Slowfade 2

251 17 0
                                    


Chapter 2
Enjoy reading!

3rd.

Minulat ni Caly ang kanyang mga mata ngunit wala siyang makita. Napakadilim ng kanyang paligid. Nilibot niya ang kanyang paningin at unti-unting nagsilabasan ang mga maliliit at nagniningning na bituin sa ibabaw. Ito ang nagsilbing liwanang sa kadiliman. Palakad-lakad siya ngunit parang wala siyang patutunguhan.

Biglang nag-ilaw ang pendant ng suot niyang kwintas at lumabas doon ang labin-dalawang ilaw hanggang sa nagpares-pares ito at naging anim nalang. Pumalibot ito sa kanya at unti-unting nag'hugis tao.

Tumambad sa kanya ang anim na Celestial Stars na hindi n'ya maisip ang tamang salita kung paano sasabihin ang taglay nilang kagandahan. Matatangkad ito para sa isang normal na height ng tao. Mga 6ft sila at iba't-iba ang gandang taglay ng bawat isa. Suot-suot nila ang kasuotan tulad ng mga Greek goddesses.

Ngumiti ang limang bituin sa kanya na ikinatayo ng kanyang balahibo dahil mas lalong gumanda sila sa kanyang paningin. Nakakapanindig-balihong kagandahan!

Ngunit nakuha ang atensyon niya sa bituing bukod tanging nakasimangot sa kanya. Si Celestine, ang kanyang bituin. Bakas pa rin sa mukha nito ang stress dahil sa kaengotan ni Caly. Si Celestine lang ang tanging nakikilala niya at sa kanyang tingin ito ang pinakamaganda sa kanilang lahat.

"Maligayang pagdating sa aming tirahan, Caltha Palustris." ani ng bituing naka-asul na kasuotan. Napatanga naman si Caly sa mukha nito.

Tulad ng kasuotan ay kulay asul rin ang mahabang kulot na buhok nito ganoon rin ang pares na mga mata. Napakaganda. Pinapalibutan rin ito ng kumikislap na liwanag na mapusyaw na kulay asul.

"Ako si Selena Star ang panganay sa aming lahat." dagdag nito.

Napanganga si Caly nang mapagtantong iba ang lenggwaheng ginagamit ni Selena Star pero ito ay kanyang naiintindihan.

'Ang talino ko talaga.' aniya sa kanyang isipan.

"'Wag ka sanang matakot sa amin dahil kami ang iyong magiging gabay sa daang iyong tatahakin." ani naman ng bituing naka-pulang kasuotan. Nanatiling 'nganga' pa rin si Caly na hindi makapaniwalang nasa harapan niya ngayon ang anim na bituing ubod ng ganda. "Ako si Dianarra Star, ang pangalawa sa aming magkakapatid."

Tulad ni Selena Star ay kung ano ang kulay ng kasuotan ng bituin ganoon rin ang kulay ng buhok at pares ng mata ni Dianarra Star.

"Dinala ka namin dito sa aming tirahan dahil ikaw ang aming piniling mortal upang gampanan ang isang katauhang magbibigay ng kapayapaan sa mundo ng Zebulom." wika naman ng bituing naka'berdeng kasuotan. Tila nagising naman si Caly sa pagkamangha dahil sa narinig.

"Bakit? Ano? Saan? Paano? Why? What? Where? How?" sunod-sunod na tanong ni Caly habang nakatitig sa berdeng mga mata ng bituing huling nagsalita. Binigyan siya nito ng makahulugang ngiti bago magalita.

"Nais ko sanang magpakilala muna sa iyo bago ko bibigyan ng sagot ang iyong katanungan. Ako si Nehemy Star, ang pangatlo sa aming anim." saad nito. Magsasalita pa sana si Caly nang naunahan s'ya ng isang napakaganda at nangheheleng boses ng isa pang bituin.

"Ikinagagalak kong makita ka ngayon, Caltha Palustris. Ako si Solenna Star, ang ikaapat sa aming anim." sabi ng bituing naka'kulay tsokolateng kasuotan. Ang ganda-ganda nito dahil mukha itong Asian sa singkit nitong mga mata. Kpop! Haha.

"Ah— hello?" awkward na bati ni Caly kay Solenna na may mga ngiting malumanay sa kanya.

Napatingin si Caly sa kanang bahagi nang marinig ang masarap sa tengang tawa. Nakatayo doon ang bituing nakakulay puti, may puting buhok at napaatras si Caly nang makita ang puting nangingislap nitong mga mata. Nakakatakot tingnan ang mga mata nitong puro puti ngunit nangingibabaw ang ganda ng bituing ito. Ito rin ang pinakamaliwanag sa anim na bituin.

"Nakakatuwa ka, Caltha Palustris. Gusto kong sabihin sa'yo na malalaman mo ang lahat ng sagot sa iyong mga katanungan sa tamang oras. Pakinggan mo ang sinasabi ng iyong puso. Maniwala ka." ani ng bituing iyon. Kinumpas nito ang kamay sa harap hanggang sa unti-unting nawawala ang nakakasilaw na liwanag na nakapalibot dito.

"Ako si Winona Star, ang ikalimang bituin at ako ang nag-iisang Oracle sa lahat ng dimension." muling kinumpas nito ang isang kamay hanggang sa humupa ang liwanag sa mga mata nito at naging normal ang kulay nito. Meron ng itim sa gitna.

"Sigurado kaming natatandaan mo ang aming bunsong kapatid na si Celestine Star. Siya ang iyong bituing gabay Caly. Magiging kasama mo siya sa iyong laban bilang Caltha Palustris at siya ng magsasabi ng lahat-lahat sa takdang panahon." wika ni Selena na ikinanlaki ng mga mata ni Caly.

"Huwaaat? 'Wag niyong sabihin na gaya ito ng mga nabasa kong mga fantasy stories, 'yong may gyera-gyera ang magical kingdom versus sa dark-dark chuchu tapos may tagapagligtas then it means, Am I going to be the tagapagligtas ng sangkatauhan here? Ako ba ang prinsesang nawawala ng Zebulom?! Waaaaaa! Isa ba akong prodigy? Oh my! Woooo!" nagtatalon-talon si Caly sa kanyang naisip at sinabi. Malaki ang ngising nasa kanyang mga labi na ikinairap ni Celestine.

"Tss. You're not a princess neither a prodigy, you idiot." singhal ni Celestine sa kanya na ikinatigil ni Caly at parang maiiyak na nilingon ang bituing kanina pa nakasimangot.

"Celestine." nakakatakot na sambit ni Dianarra sa pangalan ng bunsong bituin. Napairap si Celestine at hindi na umimik pa.

"Bakit ang taray niya?" nakangusong tanong ni Caly.

"Just don't mind her but we want you to ready and prepare yourself because starting from this day on will be the start of your journey as the Caltha Palustris of Zebulom." ani Nehemy Star.

"Take care of yourself, our CHOSEN one." ani Winona.

"Hanggang sa muli nating pagkikita." wika ni Solenna bago nilukob ng kadiliman ang buong paligid.

"Waaaaaaaaaaaaaaa! Black out!" hiyaw ni Caly bago mawalan ng malay.

-End of Chapter 2-

Thank you for reading freaks!

Hugs and kisses,
CL with love.

SLOWFADE (My Magical Adventure)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon