Chapter 3: Ambivalent

4.2K 236 15
                                    

*Tyrone's POV*

Nandito siya. Ibig sabihin.... kagaya ko din siya.

Hindi makapaniwalang isip ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ako nakakabawe sa pagkabigla ko ng makita ko si Carmela sa hallway kanina

Ang akala ko pa ay namalik mata lang ako ng una ko siyang makita. Pero ng ngumiti siya ay saka ko lang napatunayang totoo siya.

Ilang taon na rin ba ang lumipas? Tatlo? Pero wala paring pinagkaiba ang itsura nya. Maganda parin siya...

Napabuntong hininga ko sa iniisip ko at nasapo ang ulo ko. Nakita ko ring napatingin sa akin si Simon mula sa upuan niya. Pero saglit lang nya kong binalingan ng tingin at muling itinuon ang atensyon nya sa klase.

Naguguluhang tumingin naman ako sa bintanang katabi ng upuan ko at hindi na nakinig pa sa kung ano mang itinuturo sa amin.

Masyadong magulo ang utak ko kaya alam kong hindi ko rin maiintindihan ang ipinapaliwanag ng professor namin. Balewala rin kung susubukan kong makinig, kaya hinayaan ko nalang na maglakbay muli ang isip ko at paulit ulit na inalala ang nangyari kanina.

Pinakiramdaman ko rin ang tibok ng puso ko at napabuga ako ng hangin ng maramdaman ko ang normal na pagtibok niyon. Kanina kasi ay kumabog iyon ng malakas lalo na ng magtagpo ang mga mata namin. Parang sandali ring tumigil ang oras. Pakiramdam na matagal ko ng hindi nararanasan.

Sandali rin akong hindi nakahuma sa harap niya. Pero ng kumilos siya ay agad na sumingit sa isip ko ang isang hindi magandang alaala.

Naglahong bigla ang saya sa puso ko. At napalitan ng kaba at guilt ang nararamdaman ko. Sumikip din ang dibdib at napigil ko ang hininga ko.

Mabilis kong ikinurap ang mga mata ko para mawala ang alaala na yun sa isip ko, pagkatapos ay iniwas ko kay Mela ang tingin ko. Hindi ko na rin siya muli pang binalingan para hindi niya makita sa mga mata ko ang paghihirap na nararanasan ko.

Hindi. Ayokong makita niya ang kahinaan ko. At hindi ko gustong magmukhang mahina sa harap niya.

Tanging siya lang ang nakakakilala sa akin ng husto. Kaya alam kong makikita niya ang totoong nararamdaman ko kahit gaano ko man pilit iyong itago sa loob ko.

Masyadong malambot ang puso niya, at madadamay lang siya sa paghihirap ko kung sakaling nakita niya ang emosyon ko.

Hindi ko siya gustong balewalain kanina. Sa totoo nyan ay gusto ko siyang lapitan at yakapin ng una ko palang siyang makita. Pero naunahan ako ng takot at kaba. At nanaig ang utak ko kesa sa dikta ng puso ko.

Kaya kahit mahirap ay pilit kong binalewala ang presensya niya.

Napapikit ako at naisubsob sa mesa ang ulo ko.

God! Parang gusto ko bugbugin ang sarili ko! Alam ko na nasaktan ko siya sa ginawa ko. At malamang ay galit na siya sa akin ngayon. O mas malala.... ay umiiyak na siya ngayon.

Lalong bumigat ang dibdib ko. Mas ok na sa akin ang magalit siya at saktan ako kung kinakailangan, pero ang umiyak siya ng dahil sa akin? Mas double ang sakit nun.

Pero.... para narin siguro sa ikabubuti namin to.

Isip isip ko. Nagdilat ulit ako ng mga mata at nangalumbaba sa mesa ko. Tumingin din ako sa harap kung nasaan nagtuturo ang professor namin. Pero wala sa mga itinuturo nya ang isip ko.

Nasaktan ko na siya noon. At ayoko ng mangyari ulit yun. Sinasadya man o hindi. Hindi ko na makakaya na makita ulit siyang nasasaktan. Kaya para sa ikabubuti namin pareho ay lalayo na ko sa kanya.

Ice Breaker (Guillier Academy Novella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon