*Carmela's POV*
Muli kong inikot ang mga mata ko sa kabuuan ng silid kung nasaan ako. Medyo kumakabog parin ang dibdib ko sa kaba at hindi ko magawang alisin sa pagkakakuyom ang mga kamay kong nasa kandungan ko.
Panay din ang paghinga ko ng malalim at abot langit ang pagpipigil kong tumayo sa kinauupuan ko.
Muli akong napabaling sa isang watawat sa dingding. Sa likod ng isang magarang mesa.
May simbolo dun ng isang gintong kalasag. Meron iyong limang bilog na may ibat ibang kulay at dalawang letra sa gitna. Ang letrang G at A. Meron ding nilalang sa magkabilang gilid nun na nakikita ko lang sa mga librong nababasa ko.
Griffins?
Hula ko. Pinagmasdan ko ng husto ang simbolo sa watawat pagkatapos ay bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba.
Natense ang katawan ko at parang nanayo ang mga balahibo ko habang pinagmamasdan ang watawat. Parang may kakaiba doon na para bang may pwersa o enerhiyang nanggagaling talaga doon at pumupuno sa silid. Unti unti rin yung bumabalot sa akin.
"Mela." Napapitlag ako ng may humawak sa mga kamay ko.
Marahas akong bumaling sa gilid ko at muntikan na kong mapatalon sa upuan ko dahil sa pagkabigla.
"H-ha?" Nausal ko. Habang tila hinihingal na nakatingin kay Daddy. Mabilis din ang tibok ng puso ko.
"Ayos ka lang?" Nagaalalang tanong niya. Nakaupo siya sa tabi ko at naghihintay din sa pagdating ng Headmaster ng paaralang ito. Bahagyang magkasalubong ang kilay niya at sandali ring pinakatitigan ako. "Kinakabahan ka ba?" Tanong pa niya.
Pasimple akong huminga ng malalim at pilit kinalma ang sarili ko bago dahan dahang tumango sa kanya.
Nakakaunawang ngumiti naman siya. "Huwag kang magalala. Magugustuhan mo rin dito. Nakakakaba talaga sa simula pero pagnakilala mo na ang mga kaklase mo at pagnasanay ka na sa buhay sa loob ng Academy ay siguradong maeenjoy mo ang pagaaral mo dito." Assurance pa niya.
Pinilit ko ang sarili kong ngumiti at tumango sa kanya. Pagkatapos ay nag-aalangang nagsalita. "Kailangan po bang pumasok talaga ako dito?" Hindi ko mapigilang itanong.
Bahagya siyang naging seryoso. "Mela. Alam mo noon pa na kailangan mong pumasok dito. Hindi ba at naipaliwanag na namin sayo ito ng magising si Irja." Tukoy niya sa Spirit ko.
Muling sumingit sa isip ko ang alaala ng mangyari yun. Maging ang unang araw na nalaman ng mga magulang ko na Elemental ako gaya nila.
Pitong taon na ko nun at naglalaro lang ako noon sa hardin namin habang naguusap sila sa Gazebong naroon. Pero nagulat sila ng puntahan ko sila at bigyan ng isang bulaklak na gawa sa bato.
Nung una ay nagtaka sila kung saan ko iyon nakuha. Pero ng sinabi kong ako mismo ang pumitas noon ay saka sila mukhang nabahala.
Muli nila kong sinamahan sa pinagkuhanan ko nun at pinapitas ulit ako ng isang bulaklak.
Walang muwang na sumunod naman ako sa pagaakalang gusto pa nila ng isa.
Muli akong pumitas ng bulaklak habang nasa tabi ko sila. At ng maputol ko ang tangkay niyon ay mabilis iyong naging bato habang hawak hawak ko.
Narinig ko rin ang pagsinghap ni Mama kaya napatingin ako sa kanila. Kumunot pa ang noo ko ng makitang parang gulat at di makapaniwala silang nakatingin sa akin.
Inosenteng inabot ko sa kanila ang batong bulaklak na hawak ko.
Noon, ang akala ko ay natural lang ang nangyari. At kakaibang bulaklak lang talaga ang pinitas ko. Na sa oras na maalis siya sa pinakapuno niya ay mamatay siya at magiging bato.
BINABASA MO ANG
Ice Breaker (Guillier Academy Novella)
FantasyMy name is Carmela Castro. I am an Elemental. At gaya ng mga kauri ko ay kailangan kong magaral sa isang pribado at hindi ordinaryong paaralan. Kung saan hahasain ang aming natatanging abilidad para makipaglaban. Ang akala ko ay magisa kong tatahaki...