Chapter 17: Mind Over Matter

21 2 0
                                    

AIRYS

"ARAY!!!"

Reklamo ko nung hinawakan nung nurse yung paa ko. Grabe naman kasi. Binabalutan lang nung bandage yung kaliwang paa ko tapos hinigpitan bigla. Abay putahamnida lang. Nakatingin kasi siya kay Patrick para namang tanga. Pasyente ako teh!

"Ate dahan dahan lang nasasaktan yung girlfriend ko" sabi ni Patrick habang naka cross arms kaya humigpit nanaman yung pag-ikot ng bandage sa akin nung nurse kaya napamura ako ng wala sa oras

"TANG*NA"

Tumawa naman nang pagklakas-lakas si Patrick kaya kumuha ako ng gunting at akmang babatuhin siya ng gunting kaya napatakip naman siya ng mukha niya.

"Taena Airys wala namang ganyanan!" sabi niya habang tinatakpan ang sarili niya kaya natawa ako ng bongga.

"ARAY!! ATE PASYENTE AKO HINDI KARIBAL!"

Sigaw ko kaya tumawa nanaman si Patrick kaso tumigil naman siya agad nung tiningnan ko siya ng masama.

"Ate ako na po bahala diyan marunong naman ako niyan"

Sabi ni Patrick kaya umalis na naman agad yung nurse. Ka imbyerna yun sarap banatin yung peyk eyelashes. Bago umalis yung nurse inirapan niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Umupo naman si Patrick sa harap ko at kinuha yung paa kong hindi pa nababalot ng maayos nung nurse na sarap tanggalan ng buhok.

Nakakuyom yung kamay ko habang nakatingin doon sa babaeng yun. Kung makatingin kasi yung nurse kay Patrick kanina parang hinuhubaran na niya. Kainis yun eh!

Napatingin ako kay Patrick na dahang dahang iniikot yung bandage sa paa ko.

Lub Dub Lub Dub Lub Dub

Napahawak ako sa puso ko dahil ang bilis nanaman ng pag tibok nito. Tama nga naman kasi talaga si France eh... Kasi sa totoo lang pag inamin ko sa sarili ko kung ano talaga ang nararamdaman ko, mas masasaktan ako. Paano ka ba mamahalin ng taong hindi pa tapos mag mahal ng iba. Kaya as much as possible pipigilan ko muna ito bago lumala. Mind Over Matter lang naman iyan.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa nakatulala at nakahawak sa puso mo eh" sabi ni Patrick. Sinabi kong ayos lang ako kahit sa totoo ay hindi. Haist pano ba ito?

Natapos na si Patrick sa ginagawa niya pero ako hindi pa ako tapos na tumitig sa kanya. Hindi ito ang unang beses na naramadaman ko ito pero para sa akin parang first time ulit.

"May dumi ba ako sa mukha ko?" tanong niya kaya umiling na lang ako at nag iwas ng tingin.

"Nga pala... Sorry sa hindi ko pag kibo sa iyo for the past few days. Nagtatampo lang kasi ako sayo nun eh" sabi niya kaya lumingon uli ako sa kanya.

"Ayos lang sa kin yun. Naiintindihan ko naman kung bakit" sabi ko sa kaniya ng naka ngiti. Ang ganda talaga ng mata niya.

"No it's not okay. Don't worry I'll make it up to you" sabi niya at inakbayan ako. Isinandal naman niya ako sa balikat niya at sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya. Pumikit naman ako. Naguguluhan na talaga ako sa sitwasyon namin ngayon. Ay mali ako lang pala. Anyway nag isip na lang ako ng ibang topic para maialis ko siya sa isipan ko.

"May tanong pala ako" biglang sabi ko sa kanya.

"Ano yon?" Tanong nito. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtanong pero since nasimulan ko na is sige tuloy na lang.

"Anong meron kay Conan at Seb?" Tanong ko. He looked at na parang iniisip niya if sasabihin niya sa akin or hindi.

"So I think alam mo naman na, eh di sasabihin ko na rin" panimula nito.

Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon