PART 39- HER TEARS

821 26 3
                                    

                   Habang pinapanuod kong makipaglaban si Dean...hindi ko alam kung natatakot ba ko para sa kanya o anu....basta may kakaibang kaba nakumakabog sa dibdib ko....

"Caz saan ka pupunta?"usisa ni Caloy

"Hindi ako pwedeng manuod na lang ng basta basta"

"Planado toh lahat ni Dean....pinoprotektahan ka namin"

"Caloy....hindi naman pwede na tumanga lang ako dito....hindi ko kayang hayaan si Dean doon"

                   Maya maya nakita kong napaputok na ni James ang kilay ni Dean at basag naman na ang ilong at maga na ang pisngi ni James mukang pareho silang may asero sa kamay...natatakot ako baka hindi lang sa muka tamaan si Dean....

"Anu Dean? masakit ba?" hiyaw ni James matapos tamaan si Dean sa sikmura...tumayo ka Dean pakiusap....pakiusap tumayo ka na...

"Suko ka na ba???? paano ba yan mukang nasaakin na ang huling halakhak" sumenyas siya sa isang kasamahan niya at inabot nito ang baril kay James....tila itututok niya na ito kay Dean....

                    Napatayo na ko...kinakabahan ako pero kailangan kong tulungan si Dean...lalakasan ko ang loob ko at buong tapang na gagawin ang misyong ito...kaya ko toh!

"Saan ka pupunta!" hiyaw ni Caloy

"Basta..." nakakita ako ng motor sa bandang gilid ng Pier...sumakay ako doon at pinaharurot hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan nila....

"Wag kayung magpapautok....hindi naman niya kayang gawin yan..." hiyaw ni James...Oo hindi ko siya kayang sagasaan...hindi naman ako marunong manakit ng kapwa eh....

"Akalain mu yun....matapos ang pitong bwan ngayun ka lang muling nagpakita Gangster Queen..."

"James...nagbalik ako hindi para tapusin ka...kung di para tapusin na ang laban na to magkaayos na sana tayo...James tama na....hindi ka ba nahahabag sa ginagawa mong kabrutalan?"

"Nagpapakumbaba ka ba? hindi ko alam na marunong palang magpakumbaba ang gangster queen?"

"Kung yun ang kailangan ....gagawin ko"

"Kung ganun....lumuhod ka at humalik sa paanan ko kapalit ng hinihiling mo...isuko mo na ang korona mo at bumaba ka na sa trona mo dahil tinatapos ko na ang termino mo mahal na reyna"

"Yun lang ba?' bumaba ako sa motor at humakbang palapit sa kanya....kitang kita ko na nanghihina na si Dean....alam kong nasasaktan siya...ayokong mahirapan siya.

'Caz...wag mong gawin yan..." hiyaw ni Caloy at tila nagkagulo ang lahat...nagputukan na at nagumpisa na ang labanan....naglaban kami ni James....mukang wala na talagang pag asa.

                        Sa mga oras na yun...naisip ko na hindi nga madadala si James kung dadaanin ko siya sa diplomasya....hindi matatapos to kung hindi ako gagamit ng dahas....patawadin sana ako ng nasa itaas...ayokong maranasan pumatay....hindi ako mamatay tao...bahala na kung anong mangyayari...

"Caz....' tumilapon ako malapit kay Dean matapos akong matadyakan ni James

"Dean...lalaban tayo...magagawa natin to"

"Dahil ba sa kanya kaya hindi mo ko magawang pagtuunan ng pansin?bakit hindi pa ba sapat ang mga napatunayan ko sayo? hindi pa ba sapat ha Cazandra??" umiiyak siya....naaawa ako sa itsura niya....dahil ba saakin kaya ka nagkaganyan?

"James....kung mahal mo ko talaga hindi mo ko magagawang saktan" bigla siyang tumawa ng malakas....

"Pinapatawa mo ko....bakit ikaw? sinaktan mo ko hindi ba? ngayun mo sabihin na hindi marunong manakit ang gangster queen?"

THE GANGSTER QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon