Slowfade 3

242 13 0
                                    

Chapter 3
Enjoy reading!

CALENDULA

I woke up minutes ago. Everything was still very clear to me. I know it wasn't just a dream or imagination. I just know it. I can still remember that beautiful star named Celestine who claimed to be my guiding star, that arrogant Pegasus, those five other Stars who were Celestine's elder siblings whom they labelled themselves, Celestial Stars and then that place called Celestial Haven.

I travelled back to the time when this weird imagination I had started. It all began when I was in my freshman year in college. Na sa tuwing ako ay nagde-daydream ay nangyayari literal ang iniimagine ko. Until sa naglevel up ito, pati ang mga taong nahahagip ng focus ko tuwing nag-iimagine ay nadadamay. At naglevel up muli, kung ano ang sinasabi ko na gusto kong mangyari ay nangyayari nga ng literal.

Akala ko hanggang doon na lang 'yon pero may ikakalevel up pa pala ito. Tanggap ko naman na may tililing ako, konti lang ha. Pero sobra naman ata ito ngayon. Ganito na ba talaga katayog ang imagination ko? Mantakin niyo 'yon! Nakakita ako ng Pegasus sa personal na mahilig umirap at ngumisi, isang batang sobrang ganda na biglang lumaki na nakalula 'yong tangkad ay isa palang bituin, tapos idagdag niyo pa 'yong mga kapatid niya na sobrang ganda rin. Huhu! Baka sa mental na ako nito pupulutin.

Pero...

Gustohin ko mang matakot at kabahan gaya ng ibang characters sa mga fantasy stories na nabasa ko ay iba ang nararamdaman ko.

Oh greatness gracious! Kyaaa! I'm so excited! C'mon! C'mon!

Napangiti ako nang malapad saka inabot ang pendant ng kwintas na napulot ko no'n na ngayon ay suot ko na sa leeg ko at nilingon ang malaking libro sa aking gilid na pinatong ko sa aking unan. Umupo ako at sumandal sa headboard.

Napakagat labi ako sa aking naiisip na mangyayari sa hinaharap...

Nakasuot ako ng itim na leather cover all suit tapos may cape, may suot akong tiara tapos may hawak na nagliliyab na espada at katabi ko ang aking ka-loveteam na dark prince. Hoho! Shet!

"Hihihihi!" hagikhik ko dahil kinikilig ako sa aking iniisip. "For sure, may makikila akong bad boy do'n na magpapanggap na good boy, 'yon pala ay sakop ng kadiliman at kami ay iibig sa isa't-isa. Ahihi!" naalala ko ang mga fantasy stories na nabasa ko.

Ang galing-galing!

Matapos ko maipalabas ang kilig sa aking sistema ay humugot ako nang malalim na hininga. Nilingon kong muli ang Zebortal at pinihit ang katawan ko paharap doon kasi sobrang bigat niya, hindi ko keri buhatin.

Walang sulat ang cover, parang balat ng kahoy na kulay brown ang cover ng libro. Napakakapal nito mas makapal pa sa mukha at bibig ng tsismosa kong kapitbahay.

I touch the cover and I felt a tingling sensation run through my fingers until it reaches my heart. Napapikit ako nang biglang bumilis ang tibok ng aking puso dahil do'n.

I am palpitating and I feel suffocated.

What was that? Hinahabol ko ang aking hininga at napangiwi dahil sa kirot. Inalis ko ang aking mga daliri sa libro saka sinapo ang dibdib ko. Gulat na tinititigan ko ang aking dalawang palad nang maramdaman ko ang pag-init nito. Wala namang kakaiba ngunit ang init talaga ng pakiramdam ko.

Tinitigan kong muli ang Zebortal at pilit inalis ang kakaibang pakiramdam na iyon, inabot ang libro at sinubukang buksan ngunit mas matindi ang init at kirot ang naramdaman ko.

"Oh gracious! The book just electrocuted me!" hiyaw ko at sinapong muli ang aking dibdib dahil sa malakas na pag-dugdug ng heart ko. "This book is maybe sealed." mahinang wika ko at sumandal na lang muli sa headboard. Sa mga nabasa ko, ganito lagi 'yon e kapag may mga librong powerful, kadalasan ay sealed.

SLOWFADE (My Magical Adventure)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon