PART 34- Walang Hanggang Labanan

660 24 0
                                    

                 KInabukasan agad akong inihatid ng puisya sa ospital upang alamin kung magkamatch ang liver namin ni Caloy na kung saan tinamaan siya. Kinakabahan ako baka hindi kami magkatugma pero buo naman na ang desisyon ko sa gagawin kung ito.

    

"Dean???" nakita ako ni Caz ng mapadaan ako sa silid ni Beltran

"Ikaw pala....dadalawin ko din sana si Beltran"

"Ganun ba hindi pa din siya gumigising ....gusto ko sanang puntahan si Caloy kaso nandoon si Roselle eh...baka anu ang isipin niya kapag nalaman niyang may alam ako sa ngyari"

"Cazandra, kung ako ba ang nasa sitwasyon ni Caloy o ni Beltran....gagawin mo din ba ito? mag aalala ka din ba? hihintayin mo din ba akong magising? babantayan?"

"Aldean...isa ka sa mga mahahalagang taong naging bahagi ng buhay ko...madami akong natutunan sayo....gaya ng pagiging totoo....masakit man yung mga sinabi mo pero tama ka....isa pa yung sabi mo nga hindi ka magbabago para lang magustuhan ng lahat dahil di ka man gusto ng lahat atlis hindi ka nagpapanggap...kaya nga malakas ang loob ko na kung sakaling malaman na ng lahat na ako ang gangster queen hindi ako matatakot na magpakatotoo...isa pa bakit ikaw? nagbago ka para saakin?"

"Nagbago ako dahil alam kung yun ang tama...saka nagbakasakali ako na mamahalin mo ko ulit pag ginawa ko ang bagay na yun....kinain ko din ang mga sinabi ko"

"Mahal kita....yun nga lang ayoko ng may masaktan....possibleng ako o ikaw...pilit kong binabaling sayo ang pagmamahal ko pero si Caloy...simula nung sinabi niyang mahalaga ko sa kanya nag umpisa na kong umasa"

"Importante ka din naman saakin pero sinira ko ang tiwala mo noon..kahit ngayon"

"Kasalanan ko...masyado akong umasa...bata pa naman tayu noon hindi ko nga alam na sisiryosohin mo ko at hahanapin mo pa...samantalang noon masasakit na salita at panlalait ang ginawa mo saakin pero nagpakita ka pa....naiinis ako nung una pero salamat kasi nandiyan ka palagi...gaya ni Caloy dapat palayain na din kita"

"Wala kang pipiliin??"

"Bakit ko kailangan gawin yun? pareha kayung importante....mahalaga at wala akong kayang isuko isa man sa inyo....ipagpatuloy na lang natin yung pagiging magkaibigan natin" niyakap ko siya at napaluha ko sa mga nadinig ko kung ganun tinatanggap pa din ako ni Cazandra.

"salamat"

"Saan???" tanung niya.

"Sa lahat lahat"

"Salamat din...dumating ka sa buhay ko"

"Caz...kung sa kaling mawawala ako...mangako ka saakin na hindi ka magbabago"

"Oo naman....ako ang gangster queen at hindi mag babago yun"

"Alam mo ba sabi ko sa sarili ko pinapalaya na kita at tanggap ko na... na si Caloy ang gusto mo pero hindi ko sukat akalain na ganito ang desisyon mo"

"Kung tayo...tayo talaga ...si Roselle siya ang para kay Caloy at ikaw...balang araw mahahanap mo din kung sino ba talaga ang para sayo...kung ako edi ang malas ko"

"Bakit naman???"

"Kasi nakakulong ka diba??? hihintayin ko pa ang paglaya mo ang tagal kaya nun"

"Mahihintray mo ba ko?"

"Hindi ko nga maipapangako kaya nga ang desisyon ko....hayaan ka na lang....gusto ko maging kaibigan ka na lang...wala eh may sumpa yatang kaakibat ang gangster queen"

THE GANGSTER QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon