Chapter 8: Compromise

3.3K 190 14
                                    

*Carmela's POV*

"Ready ka na lumipat ng House? "

Napatigil ako sa pagliligpit ng gamit ko at lumingon sa pinanggalingan ng boses.

Nakasandal sa gilid ng nakabukas na pinto ko si Glaiza.  Gaya ko ay suot din nya ang
Uniporme naming mga Earth User.  At meron din siyang gintong badge sa kaliwang dibdib niya.

Napabuntong hininga ko at tila nahahapong umupo sa kama ko.  Nagkibit balikat lang din ako kay Glaiza at tumingin sa ilang gamit na dadalhin ko sa paglipat ng Lumiere.

Ang totoo ay hindi ko alam ang nararamdaman ko.  May parte ko ang kinakabahan sa gagawing paglipat ko.  Lalo na at ang tinuturing naming 'kaaway' ang makakasama ko ng ilang linggo.

Pero hindi ko rin maikakaila na may maliit na parte ng kalooban ko ang nagsasaya sa nangyari. Lalo na at ako ang piniling maging prey ng taong buong akala ko ay kinalimutan na ko.

Hindi ko na siya kailan man nakausap mula ng maaksidente ako.  At sa tuwing magtatgapo naman ang landas namin ay parating nilalampasan niya lang ako.  Ni hindi niya ko sinusulyapan ng tingin man lang, bagay na kinalungkot ko.

Sinubukan ko naman siyang kausapin to the point na hinarangan ko pa silang magkakaklase para lang makausap siya. 

Naalala ko pa ang kaba ko ng mga oras na yun , lalong lalo na ang bilis ng tibok ng puso ko.

Pero sa kinadismaya at kinabigat lalo ng loob ko ay ng tangihan nya ang alok kong magusap. 

Pagkapahiya,  tampo at galit ang naramdaman ko sa kanya pagkatapos nun. 
Kaya kahit na nakikita ko siya ulit ay umiiwas na rin ako.

Ilang buwan din ang lumipas at marami ng naganap sa Academy.  Gaya nalamang ng Team battle kung saan kalahok din siya.  At ang katatapos lang na Elemental Hunt.

At ng manalo ang Tean Omega kung saan siya at si Kaeden ang nagsilbing Leader ng pangkat nila ay saka sila humingi ng kakaibang klaseng premyo.

Yun ay walang iba kundi ang matandang tradisyon ng laro.  Ang hunter at prey.  Kung saan ang mga nanalo ang magsisilbing Hunter habang ang taong pipiliin nila mula sa kabilang House ang magsisilbing Prey.

At sa ikinagulat ko ay ako ang pinili ni Tyrone. Hindi ko mapigilang mainis at madismaya nung una.  Lalo na at medyo nakakasanayan ko ng malayo sa kanya.

Medyo natutunan ko ng itago sa loob ko ang nararamdaman ko sa kanya at halos napilit ko na ang sarili kong huwag umasa.  Pero kung kelan nagtatagumpay na ko ay saka naman siya gumawa ng ganitong bagay. 

Hindi ko alam kung nanadya siya o ano. At gulong gulo na din ako sa kinikilos niya.

"Mela? " untag sa akin ni Glaiza.

Napakurap ako at tumingin sa kanya.  Nakasandal parin siya sa may pintuan at nakakunot ang noong nakatingin sa akin.  May pagaalala din akong nakita sa mukha niya.

"Huwag ka masyadong magalala.  Hindi ka naman siguro pahihirapan ng Lumiere. " sabi niya. Marahil ay iyon ang inaakala niyang kinakatakot ko.  Lumapit siya sa akin at umupo sa kama katabi ko.  Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin sa akin. "At kung sakali man na mali ako...  Huwag kang magatubiling sabihin sa amin.  Sigurado kong hindi papayag sila Marius na madehado kayo. "

Ngumiti ako sa kanya at talagang na touch ako sa pagaalala niya.  "Huwag kang magaalala.  Kaya naman namin ang sarili namin. " sabi ko sa kanya at umismid.  "At sa tingin mo ba ay basta nalang kami papayag na magpaapi sa Lumiere. Syempre lalaban kami."

Ngumiti rin siya sa sinabi ko. "Sabagay.  Basta.  Magiingat ka dun ha. "

Bahagya akong natawa sa sinabi niya.  "Ano ka ba...  Parang ang layo naman ng pupuntahan ko.  Isa pa...  Sandali lang naman kami doon.  Hindi mo mamamalayan ang oras at siguradong makakabalik agad kami dito."

Ice Breaker (Guillier Academy Novella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon