Chapter 6 : Secret Savior

3.3K 184 22
                                    

*Carmela's POV*

"Gising ka na pala.  Kamusta ang pakiramdam mo? "

Inalis ko ang pagkakatingin ko sa labas ng bintana at bumaling sa may gawi ng pinto ng marinig ang boses ni Ms Kath.

Agad akong napangiti ng makita siya ngunit nanatili lang ako sa pagkakasandal sa headboard ng kama kung saan ako nakaupo.

Nakangiti rin siyang lumapit at umupo sa gilid ng kama ko.  Pagkatapos ay inilahad niya ang kamay niya sa akin.

Inabot ko iyon at huminga ng malalim.  Nakakaunawa naman siyang ngumiti at sandaling pumikit.

Hindi nagtagal ay lumabas ang mapusyaw na asul na flare nya at nagliwanag ang magkahawak naming kamay.

Alam kong sinusuri nya lang ang lagay ko.  Tinitingnan kung nasaayos ang lahat at walang parte ng utak ko ang nagdurugo.

Halos tatlong lingo narin ang nakakaraan mula ng 'Maaksidente' ako ng abilidad ni Leon.  At ang sabi nila sa akin ay isang linggo rin akong walang malay at nakaratay lang sa kama. 

At ng magising ako at masigurado nilang wala na sa peligro ang buhay ko ay saka nila ako hinayaang bumalik sa dorm ko at ipagpatuloy ang mga klase ko.

Pero bilang lang ang mga pwede kong gawin at hindi pa ko pwedeng makilahok sa ano mang training o laban. 

Kailangan ko ring bumalik sa Clinic,  dalawang beses isang linggo para ipagpatuloy ang gamutan ko. 

Kaya naman...  Kahit wala na kong nararamdamang hilo o sakit ay narito pa din ako.

Katatapos lang ng gamutan ko at ilang minuto palang ng magising ako.  Ang totoo ay hindi ko alam kung paano nila ako ginagamot,  dahil tulog ako habang pinapagaling nila ang utak ko.  Hindi rin naman sinasabi nila Ms Kath ang proseso kaya hindi narin ako nagpilit pang malaman.

Ang mahalaga lang naman ay maging maayos ulit ang lagay ko at magawa ko ulit ang mga nagagawa ko.  Isa pa ay may tiwala naman ako sa kanilang lahat.  Kaya ipauubaya ko nalang siguro ang tuluyang paggaling ko sa mga kamay nila.

Nakita kong bumukas ulit ang pinto kaya napabaling ako doon at hinintay ang taong papasok.  Hindi naman nagmulat ng mga mata si Ms Kath at nagpatuloy lang sa ginagawa niya.

Lalong lumawak ang pagkakangiti ko ng makita si Ian na pumasok.  Ngumiti rin siya sa akin at sumandal sa pinto pagkasara niyon.

Kung may maganda mang naidulot ang nangyari sa akin ay iyon ay mas napalapit ako sa mga kaHouse ko at kapwa ko Elites.  Mas naramdaman ko ang pagtanggap at pagaalala nila at halos araw araw sa tuwing babalik ako ng Clinic ay may isa sa kanilang dadalaw at sasabayan ako pauwe ng Nacht. 

Maging ang inakala ko noong masungit na si Marius ay dumalaw sa akin.  Tanda ko pa na halos naestatwa ako at ang iba pang Nacht na dumalaw sa akin ng pumasok siya sa silid.

Literal na natahimik kaming lahat at wala ni isa sa amin ang gumalaw.  At ng magsalita lang si Marius ay saka lang tila muling naalala ng mga kasama ko na huminga. 

Pagkatapos nun maging sila Ian at Alex na Higher Elites dumalaw na rin. 

Talagang nasiyahan ako sa ipinakita nilang concern at kahit puno ako ng atensyon noon ng mga kaHouse ko ay hindi ko parin mapigilang makaramdam ng lungkot.  Ganun din ng sama ng loob.

Dahil kahit marami pa silang nagaalala sa akin....  Wala naman ang nagiisang taong gusto kong dumamay sa akin. Ang taong gusto kong nasa tabi ko sa mga oras na to.

Unti unting nawala ang ngiti ko at naramdaman kong bumigat ang loob ko.  Naramdaman ko ring naginit ang mga mata ko kaya bago pa makita ni Ian ang nararamdaman ko ay mabilis kong inalis sa kanya ang mga mata ko.

Ice Breaker (Guillier Academy Novella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon