PART 23- PAIN

840 29 0
                                    

           Para akong itinulos sa kinatatayuan ko....sa mga oras na iyon...hindi ko alam kung ano ang gagawin ko....huminga ako ulit ng malalim....pinigil ko ang mga luha saaking mga mata...

'Kung ganun...masaya ko para sa inyo....Roselle ito lang sana...wag mo sana akong mapagdudahan dahil wala akong balak manira ng pamilya....lalo na ngayun may dinadala ka"

"Dapat lang...mabuti naman kung ganun...masaya ko at alam mo kung saan ang lugar mo!" nagulat ako nang biglag dumating si Caloy...anong ginagawa niya dito....

"Roselle??? Cazandra??? anong ginagawa niyo dito????"

"Oh...hindi ba kayu magkikita??"

"Hindi...dito ako dumadaan pauwi"

"Ah...kinausap ko lang naman si Caz..."

"Hmm Mauna na ko....pauwi na din naman kasi ako...sige"

"Caz...sandali" biglang hinawakan ni Caloy ang kamay ko....agad ko naman binawi

"Kailangan ko ng umuwi" lumakad na ako kaagad palayo....

Caloy's POV : Mukang may mga hindi magandang sinabi si Roselle kay Caz....hindi maganda ang kutob ko kailangan ko siyang makausap....Caloy! ayusin mo toh! kailangan maayos ang gulong ginawa mo!

"Oh saan ka pupunta?"

"Kakausapin siya at babawiin ang mga masasakit na sinabi mo"

"Wala naman akong sinabing masama kinumpirma ko lang kung kirida mo nga siya"

"Anong sabi mo!" halos hindi ko napigilang mahawakan ng mahigbit ang braso niya

"Caloy! ano ba nasasaktan ako! kaya mo na akong saktan! dahil lang sa babaeng yun!"

"Hindi ko siya Kirida kabet o kahit ano! napakasama mo!pinagbibintangan mo ang kaibigan ko ng mga kasalanang di niya ginawa! ang sama mo! sino ka para manghusga!"

"Kaibigan??? sana nga!"

"Umuwi ka na! baka ano pa magawa ko sayo!"

"ayoko!"

"Umuwi ka na sabi weh! pag hindi ka pa tumigil hindi kita papanagutan! tigilan mo na si Cazandra!" umalis ako ....tumakbo ako...alam ko maabutan ko pa si Cazandra....

"Caz....." nakita ko siya....sa kabilang dulo ng park...hindi siya umalis nagtago lang siya sa malaking puno....nakita ko na umiiyak siya...dama ko ang bigat ng hikbi niya....

"Cazandra ano ba magusap nga tayo...sabihin mo saakin lahat ng sinabi sayo ni Roselle ako na mismo ang hihingi ng despensa sa...."

"Wala ka namang kailangan ihingi ng despensa....hindi naman masakit lahat ng sinabi niya..."

"Ha??"

"Tinanong niya lang naman kung ano tayo? sabi ko magkaibigan at yun naman talaga ang totoo..."

"Eh kung yunlang bakit ka umiiyak???"

THE GANGSTER QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon