Chapter 3: Patrick Ayala?

70 5 1
                                    

AIRYZ

Magkasama kami ni Seb habang nasa cafeteria ng school, mamaya pa kasi ang klase namin. Plus the fact that we have the same vacant time kaya mag kasama kami. Sabi ni Seb, ganun daw talaga ang ugali ng kambal niya. Magkamukhang magkamukha silang mag kakambal, pero ibang iba naman sa ugali.

"Oh, Alis na tayo may klase na tayo in 15 minutes." Sabi ni Seb. Tiningnan ko yung oras sa relos ko at tama siya. Hahanapin ko pa pala yung room ko.

Tatayo na sana ako nung may naisip ako. "Seb, alam mo ba yung yung room 201?" Tanong ko.

"Thats principles of management right, kay Mrs. Local?" Taning nito at nag check ako sa timetable ko at napatungo naman ako.

"Oh, accounting ka rin ba?" Tanong ko sa kanya and then he shook his head. Sayang naman, but it's fine rin naman.

"No, I'm in Business Management major in Marketing Management, but I've had her last year" he said and napahanga naman ako. Isa yan sa pinagpipilian kong course before pero accounting talaga ang want eh.

"So saan pala yung room niya?" Pag tanong ko kasi malapit na mag start yung klase niya eh.

"Alright then, pag labas mo sa cafeteria kanan ka tapos akyat ka papuntang second floor, kaliwa ka then 4th room na makikita mo na yung room 201" sabi niya and he winked at me nag thanks na ako.

"Thank you for you help and for earlier, I owe you one" I said and he smiled at me.

----------
Pumasok na ako sa loob ng room at dahil may isang dalawang vacant seat, Isa sa likod at Isa sa gitna, sa gitna ako naupo.

Nagbukas ulit ang pinto at may pumasok ang isang babae na nakasalamin at nakasuot ng formal attire. I assumena siya si Mrs. Local and the class is about to start.

"Good morning class. Before we begin on our second year, we have a new student here with us, Miss Ferrer, introduce yourself please and tell me what you expect to gain from my subject" sabi ng prof at napalunok ako sa kaba bago tumayo at magpakilala. Bahala na sa kung anong ineexpect jo sa subject na ito.

"I am Airyz Katherine L.-" naputol ang pag sasalita ko nung binilan ng malakas ang pinto at pumasok ang isang oh-so-gwapong lalaki- talandi ko nuh!

"Mr. Ayala you're late again" sabi ni prof. Mr. Ayala? Parang pamilyar sa akin yun ah

"Wow, as if this is the first time that I got late on this class" sabi niya habang nakangisi.

Nag tama yung mata namin at parang feeling ko kilala ko siya. Oh Ghad, alam ko na! Nakita ko ata siya ngayon oo tama kilala ko nga siya si Mr. Ayala at nakita ko siya ngayon diba, what the hell di ko siya maalala talaga eh.

Naupo siya sa likod. "You may now continue Ms. Ferrer" sabi ng prof at nakita kong nagbago ang expression ng mukha ni Mr. Ayala dahil nga sa di ko alam ang name niya eh Mr Ayala tawag ko sa kanya. Taena yan wala pa akong sagot sa what you expect kuno niya.

"I am Airyz Katherine L. Ferrer, 19 years of age, and I expect to gain further knowledge regarding the functions that are vital in planning, organizing, leading, and controlling an organization. " I said and smiled, my hand's literally sweating and dear God, I fought so hard to stop my voice from shaking.

"Thank you ms. Ferrer, you may now take your seat. I am Mrs. Carmen Local your principles of management professor" pag papakilala niya and I sat back on my seat and then she started the lesson.

After two hours tapos na rin ang class namin at lumabas na. May one hour pa ako para sa next class ko.

Nag lakad lakad ako sa para naman maging familiar ako dito sa school. May photographic memory naman ako eh kay di ako maliligaw. Nasa gitna ako ng pag lalakad nung may tumawag sa akin.

"Airyz!!!!!" Dining kong sigaw ng taong ayaw ko ng makita, dahil ayaw ko sa madaldal! Ang sakit kaya sa ulo, weird na kung weird pero naiinis ako sa taong salita ng salita.

Tumakbo na ako ng tumakbo dahil ayaw ko makita at marinig ang boses ng pinaka maingay kong pinsan na si Ailee. Ghad ayoko sa maingay nuh!

"Insan naman hintay" di ko siya pinakingan at tumakbo na lang. Napatingin ako sa relos ko habang tumatakbo, nakaramdam na lang ako ng malakas na impact ng pag tama ko sa isang bagay at tuluyang pag bagsak ko sa sahig. Oh no!

"What the f*ck is wrong with you?!" Narinig ko ang boses ng lalaki at nakapatong ako sa kanya. Unting unting naaninag ko ang mukha nung lalaki at napagtanto kong si so-called Mr. Ayala, I'm so dead!

"Sorry po, sorry po talaga" sabi ko habang tumatayo, napansin kong maraming nakatingin sa Amin.

"Sorry po talaga, kasi po yung pinsan ko eh kinukulit ako, di ko po kayo napansin sorry po talaga" sabi ko pag tayo ko. Inabot ko yung kamay ko sa kanya pero tinapik niya yun, ng malakas. Napahawak ako sa kamay ko dahil ang sakit kaya talaga ng Hampas niya!

"Do you think I would like to hold your hand?" Tanong niya habang tumatayo, he's so scary by the way he looks at me. Parang ang sama sama ng ginawa ko sa kanya, parang may atraso ako sa kanya, which oo kasi nabangga ko siya, pero di ko naman sinasadya yun huh!

"Sorry talaga" sabi ko habang nakayuko. Nahihiya kasi ako sa kanya, plus sabihin na nating pamilya niya ang may ari ng school na ito, Isa pa tong mga chismosa kong ka-eskwela!

"Sorry, sa tingin mo ba may magagawa yang sorry mo!" Sabi niya, hala grabe naman parang ang laki ng kasalanan ko ah!

"Di ko naman sinasadya eh!" Napa sigaw ako, huli na nung marealize kong mali ang ginawa ko. Oh no!!!! Lagot na ako nito, mukhang kailangan ko ng gumawa ng goodbye speech para sa mga mahal ko sa buhay.

"At may gana ka pang sumigaw huh! How dare you" sabi niya at akmang sasaktan niya ako nung may pumigil sa kanya.

"Patrick tama na, mukhang di naman sinasadya no Airyz eh" sabi ni Seb, halatang mag kakilala sila. At dahil rin doon natigil si Patrick, buti naman alam ko na name niya. Tumalikod si Patrick at nag lakad palayo, may mga lalaking sumunod sa kanya which I think ay mga kaibigan niya.

Limingon sa akin si Seb at hinila ako palayo, nadaanan namin ang magaling kong pinsan at sumunod sa akin.

"Dapat hindi mo siya sinigawan" sabi ni Seb.

"Sorry, pero bakit parang kasalanan ko pa? I don't care if he owns this school, he had no right to belittle me" sagot ko naman.

"Ayaw niya kasing sinisigawan siya, masyado raw nakakatapak ng pride niya" sabi no Seb. Grabe naman masyado siyang sensitive. I rolled my eyes, pride my ass. Ugh men. I chose not to fare and change the subject na lang.

"Parang ang Dami mong alam sa kanya huh" pag iiba ko ng usapan pero si Patrick pa rin ang pinag-uusapan namin.

"Ay kasi ex niya ang kambal ko. Nakakatawa nga 3 years ago na silang nag break di pa rin nakaka-move on ang loko" sabi niya habang matatawa.

"Ganun? Di uso move on sa kanya" komento ko naman. Grabe siya huh! Parang di kapanipaniwala. Isang araw pa lang ako dito sa university na ito, ang dami ko nang nalalaman.

"Imagine isang Patrick Ayala nabaliw sa kambal ko. Breaking News yun, three years ago nga lang" sabi niya.

"Bakit ba nag hiwalay ang kambal mo at si Patrick?" Taka ng tanong ko. Ngumiti siya at nag salita.

"Kasi may tumawag sa kanya at sinabihan siya na kabit daw siya nung asawa nung babae na tumawag. Una pa lang alam na niyang prank call lang yun" kwento niya at Bigla akong kinilabutan dahil doon.

"Oh may nakasunod sa iyong babae" sabi ni Seb. Lumingon ako sa likod ko at nalaman kong hangang ngayon nakasunod pa rin ang bruha kong pinsan.

"Wag mo intindihin iyan. May klase pa ako. Bye Seb" sabi ko habang tumatakbo palayo. I heard him calling over me, to be careful, but I didn't mind.

To be continued.......

Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon