PART 37- Pagsubok

657 26 0
                                    

                  Hindi naabutan ng koponan nila Caloy ang koponan nila James pero nalaman ko na may koneksyon sila sa kuta ng mga ito at pinaghahandaan ni Dean ang pagsalakay doon...nag aalala ako para sa kanya...gusto ko na siyang makita.

"Pareh! mukang absuelto na sana si Dean...bakit kasi tumakas pa sila?" sabi ni Yumi

"Hindi ko alam kung ano ano pa ang mga plano ng lalaking yun"

"Tignan mo...halika dito pakinggan mo ang news sa TV...wanted na siya at mga kasamahan niya nagturu-turuan na din ang mga kosa niya na sangkot sa pandaraya sa batas karamihan dito ay opisyal ng bansa...nasa senado pa"

"Mukang kumakanta at gumagalaw na ang mga parokyano ni Dean maganda yan...masisira sila dahil kay James ngayun madidiin siya..."

"Wanted naman na siya girl eh....pinaghahanap na siya ng pulisya at ang buong koponan nila"

"Eh kung ituro nalang kaya ni Dean ang kuta nila James kesa sumugod siya doon? bahala na ang mga pulis"

"Ano ka ba? pulis eh magaling tumakas si James ano!!! baka nakakalimutan mo kung gaano kahusay mag isip ang nilalang na yun"

"Ou nga pala...pero natatakot ako sa maaaring mangyari"

"Lakasan mo ang loob mo...malapit na ang huling laban"

"Yumi...umamin ka nga saakin...alam mo ang kuta nila Dean hindi ba? dalahin mo nga ako doon"

"Ano???? ayoko...may alam man ako o wala..."

"Pakiusap...kailangan kong makausap si Dean"

"Tawagan mo nalang"

"Di ko macontact ang number niya..."

"Wala akong number niya"

                       Napayuko na lang ako at nanatiling nakatutok sa balita sa telibisyon....wanted sila James...nawawala si Dean...at ganun pa din si Beltran paano ang gagawin ko??? balita ko nasa koponan na namin si Dean at Caloy...kung ganun nagtratrabaho na kami sa iisang koponan pero bakit si Dean ang kumikilos? Hindi magugustuhan ni Beltran ang mga nagaganap...patas siyang lumaban...paano mo nagagawang humawak ng dahas Dean? anu nang ngyari?

-------------------

7MONTHS AGO

"Sigurado ka na ba? susugod na tayo?" usisa ni Renz

"Panahon na para tapusin ito...handa na ko"

"Sigurado ka na ba?" tanung ni Caloy

"Oo..sa pagkakataong ito....hindi ako maaaring mamatay hanggat hindi to natatapos at hangga't hindi ko napapatay si James...kung mamamatay man ako...gusto kong matapos... magawa ang misyon na ito"

                 Sinugod namin ang kuta nila James ng gabing iyon....binato namin ang kuta nila ng mga granada at sunod sunod na pinaputukan ang hideout nila....naging mas maingat kami sa pagkakataong ito....at sa pagkakataong ito hinding hindi ko na papalagpasin si James.

"Nasaan si Dos???" hiyaw ko sa isa sa mga naghihingalong kosa ni James

"H-hindi ko alam....w-wala na siya dito"

"Wala?"

"Wala...."

"Kung pasabugin ko ang ulo mo hindi mo pa din sasabihin?"

"hindi ko alam...." binaril ko ang nilalang na yun...hindi ko sukat akalain na may mga loyal pa sa baliw na yun.

"Pasukin niyo ang buong kuta...barilin niyo lahat ng kontra saatin" utos ko...umaapoy na galit at pagkamuhi ang nararamdaman ko kay James dahil sa kanya muntik na kong mabulok sa kulungan at dahil sa kanya lalung nalayo saakin si Caz...hindi ako papayag laiitin lang ng isang kagaya niya.

"Wala siya dito Dean..." hiyaw ni Caloy

"Ipagpatuloy niyo"

                 Nagulat na lang ako ng biglang tumawag saakin ang isa sa mga pinag iispiya ko kay James....hindi ko inaasahan ang tawag mula sa kanya....

"Nasaan si James?" tanung ko.

"Narito siya sa isang night club"

"Hindi ko inaasahang mahilig sa babae ang nerd na yun...baliw talaga"

"Katatapos lang magparaos eh kung kumuha ng babae dito lima lima...nakahold up nanaman kami ng bangko kaya naman wanted pati kami"

"Wag mo intindihin yun ako na bahala sa bagay na yan....nga pala sabihin mo kay James na pinasabog ko na ang kuta niya"

                    Agad kaming punta sa nasabing club ng isa sa mga ispiya ko at sakto nakita ko nga siya roon...hindi ko sukat akalain na ganito kalupit sa babae si James...lima...anim ay hindi walo yata ang naka table niyang babae maya maya nagulat ako ng biglang may nagsayaw na babae sa gitna ng stage....isang awtssss

"Pre tignan mo yung babae sa stage...hindi naman sexy! pero infaireness mukang magaling sumayaw" tinuro saakin ni Renz ang babaeng nasa gitna ng stage...nakamaskara ito naka jacket na itim bahagyang nakabukas kaya alam kong wala siyang saplot sa loob at naka short shorts....nakita ko ang mamula mulang kulay ng buhok niya kaya naman kinabahan na ko...

"Tignan mo may mga back up dancer pa eh buti yungmga back up sexy....malaki lang ang boobs nun"dag dag pa ni Renz

"Kinakabahan ako" sabi ko.

"Abah Dean...baka nakakalimutan mo si James ang pinunta natin dito" sagot ni Caloy

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin yung babae sa stage yung tinuturo ni James sa gitna...iba ang kutob ko"

"wag mung sabihin natatakot ka?" sabi ni Renz

"Hindi...tawagan niyu si Mika...si Yumi....si Caz kailangan kong malaman kung nasaan siya"

"Sige walang problema" sabi ni Renz

"Walang sumasagot sa kanila" matapos tawagan ni Renz sila Caz hindi ko akalain na walang sasagot kahit isa sa kanila...masama ito.

"Kumilos na kaya tayo Aldean" sabi ni Caloy...

"Caloy kailangan mahanap ko si Caz...baka may mangyaring...."

"Magtiwala ka sa kanya" sagot ni Caloy

"Pero kasi...."

"Kaya na natin toh...at si Caz? alam kong hindi kikilos si Cazandra kung di niya kaya"

Oups!!!! bitin muna hehehehe ^_____^

THE GANGSTER QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon