Slowfade 29

58 8 2
                                    

Chapter 29
Enjoy reading!

CENIA

I watched Moondale as she scan through her books. She said she wanted to show me something.

"Here." aniya saka kinuha ang isang papel na nakaipit sa isang libro. Binalik niya ang libro sa shelf saka humarap sa akin.

Umupo siya sa couch na nasa harap ko saka bumuntong hininga.

"I know it's hard to fight without knowing the important things. Alam ko rin na hindi sinabi sa iyo ni Bryler nang direkta ang lahat."

Tumango-tango ako. Mabuti naman ay na-open up niya ito sa akin. Kakapagod kayang mag-isip kung ano ba talaga ang nangyayari. Akala ko mangangapa pa ako. Gusto kong palakpakan si Moondale.

Nilagay niya sa center table ang papel na hawak saka inusog tungo sa akin. Agad kong kinuha iyon.

"Careful. Baka mapunit mo."

Napangiwi ako. The paper was already brittle.

"Wala na bang mas ancient dito, Moondale? Nakakatakot namang buklatin ito."

Nakatupi kasi ang papel. Binalik ko iyon sa kanya pero hindi niya tinanggap. Inilagay ko na lang iyon sa mesa. She chuckled.

"It's one of the first pages of the Zebortal."

Napasinghap ako. Ang book of portals and prophecy? Wow! It's legendary. Hindi ko pa nakikita ang librong iyon. They said that the legendary book was nowhere to be found.

"Wow!"  maingat kong kinuha ang papel saka sinipat. Dahan-dahan kong binuklat ito mula sa pagkakatupi.

Maliban sa anyo nito, the smell of the paper was ancient too. Napatawa ako nang mahina. Pero agad ding nadismaya nang hindi ko maintindihan ang mga nakasulat doon. Mukhang kinalahig ng manok ang pagkakasulat.

"What is this writing?"

"It's the oldest orthography of our world."

Napatango-tango ako habang patuloy pa rin sinisipat ang papel. Sa ilalim ng mga nakasulat ay may mga symbols na naroroon. Tinuro ko ang isa na simbolong nasa gitna.

"Oh! This one looks like Caly's stones in her chest."

Mga crytal na bato na parang diamond. May malaking bato sa gitna na may halo-halong kulay na siyang mga kulay ng anim na batong nakapabilog sa paligid nito. Napakusot ako ng mata nang biglang nag-flash sa paningin ko ang six-pointed-star doon. Ang mga linya ay komonekta sa bawat bato. Pero nawala rin naman agad.

Ang katabi naman nitong simbolo ay may kulay ng apat na elemento. Tila umiikot iyon pabilog na para bang iniihip ng hangin. May puting bilog naman sa gitna at feeling ko roon nanggagaling ang hangin.

"What is this symbol?" ayaw matanggal ng paningin ko sa simbolong ito. Ang ganda kasi.

"It's the mark of the mighty rulers."

Napanganga ako. Mighty rulers? Ang angkang pinanggalingan ni Princess Lumierre Krishna?

"It's beautiful." hinaplos ko ito.

Sinipat ko nang mabuti ang mga simbolo sa papel. Napansin ko ang isang simbolo na medyo nasa taas ng mga simbolo ni Caly at ng mighty rulers.

It's a blazing sun. Napakatingkad ng kulay nito, it's like amber-red in color.

"That one is the symbol of Adlaw Sa-nag... the other half of the Gemeneia Twins."

"Gemeneia Twins?"

SLOWFADE (My Magical Adventure)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon