Chapter 6 - Kabahan ka

2.8K 91 4
                                    

Keana's POV

Tumawag na ko kay Carlo na papunta na ako ng bahay.Papihit palang ako ng doorknob nang nangsalita si mokong.

"Ihahatid na kita. baka mapaano kapa!" Anyare doon? Biglang concern ganern? Sinundan ko lang sya nang tingin papunta ng kwarto nya.

Di kalaunan, lumabas na din sya. Hinawakan nya pa ko sa wrist ko, ako naman nag pahatak na lang. Mamaya magalit na naman yan diba.

Nasa may daan na kami ng biglang kumalam ang sikmura ko. Gusto ko ng fishball.

"Ryan."

"Hmm?" Tanging sagot nya sakin.

"Nagugutom na ako. Gusto ko ng fishball."

"Okay." Sabi nya at pumunta na saaaaa— ano ba hindi ko alam kaloka naman.

"Manang Lea, can i buy 100 pesos of fishball."

"Ay sir, wala po si manang Lea. Ako lang po nag titinda dito." Sabi ni kuyang mukha mayaman na hindi pwedeng mag tinda sa fishball. Pero familiar sya ommo!

"Kuya Justin." Nakunot lang noo nya sakin kaya bumaba ako at kinausap sya.

"Kuya Justin si Keana toh!" Turo ko sa sarili ko, siguro hindi nya ko maalala.

"Kuya ako yung batang nagbigay ng bracelet sayo noon, look!" Pinakita ko pa yung binigay nyang bracelet na blue.

"Keana is that really you?" Sabi pa nya ulit.

"Kuya naman, hindi siguro rebulto ko lang ito. Syempre ako ito! syonga lang? Medyo pumayat nga lang ako ngayon." Sabi ko sakanya.

"Namiss kita kuya." Sabi ko at niyakap sya.

"Oh I miss you too." Yumakap sya ulit sakin.

"Tama na yang yakapan nyo. We're gonna be late Keana, we have to go. Aalis na kami." Sabi nya, kj na naman tong si mokong. Pinaghiwalay kami ni kuya Justin.

"Sorry kuya, nagmamadali kami! Ito number ko tatawagan nalang kita." Abot ko sakanya ng pirasong papel.

"Yah! keana bilisan mo jan!" Sabi nya, ako napairap lang.

Nag wave nalang ako kay kuya justin habang nakangiti.

"Is he that so important to you?"

"Yup! Childhood friend ko sya, buti nga nakita ko sya uli." Habang kinakain yung fishball na binili namin kay kuya justin.

"Tsk!"

"Baka nakakalimutan mo papunta tayo sa mama mo." Oh my god! Pinalala pa nya kinabahan tuloy ako. Si mama pa naman iba magalit yun.

After 20 minutes, nandito na kami sa pintuan ng bahay namin. Kaylangan ko nalang kumatok kaso itong si mokong halatang inis na inis.

"Ano hindi mo pa kakatukin?" Sabi nya sakin

"Maghintay ka kumukuha lang ako ng bwelo eh!"

*tok tok*

*kring kring*

Oo kumatok ako at sabay pa yung pag tunog ng tumawag kay mokong.

"Wait a second." Sabi nya at nagpakalayo layo na sana di na bumalik. Char lang! Lumayo lang sya para hindi ko marinig.

"Ate! Dumating ka. Kinukulit na ko ni mama, ang problema ate nasabi kong buntis ka kay mama sorry ate."

"Ano? Ano ka ba naman Carlo! Mamaya anohin ako ni mama! Ano paano na ito?" Pabalik balik na ko rito sa may harap ng pintuan nang marinig ko ang familiar na tawag sakin ni mama.

"Kaka punyeta ke bata bata mo pa nag pabuntis kana!" Sabi ni mama na may dalang walis, nako masakit namamalo yan eh.

"Ma, hehehe ano kasi—" Pinag didikit ko na yung dalwang daliri. Kinakabahan na ko here!

Tinignan ko si Carlo tinignan lang ako na humihingi ng sorry sakin.


°°°

tbc

She is a Teenage Mom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon