Chapter 9: Training with Lumiere

3.1K 178 6
                                    

*Carmela's POV*

Kinakabahan akong sumilip sa training Room sa fourth floor ng House of Lumiere. Pagkatapos ay sinuyod ko ng tingin ang kabuuan ng silid para hanapin si Tyrone.

Pero mukhang wala pa siya dito dahil iilan palang ang nakikita kong Elites sa loob. 

Mamomoblema tuloy akong dumiretso ng tayo at nag-alinlangang akong itulak ang pinto. 

Irja.... Ano sa tingin mo?  Papasok na ba ko?

Kinakabahang tanong ko sa Spirit ko.

Naaninag ko na bahagyang nagliwanag ang pendant ko bago ko narinig ang boses nya sa loob ng isip ko.

Hmmm.... Ayos lang siguro yun.  Tutal naman ay binigyan ka na ng pahintulot ni Mr Daniels na pumunta kahit saan man sa Lumiere.

Sagot niya.

Napalabi ako at kinakabahan ulit na sumilip sa pinto. 

Haissttt!  Bakit ba kasi inutusan ako ni Tyrone na mauna dito? Hindi ba pwedeng sabay nalang kami.....

Reklamo ko pa.  Naramdaman ko naman ang  pagkaamuse ni Irja.

Ang sabihin mo...  Gusto mo lang talaga siyang makasabay. Period.

Tukso pa niya.  Naramdaman kong naginit ang mga pisngi ko sa sinabi niya at todo ang pigil kong mangiti.

Hoy!  Hindi ah!  Ayoko lang talagang harapin ang mga kaHouse niya ng hindi siya kasama.

Kaila ko pa.

Hay naku, Mela---

Simula ni Irja pero hindi na nya yun natapos ng may magsalita sa likod ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko sa sobrang pagkabigla. At pati ang puso ko parang tumalon sa dibdib ko ng marnig ang boses.

Pipihit narin sana ako paharap pero bago pa ko makagalaw ay may kamay na tumulak sa likod ko.

On instict... Naihawak ko ang mga kamay ko sa pinto at naitulak yun pabukas. Didiretso na din sana ako sa sahig kung hindi ko lang din agad nabawi ang balanse ko at napigil ang pagbagsak ko.

Napahugot ako ng hangin at halos mabingi ako sa lakas ng pagtibok ng puso ko. Magkahalong gulat at adrenaline sa muntikan kong pagbagsak ang nasa katawan ko.

Unti unti rin akong napatingin sa mga estudyanteng nasa loob ng silid. At ng makita ko silang lahat na natigilan at nakatingin lang sa akin ay saka ako natauhan at mabilis na umayos ng tayo.

"Sa susunod huwag kang humarang sa pinto." Sabi ng taong tumulak sa akin.

Abot hanggang langgit ang pagpipigil kong taasan ng kilay ang nagsalita. At agad kong pinakalma ang sarili ko para narin sa mga estudyanteng nakakakita sa akin.

Kalma Mela... Tandaan mo, Lumiere to. Hindi ito ang teritoryo mo. Nakaka mahigit isang buwan ka palang dito. Be nice. Ngiti lang.

Pagkausap ko pa sa sarili ko. Pasimple akong huminga ng malalim at lumingon sa taong tumulak sa akin.

Kampanteng sinalubong naman ni Simon ang tingin ko. 

Napatingin din ako sa mga Elites na nasa likod niya bago muling bumaling sa kanya.

"Sorry.  Hindi pa naman kasi talaga ako sana papasok dito... " sabi ko at kahit nagpigil na ko ay nabahiran parin ng pagtataray ang boses ko.

Umismid lang si Simon.  Ni hindi nya nga pinatapos ang sinasabi ko at naglakad na siya papunta sa malaking bintana sa gilid ng silid.

Ice Breaker (Guillier Academy Novella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon