Chapter 8
Enjoy reading!CALENDULA
Muntik na akong mahimatay sa sobrang pagkamangha nang makapasok kami sa aming Domicile /do-mi-sil/. Dahil sobrang ganda talaga. Pramis! Feeling ko nasa loob ako ng isang tree house atsaka feeling ko rin isa akong diwata.
Napaka-nature ng dating kagaya ng office ni HM Judah. Kaso hindi damo ang sahig kundi carpet na kulay green. Malaki ang aming Domicile na kasing laki ng bahay namin sa mortal world. May apat na kwarto, dalawang banyo, kusina at sala.
"Nanay Lea prepared everything for us." ani Dhalia habang nililibot ang tingin. Kumpleto na kasi sa gamit at kasangkapan.
Puno na rin ng pagkain ang double-door na refrigerator namin. Para sa inyong kaalaman, halos magkatulad rin ang pagkain ng mga mortal at Zebbie kaso meron silang kakaibang mga prutas at gulay.
Agad akong tumakbo papunta sa mga kwarto at hinanap 'yong akin. Bawat pinto kasi merong nakapaskil na pangalan pero bago ko pa mahanap 'yong akin nakuha ang atensyon ko sa unang pinto na nadaanan ko, ang pintong may pangalan na 'Cenia Evans'.
"Ay. May ibang kasama rin pala tayo dito."
"Oo. Si Cenia, nakilala na namin siya dati. Anak 'yan ni Head Mistress Alorah pero hindi namin gamay ang ugali niya. Sana mabait." Ani Dhalia saka tinungo ang katabing pinto. It's her room kaya napaikot ako at hinarap ang parallel room ng kay Cenia.
Nakita ko ang pangalan ko kaya natuwa naman ako. Bali magkatabi ang kwarto namin ni Dhario at kaharap namin ang kina Dhalia at Cenia. Pumasok ako sa aking kwarto at napanganga ng pak na pak ang motif sa loob.
So may you know, obsess ako sa kulay na gold at black. Kaya ito ang motif ng room ko na sigurado akong si Nanay ang naghanda. Nagalak naman ako dahil kahit hindi siya hands on na Nanay, alam niya pa rin ang mga gusto ko.
Ang base color ng room ko ay black habang 'yong iba ay gold pero meron ding white, kagaya ng carpet na kulay black and white. Ang kama ko naman ay nakakasilaw na kulay ginto pati unan at kumot! Waaaa! Ang galing, may touch of black naman pero grabe ang ganda kaya napatalon ako at dumapa sa malambot kong kama. L
Napalingon ako sa kaliwang gawi ko nang mapansin ang dalawang pinto kaya bumangon ako at tuwang-tuwa ako nang mapag-alamang walk-in closet pala ang isa na puno na ng mga damit, kasama na doon ang higit twenty na puting cloak na may iba't-ibang design na susuotin ko araw-araw sa school.
Meron ding mga casual clothes at pajamas, mga sapatos, bags at ibang etcheburichi. Hindi ko na pala kelangang magbibit ng damit dahil andami na dito. Pumasok ako sa isa pang pinto na Jacuzzi pala ang laman. Grabe! Ang sosyal!
Dahil sa nag-uumapaw na kasiyahan at pagkamangha na aking naramdaman ay nakatulog na ako.
*****
Naalimpungatan ako dahil sa ingay at kalabog. Agad akong lumabas ng kwarto upang malaman kung saan nanggaling 'yon. Laking gulat ko nang isang malaking elepante na may tengang butterfly at nguso ng aso ang bumungad sa akin. Muntik pa ako nitong matapakan kung hindi lang ako nakatakbo papuntang sala.
"Aaaaaaaaaaaaa!" sigaw ko dahil sa takot sa kakaibang nilalang na 'yon.
Sobrang laki kasi at nauuntog na ang ulo nito sa kesame. Napansin ko ang isang babaeng may kulay yellow-green na buhok ang nakasakay sa likod nito.
"Tumigil ka! Hiyaaa! Stop moving!" sigaw nito habang pilit pinapakalma ang nagwawalang nilalang.
Buti na lang matibay ang pundasyon ng aming Domicile dahil ni hindi man lang nagkakalamat sa tuwing binubunggo ng nilalang na 'to pati 'yong mga ibang gamit na sa tuwing nawawasak ay bumabalik lang sa dating anyo.
BINABASA MO ANG
SLOWFADE (My Magical Adventure)
FantasyGenre: Fantasy Language: Tagalog-English Date Started: August 2020 Ended: April 2021 ** "Home is behind the world ahead And there are many paths to tread Through shadow to the edge of night Until the stars are all alight. Mist and shadow Cloud and s...