Slowfade 27

46 9 0
                                    

Chapter 27
Enjoy reading!

MOONDALE

Naputol ang pag-uusap namin nina Kreg at Lucas nang umalingawngaw ang alarm system.

Napamura ako at napatakbo sa Simulation Room kung nasaan si Caly at ang dalawa pang Zebbie.

"Caly!"

Hindi namin mabuksan ang pinto kaya sinira ito ng dalawang prinsepe. I ran to the switch and immediately turned off the mental capacity simulator.

Bumungad sa amin ang nangingisay na katawan ni Caly at ang lupaypay na katawan ng dalawang Zebbie. Parehong dumudugo ang mga ilong at tainga nilang dalawa. Sumusuka na rin sila ng dugo.

"M-mistress. H-hindi namin nakayanan." hinang-hinang saad ng Zebbie na may kapangyarihang illusion. Halos hindi naman makamulat ang may Memory Alteration na Zebbie.

"Caly!" I ran towards her. I pushed the emergency button para makatawag ng medics at tulong papunta rito.

Nangingisay pa rin siya. I tried to touch her pero tumilapon ako.

"Mistress!" sigaw ng dalawa pero tumayo ako at muling lumapit kay Caly pero mas malakas na pwersa ang bumalot sa kanya.

"Ilabas niyo na sila!" sigaw ko sa dalawang prinsepe. Narinig ko rin ang pagdating ng iba sa labas.

Ngunit ang atensyon ko ay na kay Caly.

"Caly! Wake up!"

Ilang beses ko siyang nilapitan ngunit gano'n din karaming beses akong tumilapon.

Shit. Everything has gone wrong! Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. It is her mental ability test today and I made sure na magiging maayos ang lahat. Ang dalawang Zebbie na 'yon ang pinakamagaling na illusionist at memory alterer sa isla.

I looked at her neck. Napigtas niya ang restraining necklace!

"Caly!"

*****

CENIA

Kamusta na kaya si Caly? Lagi na lang siyang busy, simula noong magpersonal training silang dalawa ni Mistress Moondale. Hindi ko alam kung bakit may special training siya pero siguro nakikita nito ang potensyal ng aking kaibigan.

Masayang-masaya ako para sa kanya. Pero hindi ko maiwasang huwag malungkot dahil halos hindi na kami magkausap. Lagi siyang bagsak tuwing umuuwi at maaga rin nagigising.

Nakakamiss siya. Palaging tahimik na ang domicile ngayon. Wala rin palagi ang kambal, hindi ko alam kung saan sila nagsususuot.

Pumila na ako sa elevator kasi nasa top floor ng kastilyo ang klase ko ngayon nang biglang umalingawngaw ang malakas na tunog ng alarm system.

Nagkagulo ang mga estudyante kaya napatakbo na rin ako para lumabas ng kastilyo ngunit may tumutulak sa akin na pumunta ako sa training room. Maya-maya pa ay tumigil ang alarm pero hindi rin nagtagal, tumunog ang emergency alarm mula sa training room.

"Si Caly!" mabilis akong tumakbo papunta roon.

Nagdagsaan ang mga estudyante pero mabilis silang pinaalis ng mga masters, nagkasabayan pa kami ng Elite Circle at sina Eznairah sa pagpasok sa training room.

Mula sa Simulation Room ay lumabas ang dalawang prinsepe na bitbit ang dalawang walang malay na Zebbie. Pareho silang duguan. Agad silang inasikaso ng mga healers.

"What is happening?!" bulalas ni Letezia.

"Caly! Wake up!" malakas na sigaw mula sa loob ng Simulation Room kasabay nang malakas na kalabog na parang may tumilapon. Boses iyon ni Mistress Moondale.

SLOWFADE (My Magical Adventure)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon