Ice Breaker (Guillier Academy Novella)All Rights Are Reserved. The unauthorized reproduction or distribution of this copyrighted work is a crime punishable by law. No part of this book may be scanned, uploaded to or downloaded from file sharing sites, or distributed in any other way via the Internet or any other means, electronic or print, without the Author's permission.
______________________________*Tyrone's POV*
"Tyrone. Halika dito at batiin ang ninong at ninang mo." Nakangiting tawag sa akin ni Mama mula sa baba ng hagdan.
Dahan dahan akong bumaba habang nakatingin sa mga bagong mukha ng mga bisita namin.
Isang lalaki at isang babae. Ngayon ko lang sila nakita pero mukha naman silang mababait kung ang pagbabasihan ay ang sinserong ngiti nila.
Nagpatuloy ako sa pagbaba ng hagdan habang patuloy sa pagiistima sa mga bisita.
Nakita kong naaliw na ngumiti si Papa. Nasa tabi siya ng lalaking bagong dating. Sandali rin silang nagpalitan ng makahulugang tingin bago muling bumaling sa akin.
"Tyrone. Sila ang iyong Ninang Kathlyn at Ninong Noel. Naaalala mo pa ba sila?" Tanong sa akin ni Mama ng huminto ako sa harap nila.
Sandali ko pang tiningnan ang mga bisita at inalala ang mga mukha nila, pero sadyang wala akong matandaan. Bahagyang kumunot ang noo ko at dahan dahang umiling.
Amuse na ngumiti naman sila.
"Ayos lang yun. Inaasahan na namin na hindi mo kami makikila. After all, halos tatlong tao ka lang ng huli ka naming makita. At kung tama ako ay magpipitong taong gulang ka na hindi ba?" Nakangiting tanong ni Ninang Kathlyn.
Tumango ako. "Opo. Paano nyo po nalaman?"
"Halos kaedad mo lang kasi ang anak namin. Si Carmela. natatandaan mo ba siya? Magkasundong magkasundo kayo noon."
Muli kong hinalukay ang isip ko sa pangalang binanggit nya pero wala din akong maalala patungkol sa anak na sinasabi niya.
Mukhang nakita nila ang pagkalito sa mukha ko at imbes na madismaya ay parang lalo lang silang naaliw sa reaksyon ko.
"Bakit hindi mo puntahan si Carmela. Malay mo at maalala mo siya pagnagkita mo siya. Nasa hardin siya kasama ng tagapag-alaga niya." Suhestiyon ni Mama.
Lumawak ang pagkakangiti ni Ninang Kathlyn. "Tama! Siguradong matutuwa si Carmela pag nakita ka niya."
Marahang natawa sila papa at Ninong Noel kaya takang bumaling ako sa kanila.
Lumapit naman sa akin si papa at idinantay ang kamay niya sa taas ng ulo ko. "Sige na Tyrone. Puntahan mo na si Carmela at samahan muna siya habang nag-uusap kami ng Ninong at Ninang mo."
Naguguluhan man ay tumango ako at tinungo ang pinto. Dinig ko pa ang masayang usapan nila hanggang sa makarating ako ng pinto.
"Hindi talaga tayo nagkamali."
"Sa tingin ko ay magiging maayos ang usapan natin noon."
Huling narinig ko sa kanila ng makalabas ako.
Carmela? Hmmm... ano nga ulit itsura nya?
Tanong ko sa sarili habang tinutungo ang daan papuntang hardin sa likod ng aming bahay.
Nangangalahati palang ako ng daan patungo roon ng may makitang isang babae. Hindi pamilyar sa akin ang mukha nya at ngayon ko lang din siya nakita.
Halos kasing edad rin siya ni Mama. At mukhang problemado siya habang may tila hinahanap sa paligid.
Tumigil ako at tatanungin na sana kung sino siya ng magsalita siya.
BINABASA MO ANG
Ice Breaker (Guillier Academy Novella)
FantasyMy name is Carmela Castro. I am an Elemental. At gaya ng mga kauri ko ay kailangan kong magaral sa isang pribado at hindi ordinaryong paaralan. Kung saan hahasain ang aming natatanging abilidad para makipaglaban. Ang akala ko ay magisa kong tatahaki...