si Celestine Star sa akin. Sabi niya guiding star ko siya? Bakit hindi siya nagpapakita? Tsk.
By the way, natapos na ang first sem namin at ngayong second sem ay hindi na kami nagpaenrol dahil nga sa mga nalaman ko.
Ginamitan ko na rin ito ng kapangyarihan ko. Nakakapanibago pa rin hanggang ngayon na may powers ako kahit ilang taon ko na ito alam. So 'yon nga, ginamitan ko na ang librong 'to pero nade-deflect ang powers ko at bumabalik sa akin.
Paano?
Nasasaktan ako, 'yong sakit na mamimilipit ka talaga tapos parang nadedrain ang energy ko gano'n kaya hindi ko na sinubukang muli dahil mukhang 'wah epek.
Nag-aral din ako ng iba't-ibang ritual na nahanap ko sa Google at inapply ang mga 'yon sa Zebortal pero hindi pa rin.
Pati mga sayaw ay pinaltos ko para lang mabuksan 'to.
Cha-cha, ballroom, Tango, Swing, Jive, Hip-hop, pole dancing, belly dancing, ballet, snake dance, break dance, walts, tinikling, shuffle dance, budots, pandanggo sa ilaw, mga katutubong sayaw and many more pero pumayat na ako't lahat ay ayaw pa rin.
BINABASA MO ANG
SLOWFADE (My Magical Adventure)
FantasyGenre: Fantasy Language: Tagalog-English Date Started: August 2020 Ended: April 2021 ** "Home is behind the world ahead And there are many paths to tread Through shadow to the edge of night Until the stars are all alight. Mist and shadow Cloud and s...