Chapter 10: Prey

3.2K 165 10
                                    

*Carmela's POV*

"Kung kelan naman kailangan mo sila...  Saka sila mawawala.  Haisst!  Asan na ba si Ms Kath?" Litanya ni Tyrone habang naghahanap ng gamot sa mga drawer at cabinet sa loob ng Clinic.

Tahimik na sinusundan ko lang siya ng tingin habang nakaupo sa isa sa mga kama na naroon.

At ng pumunta si Tyrone sa kabilang Cabinet at binuksan iyon ay saka ako nagsalita.

"Hindi kaya magalit si Ms Kath at pinakikialaman mo ang gamit niya? " tanong ko sa kanya.

Hindi naman niya ko tiningnan at nagpatuloy lang sa paghahanap ng kung anuman sa mga boteng naroon. 

"Una sa lahat..  Hindi niya gamit ang mga to.  Pagaari to ng Academy at para sa lahat.  Pangalawa...  Tinuruan naman niya ko kung para saan ang mga boteng narito.  Kaya siguro naman hindi siya magagalit kung gagalawin ko to ngayong kailangan mo. " sagot niya.

Napalabi ako.  "Kahit na.  Hindi parin magandang gumalaw ng gamit ng iba ng walang permiso. "

May kinuha siyang bote mula sa loob nun.  Binasa nya muna ang label bago bumaling sa akin.

"Saka ko na iisipin kung mali o hindi ang ginawa ko.  Sa ngayon gamutin muna natin yan." Sabi niya at tinuro ang kaliwang pisngi ko. Kinuha nya rin ang lagayan ng mga bulak sa mesa ni Ms Kath.  Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

Awtomatikong napigil ko ang hininga ko lalo na ng lumapit pa siya sa akin.

Naiilang na iniwas ko ang mukha ko sa kanya dahil narin sa takot na makita niya ang pamumula ng pisngi ko.

"Paano ko lilinisin at gagamutin ang sugat mo kung hindi ka haharap sa akin?" Narinig kong tanong niya.

"A-ako na ang maglilinis ng sugat ko." nagkandautal na sagot ko sa kanya.

Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin na para bang napapagod siya o ano.  "Hunter mo ko at katungkulan kong siguraduhin na ligtas ka. But I failed.  Dahil nangyari sayo to.  Kaya dapat lang na hayaan mo kong gawin kahit man lang to.  Para makabawi ako sa kapabayaan ko. "

Marahas akong bumaling sa kanya. "Hindi ka naman nagpabaya!  Kasalanan ko naman....  Pumayag kasi akong makipaglaban." Sabi ko.  Hindi kasi kaya ng puso ko na marinig na sinisisi niya ang sarili nya ng dahil sa akin.

"Isa pa yan.  Pero saka na natin pagusapan yan." Sabi niya at marahang hinawakan ang ilalim ng baba ko.  Pagkatapos ay maingat niyang ibinaling ang mukha ko para makita niya ang sugat na natamo ko kanina.

Sandali niyang tiningnan yun bago kumilos ang kamay niya at hinaplos iyon. Sa unang dampi palang ng daliri niya ay napangiwi na ko.  Medyo mahipdi kasi iyon pag nagagalaw.

Agad niyang binawi ang kamay niya at nakita ko ang pagbakas ng pagaalala sa mukha niya.  Nagtangis din saglit ang bagang niya bago siya bumaling sa boteng kinuha niya at sa bulak.

"Hindi dapat kita iniwan kanina." Bulong pa niya habang hinahanda ang panlinis sa sugat ko. 

Hindi na ko nagsalita dahil halatang hindi naman siya naghihintay ng sagot sa sinabi niya. Baka nga...  Hindi nya namalayang nasabi na niya yun.

Ng muli siyang tumingin sa akin ulit ay marahan niyang hinawakan ang ilalim ng baba ko at maingat na dinampi ang bulak na may gamot sa sugat ko.

Napakislot pa ko ng maramdaman ang gamot.  Medyo malamig kasi iyon sa simula pero pagkatapos ay nararamdaman ko na ang kaunting hapdi.

"Konting tiis. " sabi ni Tyrone at maingat na idinampi ulit ang bulak.

Sobrang absorb siya sa paggamot sa akin at ako naman masyadong nagkoconcentrate sa pagbabalewala ng hapdi,  kaya wala ni isa sa amin ang nakapansin na masyado na kaming malapit sa isat isa.

Ice Breaker (Guillier Academy Novella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon