Chapter 7: Farewell

3.2K 188 15
                                    

*Carmela's POV*

Tahimik kami ni Ian habang hinihintay ang paglapit ni Leon.

Hindi ko rin naiwasang kabahan habang umiiksi ang distansya sa pagitan namin. At halos napigil ko ang hininga ko ng biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Wala sa loob ko ring naikuyom ang mga kamay ko habang nakatitig lang sa kanya.

Mukhang natrauma ata ako dahil sa ginawa niya. Oo at hindi naman niya kasalanan at lalong hindi niya sinasadya ang nangyari sa akin. Pero ngayong nasa harap ko na siya, parang naalala bigla ng utak ko ang lahat ng sakit na naranasan ko dahil sa abilidad niya. At ang isiping kung ano ang pwedeng nangyari sa akin ng dahil dun...... parang tama lang na manginig ako sa takot.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ng kumilos si Ian at medyo nabigla pa ko ng humarang siya sa harap ko. Nagliwanag din ang singsing niya at lumabas ang Cheetah niya. Nakita kong alertong gumitna din yun sa pagitan nila ni Leon.

"Anong kailangan mo?" Seryosong tanong niya.

Sumilip ako mula sa likod niya at tiningnan si Leon. Huminto siya ilang hakbang mula sa amin at sinalubong ang tingin ng Higher Elite namin.

"Gusto ko lang siyang makausap." Sabi niya, at alam ko na ako ang tinutukoy niya. Napatingin ako sa likod ng ulo ni Ian at maging sa balikat niya. Tensyonado ng mga iyon at alam kong hindi makukuha ng basta basta ni Leon ang nais niya.

"Hindi ba at pinagbawalan kang lumabas ng House ni Marius? Kaya bakit nandito ka?" Sa halip ay tanong ni Ian.

Tila nahahapong bumuntang hininga si Leon bago sumagot. "Look. Hindi ako naparito para manggulo." Sabi niya at inilahad ang kamay niya sa magkabilang gilid niya. "See. Wala akong dalang sandata, kaya wala kang dapat ikatakot. At isa pa, may basbas ni Mr Pierce ang pagpunta ko dito."

Nakita kong bumaling si Ian sa dalawang kamay ni Ian. Maging ako napatingin din at parang nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala nga siyang bitbit.

Bakit ba hindi ko agad naisip na tinganan yun agad? Edi sana hindi ako parang duwag na nagtatago sa likod ng iba.

Napabuga ako ng hangin at parang nabawasan kahit papaano ang takot ko sa kanya. Nakita kong magsasalita na sana ulit si Ian. Pero hinawakan ko ang kanang braso niya, dahilan para mapatingin siya sa akin.

"It's okay. Gusto ko din naman siyang makausap. Bukod dun... pareho nating alam na wala naman talaga siyang intensyong manakit ng iba." Mahinang sabi ko sa kanya.

Bahagyang kumunot ang noo niya at nakita ko ang pagsilip ng pagaalala sa mga mata niya. Sandali niya rin akong pinakatitigan. Marahil ay gusto niyang makatiyak na hindi lang ako napipilitan. Maya maya ay tumango siya at muling tiningnan si Leon.

"Bilisan mo at kailangan pa niyang magpahinga. Mananatili lang din ako sa malapit. Naiintindihan mo?" May bahid ng pagbabanta sa tono niya.

Tumango lang si Leon pero hindi ko nakitaan ng takot o panggamba ang itsura niya sa sinabi ni Ian.

Naglakad si Ian at nilampasan si Leon. Sumunod sa kanya ang Spirit niya at nakita ko silang huminto ilang metro ang layo sa amin. Sapat lang para mabigyan kami ng privacy ni Leon at magawa niya akong saklolohan kung may mangyari mang hindi inaasahan.

Medyo bumigat ang dibdib ko, hindi sa takot o kaba sa taong kaharap ko, kundi awa para sa kanya sa nakikita kong trato ng mga katulad ni Ian.

Noon pa man, bago maganap ang aksidente ko ay ngilag na sa kanya ang karamihan sa mga kaHouse namin. Parati ko rin siyang nakikitang magisa at kahit parang balewala lang sa kanya ang inaasal ng mga tao sa paligid niya, hindi ko paring maiwasang makaramdam ng awa para sa kanya.

Ice Breaker (Guillier Academy Novella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon