Chapter 34
Enjoy reading!CALENDULA
"Let's go?"
Nakangiting inilahad ni Cenia ang kamay sa akin. Bumuntong hininga ako at muling sinulyapan ang dating kinaroroonan ng portal tungo sa Fairy Land. Ngayon ay wala na ito. Namatay rin ang punong iyon. Naglagas ang mga dahon at unti-unting natutupok ang katawan nito.
Huhuhu. Hindi ko man lang sila nayakap.
"Huwag mo 'kong titigan, Cenia. Kainis 'yang mata mo. Naiinggit ako." nanggigil kong bulalas sa kanya. Titig na titig si Cenia sa akin. Gandang-ganda sa akin eh. Kaurat.
Kamote 'yan. Ang ganda ng mga mata niya. Kumikinang ang pagiging purple eh. Talagang maharlika siya kasi rito sa Zebulom ay pangmaharlika ang kulay na yern. Akala ko no'ng una ay violet ang kulay pero hindi. Nang tinitigan ko nang mabuti, purple pala talaga.
So may all those aren't genius like me know, purple is the combination of red and blue. Nyahahaharrr. Nabasa ko 'yan dati sa wiki. Pero pang royalty pa rin naman ang blue and violet, mas mataas lang ang purple.
Tapos malalaman kong siya pala 'yong dating prinsesa ng Zebulom. Iyong si Lumierre Krishna Elemeñoza. Wow! May kasama akong ancient. But, I'm aware naman that she was reborn.
"Yours are much cooler." nakangising aniya.
Ngumiwi ako. Gusto ko sana'ng kulay ng mga mata ko ay red kaso paggising ko ay naging ginto na. Peborit color ko 'yon kahit hindi halata. Hahaha! Ah basta. Red is beautiful.
"Yeah right."
Naalala ko na naman si Rufus. Golden eyes kasi 'yon. Minana ko ang mata niya. Mabuti na lang hindi nagmatang bayawak ang ganda ko. Huhuhu. Kakamiss ang bayawak na 'yon. He said he needs to go somewhere far for a journey. Ang kapal. Journey pang nalalaman ang bundat na 'yon.
Naglakad na kami pabalik sa Camp Zebu. Ang portal kasi ng Fairy Land ay nandito sa east side ng Mystia Forest. Nasa gitna ng gubat.
Habang naglalakad ay nagkukwento si Cenia sa mga nangyari habang tulog ako. She said nagkagulo noong sumabak ako sa mental capacity simulation kaya isinakrisyo ng kambal ang kapangyarihan nila to control my awakened power.
Kumunot ang noo ko. Kasi parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.
"You were asleep for more than a month. Then yesterday, nawala ka lang bigla. Nagkagulo na naman."
Tumango-tango ako.
"I remembered that. Amaria was in my room. Langya 'yon. Binash niya ako, besh. Pangit ko raw habang natutulog. Huwag na raw akong magising. Kasi wala naman akong ambag sa lipunan. Pabigat lang daw ako. Bell pepper! Kaya hayun, kahit na feel ko pang mag-beauty rest, gumising na ako para wasakin ang pangarap niyang hindi ako magigising. Binasag niya pa 'yong bebe itlog ko— "
"Oh my gosh! You knew?!"
Napahinto kami sa paglalakad. Nakangangang nakatingin siya sa akin.
"You knew, what?" tinaasan ko siya ng kilay.
"About your celestial egg!"
Tumango naman ako. Of course I knew about it. I'm Caly the super bright and awesome kid, ano ang hindi ko alam?
BINABASA MO ANG
SLOWFADE (My Magical Adventure)
FantasyGenre: Fantasy Language: Tagalog-English Date Started: August 2020 Ended: April 2021 ** "Home is behind the world ahead And there are many paths to tread Through shadow to the edge of night Until the stars are all alight. Mist and shadow Cloud and s...