Chapter 14 : Promise

6.3K 266 66
                                    

*Carmela's POV*

"May napili ka na?" Narinig kong tanong ni Tyrone.

Pinanatili ko ang menu sa harap ko.  Para kahit papaano ay hindi niya makita ang mukha ko.  Ganun din ang pagpipigil kong mangiti dahil narin sa sayang nararamdaman ko kasama siya.

Nasa City Proper kami ngayon.  Dito kami pumunta matapos nya kong "Sunduin" sa House ko.

Nung una ay hindi ko inakalang gagawin nya talaga ang sinabi niya at ilang beses kong sinabihan ang sarili ko na hindi matutuloy ang Dinner na sinabi niya. 

Kaya ganun nalang ang tuwa at gulat ko ng sabihin sa akin ng mga kaHouse ko na dumating si Tyrone kasama ang ilang Elites at Advance ng House nila.

Ginusto ko agad siyang puntahan noon,  pero pinigilan ako ng ilang Elite namin.  Mabuti na lang at dumating sila Kaeden,  Marvin at Jared at sila na mismo ang naghatid sa akin palabas ng House namin.

At ng makita ko si Tyrone kanina... Ay parang sasabog na ang puso ko sa tuwa. 

Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko.  Pero sadyang bingi ang puso sa sinasabi ng utak pag ang taong mahal nito ang pinaguusapan. 

Kaya ayan....  Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Kahit pa kanina pa kami nakaupo dito sa Cafe na pinili niya.

"Mela,  alam kong mahirap mamili sa mga pagkain nila.  Lalo na at masasarap talaga lahat.  Pero pwede mo bang bilisan ang pagpili mo?" Dagdag pa niya.

Pinigilan kong matawa sa tono niya.  Para kasi siyang bata na naiinip na.

"Bakit ba?  Eh sa hindi ako makapili.  Nagmamadali ka ba?" Tanong ko habang nasa tapat parin ng mukha ko ang menu.

"Oo." Mabilis na sagot niya

Napasimangot naman ako.

Nagmamadali?  Bakit gusto na ba niyang tapusin agad ang date namin?

"Bakit?  Gusto mo na agad bumalik sa Academy? " tanong ko.  Sinubukan kong huwag lakipan ng kahit ano ang tono ko.  Pero parang gusto kong mapangiwi ng mahimigan ko pa rin ang pagtatampo sa boses ko.

"Nope." Sagot niya.

"Then bakit? "

Sandali siyang natahimik dahilan para lalo akong manlumo.  Pero ng ibababa ko na ang menu para tingnan siya ay saka siya ulit nagsalita.

"Para mapagmasdan na ulit kita." Sabi niya na kinagulat ko.

Naantala din ang pagbaba ko ng menu at tanging ang mata ko palang ang nakikita niya. Pero sapat nayun para sumilay ang napakagandang ngiti niya.

Nangingislap din ang mata niya habang nakatitig sa akin.  Naramdaman ko namang lalong naginit ang mga pisngi ko kaya dali dali kong itinaas ulit ang menu.

"Oh!  Akala ko ba tapos ka na!" Anggal pa niya.

"H-hindi...  Nangalay lang ako kanina." Pagdadahilan ko pa at sinubukang pakalmahin ang mabilis na tibok ng puso ko.

He groaned.  Pagkatapos ay muli siyang tumahimik.  Ilang segundo din ang lumipas at narinig kong gumalaw ang silyang kinauupuan niya. At ganun nalang ang gulat ko ng pumunta siya sa tabi ko at hilain ang pinakamalapit na silya sa akin at itabi yun sa silyang kinauupuan ko. Umupo siya doon at kinuha ang menu sa akin.

Maang na napatingin nalang ako sa kanya ng ilapag niya sa mesa ang menu. Pagkatapos ay ipinatong niya ang isang braso niya sa likod ng silya ko at dumikit sa akin para yukuin ang menu.

"Tutulungan nalang kita. Hmmmm...  Let see...." Sabi niya at namili sa menu.

Hindi ko namalayang pinipigil ko na ang hininga ko sa sobrang lapit niya.  At halos magdikit na ang mukha namin sa ginagawa niya. 

Ice Breaker (Guillier Academy Novella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon