PART 40- Mga bahagi ng LIHAM

1.2K 24 4
                                    

             "Ano pagod ka na ba gangster queen? yan lang ba ang kaya mong gawin napaka hina mo pala weh?" panlalait ni James at hinila niya ang buhok ko...na kay Dean pa din ang paningin ko...kitang kita ko na nakatitig siya saakin...lumuluha siya...tila gusto niya pang bumangon para saakin...nakita ko si Caloy na pilit tinatapos ang mga kalaban na patungo saakin.

"Caz....bitiwan niyo ko!" hiyaw ni Caloy sa mga nakaharang sa kanya...naluluha na ko...hindi ko akalain na ganito ang mga mangyayari...isang panaginip na tila nagkatotoo na...

"Mga hangal...bakit sila nagpapakahirap para sayo? kahit buhay pa nila ang kapalit? mga tanga talaga"

"Alam mo kung bakit? kasi yan ang tunay na nagmamahal" hinugot ko ang balisong na nasa bulsa ko at itinarak sa tagiliran niya nang makawala ako nakita ko siyang bumuwal....

"At hindi ikaw ang tunay na nagmamahal sa gangster queen...baka nakakalimutan mo ang mga sinabi ko sayo kanina lalaban ako dahil ayokong mawala ang mga taong naging parte ng buhay ko!"

"Ganun ba? nakakaawa ka" nakita kong kinuha niya ang baril niya at tangkang ipuputok saakin kaya naman unahan na lang....inunahan ko siya at hindi ko naman akalain na sa noo ko siya tatamaan...

                  Napaupo ako...hindi ko sukat akalain makakapatay ako....hindi ko sinasadya kailangan ba talaga tong mangyari??? nagsilapitan sila Caloy saakin...tila natahimik ...mukang tapos na ang labanan...

"Caz...okay ka lang ba????'

"Nakapatay ako Caloy...James hindi ko sinasadya...patawadin mo ko" tinulungan akong tumayo ni Caloy...

"Isa siyang baliw dapat lang yan sa kanya...tumawag na ng mga pulis sila Yumi...hahanapin nila Renz ang iba pa...tatawag ako ng ambulansya" dahan dahan naman akong lumapit kay Dean...nagawa niya pa akong ngitian upang isipin ko na ayos lang siya? mukang hindi naman siya maayos...

"Dean...."

"C-Caz....a-ayus ka lang ba?"

"Okay lang ako...Dean tapos na...wala na si James...darating na ang mga pulis...panalo tayo...panalo tayo"

"Siyempre wala naman makakalusot sa gangster queen"

"Dean...alam kong hindi ka okay madami ng nawalang dugo sayo...tumawag na si Caloy ng ambulansya...kaya mo yan...kaya natin to...wag kang susuko"

"Ang sarap pala sa kandungan mo..." hinaplos niya ang buhok at pisngi ko.

"Dean...patawadin mo ko"

"Ako dapat ang humingi ng tawad sayo Cazandra...sorry kasi sinaktan kita noon...at ampaw pa din ako ngayun"

"Hindi...hindi..."

"Cazandra m-mahal kita"

"Dean...." hindi ko alam ang mga isasagot ko sa sinabi ni Dean.

"Caz andito na ang ambulansya pati ang mga pulis"sabi ni Caloy at kaagad naman dinala si Dean sa loob ng ambulansya.

                  Hindi ko maintindihan kung bakit...pero kinakabahan ako para kay Dean...nagdilim ang paningin ko at tila nablangko na saakin ang lahat....ang huling naaalala ko lang ay sinalo ako ni Caloy dahil nga hilong hilo na ko at tuluyan ng nablangko ang lahat saakin.

THE GANGSTER QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon