PART 25- It Feels Like....

742 25 3
                                    

           Naibalita naman ang tungkol sa kaguluhang naganap saaming pamantasan...patuloy ang pagiimbistiga ng batas ukol sa naganap na riot...hmm teka nung naganap iyon...nakita ko si Caloy...may hoody siyang jacket na gray na nakapatong sa uniforme...hindi kaya...alam niya na din na ako ang gangster queen?? matatanggap niya pa kaya ako??....

   "Dean...." agad kong tinext si Dean baka may alam siya kung bakit naroon si Caloy...

"Bakit? may problema ba?"

"ah...kanina sa riot...napansin ko kasi si Caloy....natitiyak ko na naroon siya kasi...nakita ko talaga siya nung nagaganap yung kaguluhan"

"Hindi ko napansin si Caloy eh..."

"Ganun ba...pero sa tingin mo? alam na kaya niya?"

"Sa ngayon hindi ko masasagot yan...pero isa siya sa alas ng pinuno dahil alam nila na malapit ka kay Caloy"

"Yung paglipat mo nga pala...."

"Hindi ako lumipat..."

"Ha??? bakit ka sumama kila Beltran?"

"Para iligtas ka...at masigurong ligtas ka nga"

"Sus...sabi mo nga hinid ka naman bayani para ipaglaban ako"

"Magpahinga ka na ....gangster queen" nangiti ako sa naging reply niya....

               Alam ko na...hindi na ganun kasama ang nadadama ni Dean ngayon para saakin...sana nga ay magakaayos na kami...at si Caloy naman....haysss ano nga ba talaga ang ginagawa niya roon? napag utusan ba siya? hmmn malaya ka na nga Caloy pero...sana hindi ang pagiging gangster ko ang magiging sanhi ng tuluyang pagkawasak ng pagkakaibigan natin...

----------

"Dean...anak gising!"

"Mah...inaantok pa ko weh!...gabi na nga ako nakabalik rito dapat matulog muna ko ng makabawi"

"Tignan mo ito...nakita ko na nakapaskil ang poster na ito malapit sa may palengke"

"Ano po ba yan?"

"THE POISON! nakalagay dito may gig kayo sa susunod na linggo!" nanlaki ang mga mata ko! kahit si Renz ay hindi ibinalita saakin ang concert na yan!

O____O!! "N-ngayong linggo po talaga mismo?"

"Ou anak! hindi mo ba alam ang sched ninyo???"

"Ah...nakalimutan ko lang po ata"

"Nako! kulang sa bitamina! ang aga mong makalimot kay bata mo pa" lumabas na siya ng silid...

               Napaisip naman ako kung bakit ni isa man lang kela Renz na tropa ko eh walang nag sabi ukol sa concert na yan! sa linggo at dito sa lugar na ito gaganapin....mukang may hindi magandang mangyayari...amoy na amoy ko na....

THE GANGSTER QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon