PART 21- Her....

829 28 3
                                    

             Naglalakad ako ng bigla akong binundol ni Dean...Dean Kyle Nicolaz....isa sa mga miyembro ng sikat ng bandang THE POISON....mayabang ..antipatiko...mahangin....mapera nga rich kid dahil naging sikat!!! at higit sa lahat babaeroh at hindi marunong magpahalaga!!! Napakarami niya nang atraso saakin! ayoko sakanya! sak sakan siya ng yabang! grabeh siya mammaliit ng kapwa komo sikat siya....maraming may ayaw at inis sa kanya!

         Ako nga pala si James Alcaronte Cortez mas kilala bilang JAMES CORPUZ nerd nga ng campus at ng gang pero dahil sa utak na angkin ko! madami na akong naiitulong! Pero siya! panay yabang ang alam pormah lang naman! panay sat sat at ang hindi ko matanggap ay ang pag agaw niya sa babaeng matagal ko ng minamahal si Cazandra Montealvez.....

"Ano bah!" angal ko pag kasagi  niya saakin

"Titingin ka kasi sa dinadaanan mo!"

"Ikaw na nga tong nakasagi ikaw pa mayabang!" hindi ko na natiis ang pang aapi niya sobra na siya! hindi lahat kaya niyang maliitin!

"Abah...lumalaban ka na ba? ha!!!!" tinulak niya ako sa pader at hinila ang kwelyo ng uniporme ko...

"B-bakit kasalanan mo naman talaga...." nabitawan ko ang mga librong hawak ko....

"Oy! Boy Nerd dahil sa kapal ng salamin mo na kasing kapal ng mukha mo  eh hindi mo na makita ang dinaraanan mo! kilala mo kung sino ako....hindi mo ko kaya!" binitiwan niya ko....

"Sinagot ka na siguro ni Cazandra kaya lalong ang taas ng kompiyansa mo sa sarili mo....eh sasaktan mo lang naman siya..."

"Ang sabihin mo....hindi mo lang matanggap na mas gusto niya ako kaysa sayo! kasi naman sino ba naman ang magkakagusto sa isang....NERD na gaya mo! kung ako sayo wag ka ng umasa..." at umalis na siya....

        Masakit talaga siyang manalita...pero araw araw kong nilululok yun pag nandito kami sa campus.....pero pagdaring sa gang at kaharap namin ang pinuno....saka ko siya naiisahan...

"Ja-Mes!!!!!!!" si Renz....

"Bakit....lalaitin mo din ako????"

"Mainit ulo ni ni Dean eh...kung ako sayo wag mo siya sagutin ngayon! wrong timing ka...."

"Bakit????"

"Hmmm Basta....kung gusto mo talaga si Cazandra patunayan mo....walang magagawa ang mga libro na yan kay Caz...." tumawa siya at pagkaraan ay umalis na din....

         Masakit pero tama nga naman talaga siya weh....walang magagwa ang mga libro na to para patunayan ko kay Caz na mahal ko siya....Nerd nga talaga ko kaya hindi niya ko nagustuhan! muka kasi akong torpe....

        Bumili ako ng wax at inilagay sa buhok ko....tinanggal ko ang jacket at salamin ko....pagbalik ko sa school nagulat ako ng pagtinginan ako ng lahat....nag HI saakin ang mga girls...hmmm pogi ba ko??? sakto lang naman weh....baka may mali???? hmmm ewan makapasok na nga sa klase....

-----------

THE GANGSTER QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon