Chapter 21: Big Reveal

32 3 0
                                    

AIRYS

"Ayun ganun nga ang ginawa niya nung Sabado"

Kinwento ko kay Ailee ang nangyari nung sabado. Papunta na kaming JAC. Nag overnight kasi siya dito kagabi dahil nga sa birthday ko.

"Ang sweet naman ni couz-in-law" sabi naman ni Ailee. Couz-in-law? Sapakin ko kaya siya para matauhan?

"Ewan ko kamo sayo Ailee!!" sabi ko. Hindi tuloy ako makapagfocus sa pag dadrive dahil sa sinabi niya. Kinikilig ako to be honest.

Nakarating din kami agad sa JAC dahil wala naman masyadong traffic which I somehow found miracle to be honest.

Wala naman masyadong nangyari ngayong araw na ito dahil sa malayo pa naman ang exams namin. Lunch break na namin ngayon kaya kasalukuyan akong nag hahanap ng pagkain sa cafeteria. Bumili lang ako ng carbonara at ng coke pati na rin ng cheese burger. Lakas ko kumain ngayon. Binigay na sa akin ng tindera ang pagkain ko. Kuminang ang mata ko dahil sa dami ng cheese na nakalagay sa carbonara ko. Dumiretso na ako sa table at umupo.

"Tuwang tuwa ka naman dyan sa kinakain mo? " nag angat naman ako ng ulo ko at tiningnan ko kung sino ang kumausap sakin

*lub dub lub dub lub dub*

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. The fact na hindi ko pa nasusubo ang pasta na nasa tinidor ko. Nakanganga pa nga ako eh.

Ibinaba ko na muna ang tinidor (huhu di ko dala si Chappy the chopsticks) ko at huminga ng malalim. Ayos na sana eh... Umepal ka lang.

"Alam mo... Ang tanga mo! Nakita mong KAKAIN pa lang, sasabihin mo sakin ang word na KINAKAIN... Ginagago mo ba ako?" tanong ko sa kanya. Nagtaka naman ako.. Bakit ganun ang tono ng pananalita ko. Masyadong affected ah! Hay ang epal kasi eh nananahimik lang ako dito kanina.

Umupo naman siya sa tapat ko at umikot naman ang mata ko ng 360°.

"So bakit ka nanggugulo dito?" tanong ko sa kanya ng hindi nakatingin. Kulang na lang talaga iconsider ko ang sarili ko as an blank emoticon kung hindi lang ako ngumingiti at nag iiba ang expression.

"Wala lang" sabi niya. Hindi ko na siya pinansin. Naalimpungatan ako dahil feeling ko tinititigan niya ako habang kumakain. Jusko! Nakakaloka talaga itong si Patrick.

"Wag mo nga ako titigan please lang!" sabi ko sa kanya pagkatapos kong uminom ng coke at lumingon sa kanya.

Ngumisi naman siya. Ang weird niya po promise. I mean what the hell is wrong with him?!

"Masama bang titigan ka? Ang ganda mo kasi eh" sabi niya.... O_o ano raw?!?! Sabi na nga ba eh! May lihim na pag tingin siguro ito sakin!

Assume lang bes okie lang yan

Tumawa ako ng bahagya bago mag salita.

"Sabihin mo na lang kasi.... Crush mo ako 'no"

Sabi ko naman sa kanya kaya bigla siyang nag mura ng malakas... Yung sobrang lakas na dinig ng buong cafeteria. Nagtinginan tuloy lahat sa kanya.

"WHAT THE FVCK!"

Sigaw niya nagpatuloy naman ako sa pag lapang ko ng carbonara. Waahh ang sarap talaga mga bes!!!

"Excuse me... Ako magkakagusto sa'yo... Baliw ka ba!"

Sabi niya... Grabe huh ang harsh! Mukha ba akong di kagusto gusto?! Broken hearted na tuloy si ako.

"Kaibigan lang ang turing ko sa'yo! Wag ka ngang assuming!" sabi niya.Nawalan ako ng ganang kumain dahil doon. Aba buti na lang ubos na yung carbonara ano. Hindi dahil sa kaibigan ang turing niya sa akin kung hindi dahil sinabihan niya akong assuming. How dare him!!

"Mawalang galang lang huh! Ang pinaka ayoko sa lahat ng tao ay yung sinasabihan ako ng assuming! Lalo na kung hindi nila ako kilala!" sabi ko sa kanya with matching death glare. Wala siyang karapatang husgahan ako. Alam ko naman sa sarili kong nag aassume lang ako pero para sabihin niya yun! Wala siyang karapatan!

"Ok ok sorry na ito naman masyadong seryoso" sabi niya at inirapan ko lang siya. Tatayo na sana ako ng pinigilan niya ako. Ano nanaman ba ang problema nito?!

Hindi na muna ako umalis at nag stay. Nag usap na lang naman kami.

"Patrick tanong ko lang.... Pag halimbawa yung kaibigan mo nag ka gusto sa iyo anong gagawin mo? " tanong ko sa kanya. Napakagat ako sa lower lip ko habang hinihintay ang sagot niya... Kinakabahan talaga ako. Uminom naman siya muna ng orange juice niya bago sagutin ang tanong ko. Huminga siya ng malalim bago tumingin sa akin.

"Kaibigan ko? Hmm... Siguro lalayo ako sa kanya kasi halimbawa sa mga ginagawa ko baka bigyan niya ng meaning ang mga ginagawa ko para sa kanya the fact na alam ko yung damdamin niya para sa akin kasi kaya nga siya nagkagusto sa akin dahil sa mga simpleng bagay na ginagawa naming dalawa" sagot niya habang seryosong nakatingin sa mga mata ko. Lalayuan niya... Okay hindi naman ako nasasaktan eh. Alam kong hindi niya ako lalayuan dahil hindi naman niya alam ang feelings ko para sa kanya. Pero nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil sa sinabi niya.

"Lalayuan mo ba talaga?" tanong ko sa kanya na pinagsisihan ko agad. Baka makahalata yun. Aish ang tanga ko talaga!

"Mhm... Kasi gaya ng sinabi ko minahal niya ako dahil sa pagkakaibigan naming dalawa kaya mas magandang wag na lang magbigay ng motibo dahil ayoko siyang umasa sa aming dalawa...bakit mo nga pala natanong?"

Sabi niya kaya agad akong nag isip ng isasagot. Sa bagay tama naman talaga siya doon.

"Y-yung pinsan ko kasi eh... Ganun ang sitwasyon niya yung best friend niya may gusto sa kanya" sagot ko kaya kumunot naman ang noo niya.

"Si Ailee ba yan?" tanong niya umiling naman ako. Hindi na ulit kami nag usap pa. Ang awkward ng atmosphere namin ngayon.

Umalis na rin kami agad pagkaubos namin ng pagkain. Hay hindi pa rin talaga maalis sa isip ko yung sinabi ni Patrick.

~

"So anong plano mo ngayon dahil sa nalaman mo?"

Tanong sa akin ni Chloe. Napaisip naman ako. Kailan ba talaga may plano? Di ba pwedeng chillax lang at go with the flow. Pero may point naman talaga siya eh. Siguro ayos na akong hindi ko sabihin sa kanya

"Mas gusto kong wag na lang sabihing mahal ko siya. Wala na rin namang mangyayari eh"

Nag-taka naman ako nung hindi sila sumagot at nakatulala na lang at nakatingin sa likod ko... Teka parang nangyari na ito dati huh. Kelan nga ba yun? Ang weird nila. Nakakatakot tuloy lumingon sa likod. Ayokong mag take ng risk coz you know aym tho thcared (insert baby voice)

"So kaya pala" nanlaki ang mata ko nung narinig ko iyon. What the fudge! Dahan dahan akong lumingon sa likod.

"Mali! Mali ka ng pagkakarinig!" pag tanggi ko sa sinabi niya. Oh my God!

"You know what! I feel betrayed! You should have told me that earlier!" sabi niya. Hindi ko naman ito naintindihan ito. What does he mean about what he said earlier.

Tumalikod siya at umalis hindi ko siya napigilang umalis.

To be contimued....

Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon