Chapter 16
Enjoy reading!CALENDULA
Everything changed. The calm, peaceful and disciplined Camp Zebu has changed into a mess. Ang nilalait ko na kakaibang pagdidisplina ng lugar ay biglang nagbago dahil sa babaeng 'yon.
Kung noon, ang pambubully ay kinakatakutan. Now, bullying is everywhere. How did it started?
It started when those three crowned creatures came here! Nang dahil sa babaeng buhangin na adik sa korona na 'yon naging magulo ang lahat!
Ang hindi ko lang matanggap ay kung bakit hinahayaan lang ng mga nakakataas ang nangyayaring ito. Nawalan ng kwenta ang mga camp guards dahil sa biglaang ipinababang utos ng pamunuan, ng mga Dale Sisters, na bawal nang saktan ang mga Zebbiedents ng mga camp guards.
It has been more than a month since I came here at namimiss ko na ang lugar na dati-rati'y mapayapa, na may restrictions ang paggamit ng kapangyarihan. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari.
Hindi ko rin mahagilap ang mga headmasters and headmistresses ng Camp Zebu. Gustong-gusto ko nang makausap sila Nanay at Tatay.
"Hey, you look bothered. Are you fine?" Byte asked.
I sighed and looked at him. Nagbago na ang lahat-lahat pero siya magulo pa rin ang buhok. I rolled my eyes. Nandito kami ngayon sa Domicile namin. Nandito rin sila Letezia, Ada at Gregory. Busy ang tatlo sa pag-uusap. Ang kambal naman ay pumuntang fairy land, sa lugar ng lahi nila. Nasa ibang dimension iyon pero kapitbahay lang ng mundo namin. Lagi silang naroroon.
Ramdam ko ang pagdikit ni Byte sa akin, iningusan ko siya at umusog ako palayo sa kanya. Pero dumikit ulit siya, pinandilatan ko siya ng mga mata. Tinawanan niya lang ako.
Biglang tumayo naman ang tatlo. Inismiran ko sila kasi hindi nila ako sinali sa pag-uusap nila. Masyado silang seryoso.
"We will sneak out tonight in the Dale's Arc." mahinang saad ni Greg.
"Seriously? What have gotten to you?" hindi makapaniwalang anas ni Byte.
Letezia sighed, "May hindi tamang nangyayari. Haven't you noticed?"
"The heads haven't came back yet after they said na lalabas sila para pumunta sa mga isla at ang mga Dale Sisters, hindi pa sila nagpapakita sa lahat simula no'ng inannounce na dumating na sila at higit sa lahat, the bullying! Oh gosh, it's getting out of hand. Eznairah is ruining Camp Zebu and I don't understand why Prince Lucas is just doing nothing."
Tahimik kaming sumang-ayon. Akala ko ako lang ang nakakapansin. Tumatalino na talaga sila, nahahawa sila sa katalinuhan ko. Lagi kasi silang sumasama sa akin. Haaaays.
Patuloy pa rin naman ang mga klase kasi hindi naman umalis ang mga masters at trainers.
Umalis silang apat at naiwan akong mag-isa. There's really something bothering me. Hindi na rin nagpaparamdam sa akin 'yong dyosang bituin. Ilang beses ko siyang tinatawag pero parang nasa out of coverage area ang tala.
Or baka nagbingibingihan lang sa tawag ko? O baka tulog na naman?
I went to my room and stood infront of the mirror. Sa paglipas ng mga araw, maraming nagbago sa akin. Mas kuminis at lumambot ang balat ko na kahit hindi na ako nagsi-skin care. Ang buhok ko naman ay itim pa rin pero medyo kumukulot ang dulo na dati naman ay hindi. Ang mga mata ko ay kasing itim pa rin ng budhi ni Bryler.
Si Bryler na sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin ay nagbabaga ang titig. Marami siyang issue sa buhay. Pero naghihinala na talaga ako, crush siguro ako ng apoy na 'yon. But, sorry, 'di ko siya type.
BINABASA MO ANG
SLOWFADE (My Magical Adventure)
FantasyGenre: Fantasy Language: Tagalog-English Date Started: August 2020 Ended: April 2021 ** "Home is behind the world ahead And there are many paths to tread Through shadow to the edge of night Until the stars are all alight. Mist and shadow Cloud and s...