PART 31- Pakatatag

653 26 0
                                    

              "Taksil ka! bakit mo kinakampihan ang babaeng yun? hindi ba't sinaktan ka din niya?" hiyaw ni James na tila galit na galit dahil nakatakas na sila Caz.

"Taksil ka din naman....ang kaibahan natin ako nagpakatotoo....alam ni Caz ang baho ko"

"Talaga lang? sige ipakita mo saakin kung gaano ka katotoo"

              Tuloy pa din ang sagupaan namin....nakita ko na madami ng nasawi sa magkabilang panig...sana ligtas si Caz kung nasaan man na siya sana magtagumpay siya.

"Dean! nagronda na kami...inililikas na ng iba ang mga nasawi umalis na tayo" biglang dumating sila Renz buti at ligtas siya.

"Aba magaling mukang may natira pa sa inyo" sagot ni James

"Renz....ilikas niyo na ang lahat...wag mo na kong alalahanin...umalis na kayo"

"Pero...."

"Sige na....magkita na tayo sa kuta...makabalik man ako o hindi tandaan mo wag na wag mong hahayaan masundan kayo sa kuta...ipagpatuloy mo ang naumpisahan"

"Magiingat ka"

"Alis na!" hiyaw ko at patuloy kami sa paglalaban ni James

"Ikaw pala ang namuno sa pag aalsa"

"Oo at alam kung tama ang desisyon ko" sinugod ko siya at bumunot ako ng baril pinaputukan ko siya at agad siyang tumakbo sa mga poste...naghabulan kami at napakatagal na oras ang inabot ng laban namin.

-----------------

                Sa isang gubat kami napadpad ni Beltran....kakahabol namin ni Beltran kay Hero nakarating kami sa dulo ng kagubatan...isang bundok na ang dulo ay bangin ang kinatatayuan namin ngayon...

"Wala ka ng pupuntahan...bangin na ang kalalagyan mo"

"Anu naman ngayon? uunahin ko ng ihulog ang batang to"

"Alam mo ba ang sinasabi mo? wala kang awa!" hiyaw ko

"Pare pareha lang tayo dito"

          Inihulog niya ang kapatid ko agad naman binaril ni Beltran si Hero at nabuwal ito. Agad ko naman sinaklolohan ang kapatid ko na nakakapit sa isang sangga na tila mapuputol na sa nipis.

"Kumapit ka sa kamay ko"

"Natatakot ako ate...bakit ba nila to ginagawa"

"Malalaman mo din balang araw"

"Ate..."

"Kumapit ka ng mahigpit"

"Caz tutulungan ko kayo" hinila namin ni Beltran ang kapatid ko upang makaahon ito.

"Akala niyo ba basta basta niyo na lang akong matatalo?" pilit bumabangon si Hero.

"Caz umalis na kayo"

THE GANGSTER QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon