Slowfade 45

62 11 2
                                    

It's a slowfade,
when darkness pulls the strings.
It's a slowfade,
when it ties your hands.
It's a slowfade,
when you couldn't understand.

Chapter 45
Enjoy reading!

CENIA

Akala ko ay napakagulo na noong nalaman ng lahat na ako ay isang Elemeñoza pero mas gugulo pala nang malaman ng lahat na si Calendula ay ang reinkarnasyon ni Empress Ghaladriel Dani Venmonroe.

Ngayon ko lang din nalaman ang gamit na apelyido ni Caly. It was not disclosed to anyone. Ni hindi ko nakita sa mga records niya. Calendula lang ang name information niya.

Ang gamit niya palang talaga kahit pa noon sa mundo ng mga tao ay Calendula Venmonroe. Simula pa lang ay alam niya nang siya ang reincarnation ng unang emperatris! May sapak lang talaga siya sa ulo kaya hindi man lang nagsabi kahit sa akin.

Naging mainit itong balita sa lahat. Hindi namin napigilan at kumalat ito. Nagbalak pa sanang itago ito ni Moondale ngunit hindi namin napigilan ang magkapatid na Bennet nang inanunsyo nilang nasa isla rin ang unang emperatris.

Pinagkaguluhan kaming dalawa at hindi sila makapaniwala na magbesty na ang dating magkaaway. Gusto rin ng iba na ikulong kami dahil sa takot na baka raw mag-away kami at muling mangyayari ang digmaan.

Nagpalabas din ng order ang hari ng Lumna at Emperor ng Ghani na minamanduhan sina Lucas at Kreg na dalhin kaming dalawa ni Caly sa islang iyon.

Tsk. Siguro naisip ng dalawang magkaaway na gamitin kami sa isa't-isa. Hindi nga rin matanggap ng ama ni Lucas at ng buong kaharian ng Lumna na ako ang mapapangasawa ni Kreg. Tuwang-tuwa naman ang emperor pero natatakot ang buo nilang imperyo.

It's so complicated.

Magulo. Sobrang magulo. Na gusto ko na lang matulog at kalimutan ang lahat. Kaloka besh. 

Pero ang mas nakakaloka ay ang galit ng mga Bennet.

Galit na galit ang magkapatid. Sobra. Na sa sobrang galit nila ay lumabas ang tunay nilang kulay. Dahil umayaw si Bryler na panagutan si Amaria, naging marahas ang magkapatid.

Ilang araw na ba silang naghahasik ng kasamaan sa isla? Hindi ko na alam basta ang alam ko ay inanunsyo ni Moondale ang pagiging people's enemies nilang dalawa.

"Damn it. This is all my fault. Nagpadala ako sa galit ko. Ako mismo ang naglagay sa mag-ina ko sa panganib. Hindi ko dapat hinayaang mabunyag ang katauhan ni Caly. Ang bobo ko." nasuntok ni Bryler ang pader. Mabuti na lang nauntog ang lalaking ito.

Bobo ka talaga pre. Tsk.

Kung hindi pa namin nalaman ang pakiusap ng mga Hunyango kay Caly ay baka baliw pa itong Sarimanok ni Caly ngayon kay Amaria. Ngunit, nakakalungkot lang na ganito ang kapalit.

Nandito kami ngayon sa arc ni Moondale kasama ang Elite Circle maliban sa mga Bennet. Kasama rin namin sina Kreg at Lucas. Si Caly naman ay hindi rin namin mahagilap.

"Wala na tayong magagawa. Nangyari na ang nangyari. Kailangan lang nating mahuli ang magkapatid bago pa mas lalong dumami ang biktima nila." saad ni Moondale na nakapwesto sa kanyang mesa. Seryoso ang mukha niya.

Nagtataka talaga ako sa diyosang ito. May pakiramdam ako na marami siyang tinatago, na para bang may hindi siya sinasabi sa amin na dapat ay alam namin. Hmm.

SLOWFADE (My Magical Adventure)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon