PART 27- Darkness....

753 27 0
                                    

           Inuwi ko na agad si Hilary sa lugar namin....mabuti at pumayag siya saakin na umalis na kami ng Manila....hindi ako papasok bukas.....plano ko na sabihin kay Caz at kela Beltran ang lahat ng plano....pero ang masakit na katotohanan....sa gagawin kong pagliligtas sa gangster queen isasakripisyo ko ang sarili ko....mawawala ako sa posisyon sa gang ...bababa ang tingin saakin ng pinuno at mawawala ang kasikatan...at ang lahat na tinatamasa ko ngayon ay maglalaho na....pero dahil mahal ko siya...tatalikudan ko lahat .....para sayo Caxandra Montealvez....

"Ano ngayun ang plano niyo?" tanong ko matapos magpatawag ng pulong si Beltran sinabi ko sakanilang lahat ang plano nila Hero...

"Hindi pupunta si Cazandra sa concert na yun"

"Ha?"--Caz

"Caz...yun na lang ang tanging paraan para mailigtas ka namin...isa pa magdadahilan nalang kami"

"Beltran...lalakasan ko ang loob ko lalabanan ko sila"

"Paano kung alam na nila ang lugar ng pamilya mo? kung nasaan sila?mdadamay sila paghindi ka pumayag sa kagustuhan nilang sumanib ka sa kanila...isa pa maaring ipahuli ka nila sa batas...magsumbong ka man ay wala kang laban sa kanila may ibedensiya na sila Cazandra"

"Magtatago lang ako?"

"Sa ngayun yun lang ang tanging paraan"

          Natahimik si Cazandra sa mga sinabi ni Beltran...ano pa nga bang magagawa namin? hindi naman lahat ay masusulusyunan ng tapang....halata na pinapalakas ni Caz ang loob niya...matapang siya pero...isang malupit na kalaban ang haharapin ngayun ng gangster queen....

---------

        Iniisip ko pa din kung tama nga ba ang ginawa namin nila Beltran ang magtago??? isang kaduwagan....pero ano pa nga ba ang tawag saakin???? hindi ba't isang napakalaking duwag na mahina ang loob??? eh paano naman nagtatapang tapangan ka! palagi ka naman nalalagay sa alanganin tapos ngayun pinagtatago ka nag aalinlangan ka?hindi ba't diyan ka magaling? sa pag iwaas...pagilag...pagtakbo ....yung pagtatago?? Naawa ako sa sarili ko...tama naman kasi ang nasa isip ko....duwag naman talaga ako....

           Nagulat ako...pagpasok ko sa bahay ay tahimik....dahan dahan akong nagmasid pagpasok ko sa loob ng bahay namin na tila tahimik...yung walang tao....pagpunta ko sa kusina ay nagulat ako......

O_____O!!!!!

Nakatali ang aking tiya at tiyo...mga pinsan at ang lola ko!

"Sus ko! anung nangyare...bakit kayo nakagapos at may busal sa bibig?" agad ko silang pinakawalan...

"Kinuha nila ang kapatid mo! mga nakaitim at may maskara! nilooban kami at ginapos dito!"--sabi ng tiyo ko... Napansin ko na may nakadikit na dilaw na papel sa may refrigirator namin....

THE GANGSTER QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon