PART 30- Walang pagsisisi

650 23 0
                                    

              "Halika na samantalahin na natin hangga't nagkakagulo sila" paalala saakin ni Renz . Bakit parang marami pa kong hindi nalalaman??? hindi ko maintindihan. Paimple kaming tumakas habang nagkakagulo.

"Kailan pa?"

"Ano???"

"Kailan mo pa nalaman na ako ang gangster queen?"

"Madalas kasi kami lang ni Dean ang magkainuman....alam mo kahit magpanggap ka malalaman at malalaman ni Dean kung sino ka ganun talaga siguro pagka mahal na mahal ka ng isang tao"

"Mahal?.....kung ganun matagal na pala talagang alam ni Dean....kahit ano yata nalalaman niya"

"Alam mo iniiwasan niya na lahat ng bisyo niya kahit sinasabi niya na hindi man siya gusto ng lahat bakit kelangan niya magbago? atlis hindi siya nagpapanggap"

"Parang narinig ko na yan noon sa kanya"

"Nagbabago na siya para sayo pero...mukang malabo na"

"Anung malabo na?"

"Hindi ba't alam mo na ang tungkol kay Hilary?"

"Sa ngayon ayoko munang isipin ang bagay na yan....kailangan kong iligtas ang kapatid ko"

"Alam namin kung nasaan siya....kanina pasimple kami ni Dean at nakita namin  kung saan dinala ni Hero ang kapatid mo kasama siya ni Macoy sa kabilang gusali"

"Paano si Dean?"

"Parating na ang tropa namin....mga nag aalsa kami sa grupo ni Hero di bali ng mag traydor kami sa kanya hindi na namin gusto ang patakaran at mga pinapagawa ni Hero"

"Sana makaligtas siya sa tropa ni Hero"

"Minamaliit mo naman masyado si Dean...hindi mo alam ang kaya niyang gawin"

"Gaano na siya katagal na miyembro ng POISON? pati na din ikaw?si Kinse alam kong kamiyembro niyo siya si Kinse ba at si Caloy ay iisa?"

"Caz....hanggang ngayun ay hindi ba din ako makapaniwala na ikaw ang gangster queen....limang taon na ng makalipas ng sumali kami sa grupo ni Hero...pera siyempre yun ang unang dahilan kailangan eh...malamang yun din ang dahilan ni Caloy lalu na at malaki na ang sinapupunan ni Roselle"

"Kung ganun tama nga ako"

              Medyo na sa kundisyon na ako para sumabak sa matinding labanan expected ko na madaming bantay sa lugar na iyon....nagulat naman ako ng makita kong nakikipaglaban at naroon sila Mika Yumi at ang iba pang katropa namin.

"Kung ganun nakikiisa ang tropa niyo ni Dean sa amin?"

"Tutulungan ka namin magtiwala ka lang"

"Mika....bakit kayu bumalik?"

"Hinanap namin ang kapatid mo yun ang utos ni Beltran at hindi namin kayu pababayaan"

O____O!!!! kapakanan ko pa din ang nasa isip ni Beltran...tapat nga sila dahil binalikan nila kami.

"Yaka mo na ba lumaban Zandy?" wika ni Yumi

THE GANGSTER QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon