*Carmela's POV*
"Carmela."
Napahinto ako sa paglalakad sa mataong corridor ng House namin ng marinig ang pangalan ako. Huminto rin ang mga kasama ko na sina Glaiza at Janice. At parepareho kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses. Automatikong napaayos din kami ng tayo ng makita naming naglalakad palapit sa amin sina Marius at Ian.
Nakita ko ring bahagyang lumayo ang mga kapwa naming estudyante sa kanila. At bahagyang natahimik ang paligid. Hindi naman dahil yun sa takot, kundi respeto para sa Head at isa sa Higher Elite namin.
Bahagya pa kaming tumangong tatlo ng huminto silang dalawa sa harap namin. Sandali ko ring tiningnan ang mga Animal Spirit na nasa tabi nila bago ibinalik ang tingin ko kay Marius.
Tahimik naman na umupo sa gitna nila ang Black Panther ni Marius habang walang ingay na naglakad paikot sa aming tatlo ang cheetah ni Ian.
"May kailangan po ba kayo?" Magalang kong tanong.
"Kaklase mo si Leon hindi ba?" Seryosong tanong ni Marius.
Kumunot ang noo ko habang inaalala ang pangalang sinabi niya. Mahigit isang taon na ako sa Academy, pero sa dami ng klase ko at mga kaklase ko ay mahirap sa aking tandaan silang lahat. Pero ang pangalang sinabi niya....
Biglang may lumitaw na imahe sa isip ko. At dahil doon ay nagawa kong maalala kung sino ang tinutukoy niya.
Dahan dahan akong tumango. "Opo. Kaklase ko siya. Pero hindi siya pumasok kanina."
Sandaling kumunot ang noo ni Marius bago bumakas ang inis sa mukha niya.
"Ulit? Hindi ba at sinabihan ko na siya noon?" Medyo inis na tanong niya. Pero mukhang hindi iyon para samin dahil agad siyang bumaling kay Ian.
Nagkibit balikat naman si Ian. "Baka may importanteng giniwa." Balewalang sabi niya. Pero sa tingin ko ay iniiwasan nya lang na lalong mainis si Marius kaya hindi na niya ginatungan ang sitwasyon.
Napabuga ng hangin si Marius at muling tumingin sa akin.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ng tila matigilan at matensyon sila Janice at Glaiza sa magkabilang gilid ko. Hindi ko rin naman sila masisi dahil maging ako parang tumigil sa paghinga ng mabaling sa amin ang inis na tingin ni Marius.
Maging ang mga kasama naming estudyanye sa corridor halos nahinto sa kung ano mang ginagawa nila.
"Hanapin mo siya at sabihin mong gusto ko siyang makausap. Sa lalong madaling panahon." Utos niya at binigyang diin ang bawat salita sa huling pangungusap niya. Yun lang din ang sinabi niya at tumalikod na. Sumunod sa kanya ang Black Panther niya ng maglakad na siya palayo sa amin.
"Mahilig mamalagi si Leon sa gubat. Mas maganda kung doon mo sisimulan ang paghahanap."
Napabaling ako kay Ian ng magsalita siya. Nanatili parin siya sa kinatatayuan niya kasama ang Cheetah niya. Namulsa siya at tiningnan ako ng diretso.
"Magiingat ka nga lang dahil masyadong malaki ang gubat. Humingi ka ng tulong kung kinakailangan. Mas maganda kung makikita mo siya agad dahil habang tumatagal ay lalong titindi ang parusang ibibigay sa kanya ni Marius." Suhestiyon pa niya bago kami tinalikuran at sinundan ang Head Elite namin.
Pagkaalis niya, saka palang tila gumana ang baga ko at nabuga ko ng hanging kanina ko pa pala pinipigil. Nakita kong ganun din ang reaksyon ng mga kasama ko.
Nasapo ko rin ang dibdib ko ng maramdaman ko ang matinding pagkabog niyon.
Sinabi ko ba kaninang hindi kami takot sa kanila?
BINABASA MO ANG
Ice Breaker (Guillier Academy Novella)
FantasíaMy name is Carmela Castro. I am an Elemental. At gaya ng mga kauri ko ay kailangan kong magaral sa isang pribado at hindi ordinaryong paaralan. Kung saan hahasain ang aming natatanging abilidad para makipaglaban. Ang akala ko ay magisa kong tatahaki...