Chapter 10: Party

33 3 0
                                    

AIRYS

Napagdesisyunan kong umuwi ngayong Linggo para makuha ang kotse ko sa bahay, miss ko na rin ang kotse ko eh. Alas onse na ng umaga kaya sobrang init na ng temperatura sa Pilipinas.

*tok tok tok*

Palabas na sana ako mga unit ko nung may kumatok. Nakapagtataka naman dahil wala namang nakakaalam ng Kung saan ako nakatira bukod sa pamilya ko, landlady at mga kapitkwarto. Sinuot ko ang hoodie ko bago buksan ang pinto, siguro naman at hindi importante ang bagay na iyon dahil mas importante ang kotche ko ano!

Pag bukas ko ng pinto, nakita ko ang mala anghel na pagmumukha ni Patrick. Wait, paano niya nalaman kung saan ako nakatira.

"I have connections dear, of course I would know where my girlfriend lives" sabi niya habang naka cross ang arms niya. Napataas ako ng kilay at napa ngisi, pinandigan talaga niya na girlfriend niya ako ah sige eh di panindigan natin.

"Oh, eh bakit ka naman pumunta dito boyfriend ko? Ang sweet mo naman para dalawin ako ah" sabi ko sa kanya. With matching cute voice and puppy eyes. Nagpipigil ako ng tawa ko ngayon dahil mukhang asar na asar na sa akin si Patrick.

"May pupuntahan ka ba mamayang gabi?" Tanong niya sa akin. Malamang pauwi na ako noon or nasa apartment na agad ako from Cavite. Two to three hours lang naman ang byahe eh.

"Kung wala, bakit mo naman natanong?" Tanong ko sa kanya, di naman siya mag eefort na sugurin ako sa pamamahay ko ng wala lang diba. I'm not that dumb if he thought that I won't discover that he would be needing something to me. Tsk.

"May party kasi sa bahay mamaya. Mga 7:00 ang start. Kung pwedeng di umattend, gagawin ko ang kaso ayoko namang mag isip na masama ang mga colleagues namin sa business" sabi niya, mistulang nahihiya pa nga siya eh.

"And it is my business because?-" sabi ko na agad naman nitong pinutol.

"I want you to be my date tonight. Also consider this as your job as my fake girlfriend. Angel would be there too, siguro naman na iintindihan mo ang pinupunto ko diba" he said. Ah yes, the mission, get Angel back.

Who says I want to be his fake girlfriend? If I were to make a job review (as what he calls it) as his fake girlfriend, it would start with "this job of mine sucks". The left side of my lips twitched.

"Oo naiintindihan ko. Gusto mong pag selosin ang ang ex mo by showing her that you have a new girlfriend, how lame" komento ko sa lame niyang plano.

"Then do you have any suggestion other than what I said" sabi niya at pinag krus ang braso niya. I grinned about what I am thinking. I have better plans on how I would make her jealous.

"Trust me.. It's better than yours" nakita ko sa mukha niya ang pag tataka. Let's just say that I am the best in plotting an evil plan.

----------------

Nakasakay na ako ng bus pauwi ng Cavite dito sa PITX. Dahil sa epal kong boyfriend kuno mag aalas dose na ako naka alis. Sapilitan ko pa siyang pinagtulakan pa alis ng unit ko eh. I decided to close my eyes dahil isang oras pa ang byahe.

Nagising ako dahil sa tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito. I just got 5 text messages, which ngayon ko lang siguro napansin. 2 messages from my mom, a message from Chloe, a message from Francine and a message from gunggong. Seriously ano nanaman bang problema niya.

Inuna kong basahin ang message ni mama bago kay Chloe at Francine. They were both asking me kung pupunta ako sa party sa bahay ni Patrick, muntik pa akong magtaka kung bakit nila alam ang tungkol doon but I realized that they were both from a rich and known families. Naikwento kasi ni Patrick na birthday party pala iyon ng step mom niya. I thought he was about to explode when he told me that eh.

Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon