Chapter 9: Mom

40 3 0
                                    

AIRYS

"I love you Angel"
Nag-assume ka naman Airys! Tanga ka rin eh nuh!

Pagkatapos niyang sabihin yun ay ginawa ko ang lahat para bitawan niya ako. Bakit ba kailangang maging napakahigpit ng yakap niya.

Napaluha ako ng hindi ako nagtagumpay. Pakshit umagos na talaga ang luha ko eh.

"Waaahh bitawan mo na ako please" pagmamakaawa ko. Pero wala pa rin siyang react..

"Please naman Patrick bitawan mo na ako" sabi ko ulit pero this time pa sigaw na. Naramdaman ko na lang na lumuwag yung yakap niya sa akin at binitawan ako.

"Sorry Angel, kung nasaktan kita. Di ko sinasadya" sabi niya kahit nakapikit pa din. Bigla naman akong dinapuan ng konsensya. Para akong sinampal ni konsensya eh. Sana di ko na lang siya sinigawan.

"Sorry Patrick, sorry huh" sabi ko tapos gumapang ako palabas ng kotse at dumiretso sa driver's seat.

Ini-start ko na ito at nag drive. Nagulat talaga ako ng bigla na lang itong humarurot. Watdapak!!!!

Buti na lang at madaling araw na at konti lang ang kotse ngayon.

"Bakit ang bilis ng kotse ko? Mamatay na ba ako?" Sabi ni Patrick sa likod. Natawa naman ako.

"I like fast cars you know that" sabi ko. Sabi ko pero nag break na rin ako kasi taena talaga ako din ay kinabahan bigla. Akala ko face to face na kami ni lord. Friday pa naman ngayon at labasan ang mga truck

--------

After thirty minutes nakarating na kami sa village na sinabi niya. Nakita ko yung guard house at pumunta doon.

"Kuya alam niyo po kung saan ang Ayala Residence?" Tanong ko. Nagulat yata siya nung binaba ko yung bintana ng kotse.

"Ma'am hindi po namin pwede sabihin. Pasensya na po" sabi niya. Expected ko na yun dahil masyado silang powerful kaya baka meron silang mga kaaway kaya dapat protektahan sila.

"Ah kuya kasi po girlfriend po ako ni Patrick Ayala, and nandon po siya sa likod dahil lasing siya so pwede na po ba niyo sabihin sa akin kung saan ang bahay niya?" sabi ko tapos tinuro ko na rin si Patrick na sarap na sarap sa tulog niya. Which is true naman na Girlfriend niya ako, kahit fake lang. Impulsive liar rin talaga ako eh ano.

"Sige po Ma'am. Sa dulo po ng subdivision na ito. Yung mansion po sa kanila yun" sabi nung guard. Nagpasalamat naman ako.

Nag maneho naman ako papunta doon sa sinabi ng Manong. Grabe naman parang in-echos lang ako nung guard eh, dead end na ito eh. Wala na nga ako makitang bahay dito kundi Pader na kasing laki lang naman ng isang floor na building.

"Dead end na ito eh" sabi ko. Baka naman pinagloloko lang ako ni kuya guard eh.

"Diresho lang-hik- malaki shalaga ang gate namin-hik" sabi ni Patrick na nakapikit pa rin. Next time talaga di ko na hahayaang uminom ito.

At last nakita ko na ang entrance. And guess what! Ang kaninang pader ay gate pala ng mansion ni gunggong.

Bumusina ako at binuksan ng guard ng bahay ang gate. Nag bow siya ng konti. Akala niya siguro si Patrick ang nag da-drive. Napatingin ako sa wrist watch ko at ang oras ay 1:18 na ng umaga. Putek sabado na pala.

Hininto ko yung kotse sa tapat ng pintuan ng bahay nila. Malaking pintuan ng bahay nila pala sorry.

Lumabas na ako. Nagulat naman ang ibang maid sa akin. Pero may sumalubong pa rin naman sa akin.

"Ate bago kayo mag hysterical dyan, tulungan niyo po muna ako dito" sabi ko sa kanya. Binuksan ko naman yung pinto sa paasenger's seat. Natawa naman bahagya si ate. Mukhang sanay na sila sa sitwasyon na ito. Tinawag naman niya ang ibang kasambahay para buhatin si Patrick.

Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon