Chapter 12: Sana nga

37 2 0
                                    

AIRYS

Nandito kami ngayon ni Patrick sa night club. Actually dinala ko siya rito. Paano ba naman gusto daw niya makalimot eh sabi ko paano naman yun mangyayari kung ayaw niyang iuntog ko siya sa adobe para mapuruhan at makalimot nakakagising din yun ng natutulog na kaluluwa.

"Bartender, bigyan mo ako ng pinakamatapang niyong alak. Yung kayang magtanggal ng masakit na alaala" utos nung gago kala naman niya kaya niya. Iyak pa ng iyak ang loko kala mo naman hindi play boy na puro sarap lang tapos iiwan din agad. Haisst gigil mo si ekko!!!!

May sinulat lang ako sa tissue sa tabi ko at inabot sa bartender.

"Sige po sir, kayo po ma'am? " sabi nung bartender tapos binigay ko sa kanya yung tissue.

Wag niyong bigyan yan kuya ng hard drinks hindi naman niya kaya. Kahit beer na lang po gawan niyo na lang ng paraan para di niya mapansin na beer lang binigay sa kanya. May topak nanaman po kasi ang loko.

Tumingin sa akin yung bartender na nag tataka. Nag puppy eyes ako para naman pumayag siya. Ang hirap kayang akayin nito pag lasing.

Nag nod na lang si kuya at umalis para iprepare yung drinks namin. Aish bakit ba ang ingay dito sa club? Napaka lapit pa namin sa DJ kaya mas maingay.

Binigay naman sa amin ni kuya yung drinks namin. And sinunod niya yung sinabi ko, beer nga lang yung binigay sa amin.

------------

"Bakit ko ba nararamdaman ito?!!" pag wawala niya. Halata na sa kanya ang kalasingan kahit nakaka 2 shot pa lang siya. Natawa ako ng wala sa oras. Ang weak niya para sa isang bad boy.

"Bakit ka tumatawa? Tinatawanan mo ba ako? " sabi niya lalong humagalpak ako sa tawa.

"Iba na shalaga mga tao sha mundo ngayon ah" sabi niya. Grabe siya. Kasalanan naman niya kung bakit ako tumatawa eh.

"Alam mo Patrick mag pagka lasing ka na lang" sabi ko at nilagok ang pang sixth shot ko.

"Airys bakit ganon alam ko naman na wala na talaga kami pero umaasa pa rin ako? " sabi niya haiist di ba siya mauubusan ng luha?

"Kasi tanga ka. Hinintay mo pa ako bago ka gumawa ng paraan" sabi ko. Diretso naman siyang tumingin sa akin. Haiist ayoko siyang kausap. Di naman siya nakikinig eh.

"Nag mahal lang naman ako eh. Sapat bang dahilan yun para masaktan ako?" wala sa kabuluhan niyang tanong. Okay sige eh di sagutin ng makabuluhang sagot.

"Oo, sapat ng dahilan yun. Bakit? Kasi hindi mo inisip ang sarili mo. Kasalanan mo kung bakit mo nararamdaman yan. Dapat matagal mo ng pinatay yang nararamdaman mo pero ano hinayaan mo diba? " sabi ko sa kanya. Humagulgol nanaman siya.

"EWAN KO SAYO PATRICK NAPAKATANGA MO. GUSTONG GUSTO MO NA NASASAKTAN KA. AYOKO SANA SABIHIN PERO NAKAKA PUT* KA. HARAP HARAPAN KA NG SINASAKTAN EH! GUMISING KA NGA UTANG NA LOOB MAAWA KA SA SARILI MO!!" di ako galit sadyang malakas lang ang tugtog dito sa bar kaya nilakasan ko na. Di naman niya maaappreciate yung sinasabi ko kung hihinaan ko.

Lumuluha pa din ang loko. Aish kelan ba siya titigil sa pag iyak. Ka lalaking tao kung humagulgol parang bata!

"AISH PATRICK WALANG MAGAGAWA YANG PAG IYAK MO. KUNG IIYAK KA RIN LANG NAMAN ABA'Y DI NA SANA AKO SUMAMA SA IYONG HAYOP KA!!" sigaw ko sa kanya dahil malakas ang tugtog.

"BAKIT GANON?! ANO BANG KASALANAN KO?! DI NAMAN AKO PLAYBOY DATI NGAYON LANG TAPOS NGAYON. HINIWALAYAN LANG AKO NI ANGEL TAPOS GANITO ANG NANGYAYARI SA AKIN ANO BA ITO" sabi niya. Nagtaka naman ako. Dati ba matino itong si Patrick? Siguro nga kaya siya pinaglaruan ni Angel. Aba'y hayop yung Angel na iyon talaga. Pero hindi rin sapat na sisihin ko si Angel, kasi partly, may kasalanan din ako.

Makalipas ng 30 minutes ay nandito pa rin kami. Ganon pa rin kami. Paulit ulit na topic ang pinaguusapan namin. Aish ewan ko nga kung bakit nandito pa rin ako eh.

"Bakit ba ako nasasaktan? " tanong nanaman niya. Eto nanaman siya oh. Kastress slight

"Kase di mo pa siya binibitawan" simpleng sagot ko. Pang limang beses na niyang tanong yan pang limang sagot ko na rin eto.

"Bakit ba di pa mag move on yung kasama mo Airys? " tanong ni Kuya Gerald yung bartender na nag seserve sa amin. Kanina pa siya nakikinig sa amin. And yun nag kakilala na kami.

"Ewan ko nga kuya eh. Nakakainis yung paulit ulit nyang pagtatanong at pag iiyak? " sagot ko at ininom yung pang ilang shot ko. Tinatanong niyo ba kung bakit di pa lasing si Patrick. Cocktail na lang kasi binibigay sa kanya. Ako naman kasi mahihirapan eh tsaka di naman niya napapansin na dinadaya ko siya.

Lumakas na naman ng todo yung tugtog. Di na nga kami mag kaintindihan ni Patrick eh. Hanggang dumating sa point nainis ako at pinuntahan kung saan yung DJ. Sabi ko hinaan niya pero mukhang di niya ako naiintindihan. Pang limang beses ko ng inulit na hinaan niya pero di niya pa rin naintindihan kaya sa inis ko binunot ko yung wire nang equipment niya pati yung mga speaker. I smirked. Bakas sa mukha ng mga tao ang gulat at inis pero di ko inintindi. Tinawag din ako nung DJ pero di ko pinansin at dumiretso uli kay Patrick na umiiyak na naman.

"BUTI NAMAN BUMALIK KA!!! AKALA KO IIWAN MO RIN AKO EH" sabi niya. Ngayon pinagtitinginan kami ng mga tao dahil wala pa rin yung tugtog which is ikinatahamik ng paligid at ng kaluluwa ko.

"Di kita iiwan gunggong ka" sabi ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin ng diretso. Tumulo nanaman ang luha niya. Naaawa na talaga ako sa kanya.

"Bakit kailangan kong masaktan? " tanong nanaman niya for the nth time.

"Kasi di ka napapagod masaktan. Dapat una pa lang kinalimutan mo na siya pero di mo ginawa diba kasi tanga ka. Tanga ka dahil umaasa ka pa ring babalik siya sa iyo pero ano?! Wala na okay wala mg babalik sa iyo" sabi ko for the nth time also.

Humagulgol nanaman siya. Aish para siyang bata. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao. Nakakahiya siya ah. Pinapahamak niya ako. Napafacepalm na lang ako.

"Bakit ang tanga tanga ko? " tanong niya. Pang ilang tanong na niya yung tanong na iyon. Nginitian ko siya. Its time para sagutin niya yung tanong niya.

"Sa tingin mo, bakit? " tanong ko sa kanya pabalik. Matagal bago siya makasagot. Feeling konisa akong love guru dahil maraming nakikinig sa akin at para akong nag lelecture.
"K-kasi *sob* d-di ko pa siya kayang *sob* bitawan? " sagot niya. Nginitian ko siya ng sincere at tumango.

"Bakit di ko pa siya kayang bitawan? " and at last naisipan niyang itanong yan. Lumapit ako sa kanya at tinitigan siya sa mata. For some reason I felt my heart skipping a beat. Para bang nalulunod ako sa mga mata niya na parang gusto kong titigan iyon ng pang habang buhay.

"Kasi hanggang ngayon di mo matanggap na wala na siya sa iyo. How would you step forward if you keep on holding to your past. Sa pag momove-on kailangan ng acceptance. Bago ang lahat kailangan mo munang tanggapin ang nangyari noon bago ka makapag focus sa ngayon. Tingnan mo yung sarili mo. Mukha bang may mabuting naidulot yung nararamdaman mo. Paano na lang yung mga nag mamahal sa iyo. Paano na lang yung mga taong nasasaktan mo, naaabala mo kung lagi mong iniisip na babalik siya sayo? Wag mong sayangin ang panahon mo sa kakaiyak dahil walang magagawa yang iyak mo ok? Nothing would change. Please lang maawa ka sa sarili mo Patrick" pangaral ko sa kanya. Nagulat na lang ako nung nagpalakpakan yung mga tao sa bar. Nag thank you na lang ako sa kanila

Humagulgol na naman si Patrick. Naaawa na talaga ako sa kanya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Pinalibot naman niya yung kamay niya bewang ko at niyakap ako pabalik.

"Siguro *sob* kung iba *sob* yung minahal ko hindi ako*sob* mag kakaganito" sabi niya at walang tigil ang pagluha niya. Basang basa na yung dress ko dahil sa luha niya.

"Sana iba na lang ang minahal ko" sabi nanaman niya. Its good to hear na sinasapian siya ng katiting ng realization

"Sana *sob* sana ikaw na lang ang minahal ko para di ako nasasaktan ng ganito" he said.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hinalikan ko siya sa noo dahil sa awa at mas nakakagulat ang mga susunod kong sinabi. Pakiramdam ko nawalan ako ng kontrol sa sarili ko. Ano bang nangyayari sa akin?

"Sana nga. Sana ako na lang"

To be continued..........

Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon