Chapter 16: Denial

32 3 0
                                    

THIRD PERSON

"AKO?! MAY GUSTO KAY PATRICK?!"

Bulyaw ni Airys sa mga kaibigan niya. Nasa Butter And Bread Cafe sila ngayon lunch break na pero napag desisyunan nila Chloe na sa Cafe na lang sila pumunta tutal hindi naman daw sila nagugutom.

"Hay nako Airyz!! Sa ating lahat ikaw ang pinaka expert pag dating sa love life, love guru pa nga ni Patrick diba! Pero alam mo napaka denial mo!" sermon ni Francine kay Airys na nakasubsob ang mukha sa braso niya.

Ano ang pinaguusapan nila? Yun lang naman ang isang linggong pangungulila ni Airys kay Patrick na nauwi sa nararamdaman ni Airys para kay Patrick.... na hindi namang kayang tanggapin ng sistema niya.

And oo isang linggo na silang hindi nagkikibuan ni Patrick. Anong nangyari doon kina Angel at Erick? Ayun sila pa rin. Pinuntahan siya ni Erick doon sa clinic-na palihim namang pinanood ni Airyz-at nag usap naman sila, nagkapatawaran na rin naman sila sa tulong ni Airyz. Good deed naman talaga ang ginawa niya, kaso ang naging kinalabasan naman ay nasira silang dalawa ni Patrick at isang linggo na siyang hindi kinikibo ni Patrick. How sad naman...

"Eh hindi pa naman kasi sigurado! Malay mo sadyang namimiss ko lang si-" depensa ni Airys kay Francine...

"Tingnan mo sayo pa nga nanggaling eh. Look sabi mo kanina diba bumibilis ang tibok ng puso mo pag hinahawakan niya ang kamay mo, kinikindatan, pasimpleng halik sa pisnge and so on tapos nakakaramdam ka ng inis, inggit at kung ano ano pa pag binabanggit niya si Angel or pag laging si Angel ang nasa isip niya" sabi ni Chloe at uminom ng Caramel Machiatto niya. Huminga naman ng malalim si Airys at uminom ng frappe niya.

"Chloe naman eh! Hindi ko siya gusto and that's final!" sabi ni Airys sa kanila bago tumunog ang timer niya na sinet naman niya for one hour para hindi sila malate. Isang oras na nilang pinaguusapan iyon.

"Sabi mo eh! Wag kang iiyak samin pag na reject ka huh! Sabagay... Hindi naman ito ang first time mong marereject"

Sabi ni Francine bago nila napagdesisyunan na umalis sa cafe,ubos na rin kasi ang mga inumin nila. May natitira pa silang isang oras kaya chill lang silang nag lakad pabalik sa campus.

Habang nag lalakad sa loob ng campus silang tatlo ay nakita naman nila ang grupo nila Patrick. Pasimple namang kumaway sina Julian at Ken-na kilig na kilig naman si Chloe- sa kanila tutal nasa likod naman sila ni Patrick. Nag iwas tingin naman si Seb kay Airys.

May extra pa silang fifty minutes kaya napagdesisyunan ni Airys na kausapin si Patrick-dahil miss na niya ito- kasi gusto niyang magkaayos silang dalawa.

Nasira lang amg plano niya nung banggain siya ni Patrick nung nagkalapit sila. Nawalan naman ng balance si Airys kaya natumba siya. Nag tama ang mata nila Patrick bago siya tulungan nila Seb na tumayo.

"Sorry talaga Airys!" panghihingi ng tawad ni Seb kay Airys.

"Ayos lang Seb" sagot naman nito na kinontra agad ni Ken.

"Hindi Airys sobra na siya sayo! Hayaan mo, I'll talk to him" Ken said. Sinang-ayunan naman siya nila Julian.

"Mauna na kami nila Chloe. Sundan niyo na si Patrick. Dont worry I can manage!" sabi ni Airys sa kanila at nag-agree naman sila Francine sa kanya.

Pagka-alis nila Julian ay nag simula na silang mag lakad. Nasaktan naman siya sa ginawa ni Patrick kanina.

Palihim namang nag lakad si Airys na iika ika na pala. Medyo mataas kasi yung suot niyang sapatos kaya nagkaganon siya. Kawawang Airyz nga naman.

"G-guys uhm n-need help" sabi niya nung naramdaman niyang hindi na niya kaya. Lumapit naman agad sila Chloe sa kanya.

"Airys naman sana sinabi mong hindi ka makalakad ng maayos para binanatan ko si Patrick!"sabi ni Chloe sa kanya. Natawa na lang siya habang tinutulungan siya lumakad nung dalawa niyang kaibigan. Bumitiw na rin sila agad nung sinabi ni Airyz na kaya na niya kahit sa totoo ay hindi. Ayaw na niya kasing maabala pa ang mga kaibigan niya.

AIRYS

Ghad bakit ang sakit sa ulo neto nahihilo na ako, and to think na Principles of Management toh ah? Bakit ko ba tinake ang Accounting?!

"That's our lesson for today class"

Pag didismiss sa amin ni Mrs. Local. Haist ang sakit sa ulo. Nag-stretch lang ako ng konti bago lumabas. Muntik ko nang makalimutan na napilayan pala ako dahil sa pagkabagsak ko kanina dahil sa pagtulak sa akin ni Patrick.

Eto nanaman ako.... Naninikip ang dibdib ko sa tuwing naaalala ko iyon. Yung parang nanghihinayang ako. Meron pa kaming last subject bago mag vacant... Haisst hirap maging college.

Buti na lang at tatlong rooms lang ang pagitan ng next class ko... No need to walk fast

After two hours at vacant na rin namin. Dahan dahan akong naglakad papuntang cafeteria sa baba. Pakiramdam ko ay mapuputulan ako ng paa dahil pasakit ng pasakit yung paa ko sa tuwing nag-lalakad ako.

Haisst curse you Gunggong na Patrick

Bumili lang ako ng burger at coke tapos umupo ako sa vacant seat. Maraming estudyanteng nandito ngayon dahil vacant din siguro nila.

"Diba siya yung girlfriend ni Patrick"

"Oo nga pero parang wala na rin sila eh! Sabagay wala namang tinatagalan yung si Patrick eh"

"Oo nga baka nga sex lang habol niya kay Airys eh!"

Napapikit ako ng mata ko nung narinig ko yung mga usap usapan sa likod ko. Aish kung maayos lang ang kalagayan ko ngayon hindi ako magpaptalo sa mga bitch na yun!

Tinapos ko na yung kinakain ko bago ako tumayo at naglakad pa labas. Hindi pa ako nakakalayo sa puwesto ko kanina ay may naramdaman akong may bumato sa akin ng malamig at basang bagay. Late ko ng narealise na cake yun at nasa buhok ko.

Sh*t

Nakarinig ako ng tawanan sa likod ko kaya lumingon ako at may bumato nanaman sa akin at saktong tumama sa mukha ko. Sumosobra na sila! Ang gaga lang dahil di ko sila patulan. Bwiset na paa ito!

Nakita ko yung expresyon nung mga tao na parang nagulat sila. Tumalikod na lang ako at nakita ko naman si Patrick sa likod.

Lumapit siya sa akin na lalong kinabilis ng pag tibok ng puso ko. Pinunasan niya yung mukha ko gamit yung panyo niya. And for the nth time pakiramdam ko may stampede sa puso ko.

"Tara na" sabi niya at hinila ako pa alis sa cafeteria. I took a glance at those student who bullied me at mukha silang na shock sa nangyari kahit ako naman. Kung di lang nasakit paa ko ngayon ay pinatulan ko mga iyon eh.

"Ouch!" I exclaimed when he walked faster. Putahamnnida ang sakit. Napatigil siya sa paglalakad nung narinig niya ako.

"Bakit?! Anong masakit?!" tanong niya. Yung mga mata niya full of concern at para siyang nag-papanic. Lumingon ako sa baba kaya napalingon din siya.

"N-natapilok ako nung b-binangga mo ako kanina" sabi ko sa kanya. Watdapak bakit ako nauutal. Para din akong nahihiya sa kanya?! Watdaep anong nangyayari sa akin.

"Uhmm akong bahala" sabi niya. Nagulat ako nung binuhat niya ako ng bridal style.

"B-bakit mo ko binuhat kaya ko naman eh?" tanong ko nauutal nanaman ako eh. Anong nangyayari sa akin?

"Basta ako na bahala" sabi niya tyaka kinindatan ako. Napakabipolar niya talaga. Parang kailan lang halos isipin kong multo ako dahil sa hindi niya pag kibo sa akin ngayon naman may pa kindat pang nalalaman. Aish ang weird niya talaga. Napangiti ako ng di oras dahil sa kanya.

Habang tinitingnan ko siya pakiramdam ko nag liliwanag yung paligid ko dahil sa kanya.

Naramdaman ko na ito dati eh....naaalala ko nanaman siya. Napatingin ulit ako kay Patrick at nagtama yung mata namin. Eto nanaman ang stampede sa puso ko!

Tounge-ina ano na bang nangyayari sa akin?!

"Hay nako Airys!! Sa ating lahat ikaw ang pinaka expert pag dating sa love life, love guru pa nga ni Patrick diba! Pero alam mo napaka denial mo!"

Naalala ko yung sinabi kanina ni Francine.

Siguro nga nag-papakadenial ako.

To be continued..........

Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon