Chapter 22
Enjoy reading!CALENDULA
"Just relax and have fun." ani Master Kona sa amin ni MK. Galing kami sa laboratory, nagmeeting sandali. Papunta na kami ngayon sa arena.
Habang naglalakad ay palingalinga ako. Napangiti ako nang makita ang mga sumisilip na mga ulo ng maliliit na nature fairies. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin nila sa akin. Na-brainwash na talaga sila no'ng malditang fairy.
"Oh, si Amaria 'yon ah." bulong ko nang makita siyang naglalakad sa likod ng cafeteria. Ano ang ginagawa niya roon? Mini forest na sa gawin 'yon.
Hindi na nagagawi ang mga studyante roon.
"Caly? Are you okay?"
Natigilan na pala ako. Ngumiti ako kay Master Kona.
"Master, susunod na lang ako sa inyo. May kailangan lang akong kunin."
Nagdadalawang isip pa siya pero inaya na siya ni MK. Kailangan na rin magparegister ng class namin.
Mabilis ako naglakad tungo kay Amaria. Huminto ako sa isang puno. Nagtaka ako nang maliit na bulto na lang ni Amaria ang nakita ko. Ang bilis naman niya atang maglakad sa hindi patag sa lupa? Maraming ugat at bato ang lupa. Hindi man lang siya nadapa? Impossible 'yon para sa isang bulag.
Sinundan ko siya hanggang sa bigla siyang naglaho sa paningin ko.
"Nasaan na 'yon?"nagpalinga-linga ako. Mas lalo akong nagtaka nang makita siya kanang bahagi. Paano siya napunta roon?
Nilapitan ko siya. Nakatayo na lamang siya sa pwestong 'yon. Hahawakan ko na sana siya nang bigla siyang magsalita.
"Caly, ikaw ba 'yan?"
Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses niya. Akala ko kasi nililinlang na ako at mapapasabak sa laban. Lumingon siya sa akin. Kalmado pa rin ang mukha niya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" hinawakan ko siya sa balikat.
Ngumiti siya, "Ikaw nga, Caly. Nakilala ko ang presensya mo. May narinig kasi akong sumisigaw kaya sinundan ko kung saan nanggaling. Dito ako dinala. Pero hindi ko na marinig ang kanyang boses."
Diretso lang ang kanyang tingin sa gilid ko.
"Boses? Bakit mo sinundan? Delikado para sa iyo. Baka mapaano ka. Nako, magwawala na naman ang kapatid mo pati si Palito."
"Mukha kasing kailangan ng tulong no'ng nagmamay-ari ng boses. Para siyang takot na takot."
"Oh sige. Dito ka lang. Lilibutin ko ang area baka sakaling makita ko siya. Baka nadapa lang 'yon."
Tumango naman siya, "Baka nga."
Sinimulan kong libutin ang area. Wala naman kakaiba ngunit natigilan ako nang may naapakan.
"Waaaaaaaa!" tili ko at napaatras.
"Caly?! What is happening?!"
"N-nothing. Stay there, Amaria."
Napalunok ako nang matitigan muli ang bangkay. Oo bangkay ang naapakan ko! Ito ba ang sinasabi ng kambal na soulless?
Tuyot na tuyot ang buong katawan niya. Nakadikit na ang balat sa buto. Masasabi kong babae siya dahil sa mahaba niyang buhok. Nakanganga siya na tila dumaan sa sobrang masakit na kamatayan.
Napatingin ako sa suot niyang cloak. Napasinghap ako. Isa siyang sorceress!
"Caly? Okay ka lang ba riyan? Ano ang nangyayari?"
BINABASA MO ANG
SLOWFADE (My Magical Adventure)
FantasyGenre: Fantasy Language: Tagalog-English Date Started: August 2020 Ended: April 2021 ** "Home is behind the world ahead And there are many paths to tread Through shadow to the edge of night Until the stars are all alight. Mist and shadow Cloud and s...