PART 20- Fight For LOVE.....

903 34 0
                                    

                    Pauwi na ako...iniisip ko pa din kung paano napulot ni Caz yung....haysss baka  kahawig nga lang yun ng bracelet na to....pero ang mas mahirap na iniisip ko ay kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoong alitan namin ni Roselle...baka isipin niya na siya ang dahilan pero ang may kasalanan ng lahat lahat ay ako naman mismo...

                   Sa mga oras na ito iniisip ko na kailangan ko ng mamili.....naging isang bahagi ng buhay ko si Roselle at Caz at hindi ko yun makakalimutan....minahal ko pa rin si Roselle pero hindi ko alamkung bakit sa kabila ng lahat hinahanap hanap ko pa din si Caz lalo na nung nagkahiwalay na kami after we graduated....at ngayon nakita ko nasiya parang ayoko na mawala siya? mahal ko pa din ba siya? paano si Roselle?? masasabi ko na ba sa kanya na hindi na ko masaya sa piling niya gayong posible din na ako ang ama ng dala niya....dumaan ako sa kanila....at galit nanaman ang sinalubong niya saakin...

"So hatid sundo mo pala ang babaeng iyon????"

"Sa kakasunod mo mabibinat ka nanaman"

"Hindi ako sumunod....may mga mata ko sa universidad na yun!"

"Eh ano??? kaibigan ko lang naman saka iisang paaralan kami ano masama???"

"Kaibigan?????"

"Eto nanaman ba tayo????"

"Caloy simulanung naging tayo! panay siya ang bukang bibig mo! nababasa ko noon yung mga text niya sayo! at hindi ko alam kung bakit selos ang nararamdaman ko! tapos ngayon at nagkita ulit kayo mas lumala!"

"Tamang hinala lang yan"

"Sana nga mali ang kutob ko! pero damang dama ko! Caloy wag mo ko isali sa mga kalokohan mo"

"Dahil sayo nagtino ako....kasi mahal kita"

"Marahil nung una! pero hindi ba't si Cazandra ang laging nagpapaalala sayo na magtino ka??? baka naman siya talaga ang dahilan!"

"Roselle....dinalaw kita para masigurong ayos ko...hindi ko inaasahang ganito nanaman pala"

"Ikaw din naman ang gumagawa ng ikakagalit ko!"

"Anong gusto mo??"

"Layuan mo!"

"Isa siya mga matalik kong kaibigan!"

"Mas pipiliin mo ba siya kaysa saakin???"

"Roselle ....hindi na ito ang tamang oras at gawain para diyan....aalis na ko! kausapin mo ko kapag matino ka na"

"BAkit hindi mo kayang sagutin???"

                    Tinalikuran ko na siya....tinawag niya ko pero umuwi na ko ng tuluyan....kailangan ba talagang mamimili???kailangan ko ba siyang layuan???? minsan nakakatawa naalala ko tuloy ng mabasa ni roselle na bhabez ang tawagan namin ni Caz sa text at kahit naman sa personal eh nakasanayan na namin tawagin ang isa't isa ng ganun kahit wala kaming relasyon at magkaibigan lamang....nagpakilalang Zander noon si Caz at insan ko sa mother side...nang nagpakilala si Roselle na gf ko....kaya hindi nag selos noon si Roselle buti na lang at Bhabez San Juan ang nakalagay na pangalan noon ni Caz sa phone book ko....

                 Naalala ko na Ms. San Juan ang tukso ng mga tropa namin noon kay Caz kaya siguro nailagay ko na Bhabez San Juan ang ilagay noon sa phonebook ko....bagay daw kasi kami ika ng mga tropa namin....nakakakilig ang loveteam?? sana daw ay totohanin na namin....kaso noon pinaniwala ko ang sarili ko na hindi pwede dahil kaibigan ko siya at parang kapatid na ang turingan namin....at kung ano man ang nararamdaman kong pagmamahal na nag uugnay saamin ni Caz ay pagmamahal yun ng isang kaibigan ...hanggang sa na realize ko na kaibigan? yun lang ba ang dahilan kung bakit mahal ko siya?

THE GANGSTER QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon