Slowfade 11

111 8 0
                                    


Chapter 11
Enjoy reading!

CALENDULA

Kanina pa ako gising, nakatulala lang sa kisame. Dito na ako natulog sa kwarto ng opisina ni Tatay Jeremy. Hindi na ako lumabas pa kahapon nang magkamalay ako dahil sa takot.

Natatakot ako na baka mas malala pa ang aabutin ko kapag lumabas akong muli lalong-lalo na sabi ni Cenia na nasa labas 'yong pitong Elite Circle. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang hapdi at kirot na hatid ng kuryente at apoy na tinira nila sa akin.

Nakakatrauma. Try niyo kaya. Masaya.

Hindi naman ganito 'yong iniimagine ko noon. Iba 'yong pantasya ko sa mga naranasan ko kahapon.

Nawala na rin ang bisa ng potion ni Cenia kaya balik na kaming dalawa sa dati. Napalingon ako sa orasan, alas cinco pa lang ng umaga. Nilingon ko ang kambal na natutulog sa magkabilang gilid ko.

Napangiti na lang ako dahil pansin ko ang pag-iba ng ugali nila. Nawala na 'yong carefree side nila at mukhang seryoso na.

Nasa mundo pa lang ako ng mga tao alam kong hindi magiging madali sa akin ang lahat. Ni wala akong ideya kung ano ang papel ko rito basta ako raw ang pinili.

Pinili para sa ano? Ano ang aking tungkulin para makamit ang kapayapaan ng mundong 'to na sinasabi nila?

Napakahirap gumawa ng hakbang na wala kang alam sa gagawin mo. Nakausap ko rin si Nanay kagabi bago siya umuwi sa Brunhild. Sinabi niya sa akin na makakasama ko ang pitong Elite Circle pati si Cenia. Natatakot ako. Baka hindi nila ako matanggap lalong-lalo na ng tunay na anak ni Nanay Lea.

I am expecting for the worst to happen today. Mabuti na 'yon kaysa umasa akong maging mabait sa akin ang lahat kagaya sa nangyari kahapon.

Mahigit isang oras pa ang tinunganga ko bago nagising ang kambal. Nakangiting binati nila ako.

"Caly hindi ka na muna papasok sa klase ngayon dahil nasa kalagitnaan na sila sa mga aralin kaya ro'n na muna tayo sa libraria buong araw para makahabol ka sa kanila. Tutulungan ka ni Letezia at Amaria." Ani Dhalia kaya napakunot ang noo ko.

"Sino sila?"

"Nakita mo na sila kahapon at makikilala mo sila ngayon." Si Dhario ang sumagot.

"Breakfast delivery." Ani ni Tatay na biglang sumulpot sa paanan namin. Nakangiti ito kaya napangiti na rin kami.

Agad kaming nag-almusal kasama si Tatay.

"Pinadala ng Nanay niyo kagabi ang mga damit niyo kaya dito na kayo magbihis." Wika ni Tatay bago umalis sa silid. Hindi na kami nagsayang pa ng oras, nag-ayos kami at agad tinungo ang libraria na sinasabi nila.

Mabuti na lang walang masyadong Zebbie na gumagala dahil class hours nila. Nadaanan pa namin ang harap ng asul na kastilyo, ang Elementaria. Maraming mga batang Zebbie ang nasa harapan nito na kasing laki lang ng kambal. Naglalaro sila, may ibang bumati sa amin, may ibang walang pakialam. Ang ko-kyot! Parang nagsisi ako kung bakit hindi Education ang kinuha kong kurso sa mortal world, nagkaroon ako ng biglaang passion sa pagtuturo. Chos.

"They are the A+ Elementaria, bali sila ang unang class. Tingnan mo ang mga suot nilang chord ng identity card nila, it is faint blue." saad ni Dhalia, napatingin ulit ako sa mga bata. "Hanggang sa third class ang Elementaria... A+ then the B+ sky blue naman sila and lastly, the C+ with royal blue color."

"Bakit parang may mga toddlers na dito?" tanong ko nang mapansin ang mga batang 2 pa ata ang edad, ang liliit. Nagtatakbuhan ito sa damuhan, 'yong iba parang nagpapraktis palang maglakad at nakasuot pa ng diapers pero 'wag kayo ang kyot-kyot ng cloak nila!

SLOWFADE (My Magical Adventure)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon