Chapter 15: Take The Risk

23 3 0
                                    

AIRYS

Nadala na namin si Angel sa clinic dahil may napadaang school faculty doon. Nangyari daw iyon sa kadahilanang stress daw si Angel at Over Fatigue. Lalo naman akong nakonsensya dahil doon. Di ko rin maiwasan na sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari.

Nandito naman ako sa tapat ng room nila Erick. Ilang metro din ang tinakbo ko para makarating na building na ito huh. Haisst! Gagawin ko ito para sa prinsipyo ko at para makatulong na rin kay Angel. Alam ko namang ayos lang kay Angel na masakatan at maranasan ito dahil ganon rin ang pinaranas niya dati sa mga exes niya. Pero dahil nga naniniwala akong walang taong deserve na masaktan kaya ginagawa ko ito.

Susumbatan ko lang naman si Erick dahil sa ginawa niya. And besides kung mahal mo maiintindihan mo naman siya diba. Haist ang weird ng love life ni Angel ah!!

Dismissal na nila Erick kaya sure akong lalabas na rin siya. Hinintay kong lumabas siya imbes na sugurin sa loob dahil ayoko ng manggulo pa. No way no effin way!

"Erick wait" hila ko sa kanya dahil nilampasan niya lang ako. Calm down Airys baka makapatay ka ng tao.

"Ano nanaman ba ang problema mo Airys?!" sabi niya sa akin pagkaharap niya.

"Alam mo ba kung nasaan si Angel ngayon?!" tanong ko sa kanya. Mukha naman siyang nagtaka na may kasamang pag aalala, pero bigla itong nawala. Haist ang gulo nila. Ano ba talaga?! Di naman siya agad nakasagot kaya pinapatuloy ko ang sinasabi ko.

"I don't care for her anymore" he said and then walked out but I stopped him.

"And you know what... Im so proud of you because you changed a devil, you showed her what she really is at ang ipinagtataka ko kung bakit napakabilis mong mawalan ng tiwala sa kanya" sabi ko kaya napayuko naman siya.

"Alam mo ba na sa ginagawa mong yan lalo mo lang pinatunayan sa akin na duwag ka... Duwag kang ipaglaban ang iyo duwag kang angkinin ang iyo at ang pinakaayaw ko sa lahat, duwag kang mag take ng risk" sabi ko. Takot siya, takot siyang magtiwala ulit at takot din siyang masaktan.

"Dahil natatakot akong masaktan pag pinagkatiwalaan ko siya uli. Nasaktan na ako eh" sabi niya.

"Well, I'm sorry it's my fault" sabi ko sa kanya. Napakunot ang noo niya.

"I wanted to take my revenge on her but it turns out that I didn't realize someone else could get hurt, I actually thought she was just a bitch, but well, she's different when she's with you" paliwanag ko sa kaniya.

Tao tayo normal satin ang masaktan, physically, emotionally, spiritually, at mentally. And it's terrible that I was the reason behind their fighting.

"Alam mo, mas katanggap tanggap pa ang rason na mahal mo siya kesa sa takot kang masaktan. Tao tayo at normal lang na masaktan tayo kaya duwag ka talaga" I said.

"Kasalanan ko bang ayoko ng magtiwala uli sa taong nakasakit sa akin. Nangako siya eh nangako siyang titigilan na niya yun pero anong ginawa niya"

At dahil sa sinabi niya hindi ko na napigilan ang kamao ko at sinapak ko siya. Wala akong pakealam kung maeskandalo ako dahil sa dami ng chismosang pinapanood ako. Kanina pa sila huh!

"Alam mo ang tanga mo. Dahil sa takot ka hindi mo na siya pagkakatiwalaan uli. Bakit sa tingin mo ba uulitin niya pa yun, napakawalang kwenta mong tao alam mo yun. Nakakainis ka. Kung malakas lang ako ginulpi na kita eh! Mahal mo siya pero hinahayaan mo siyang nahihirapan aba'y grabe ka talaga!" sabi ko, siya naman ngayon obvious na shock siya sa ginawa ko. So what deserve niya yun eh. Anong klase siyang tao. Hinahayaan niyang masaktan yung taong mahal niya tapos dahil lang sa isang pagkakamali hindi na niya pagkakatiwalaan ulit si Angel! That's unfair everybody deserves a second chance napaka duwag niya.

"Tao din siya Erick, napapagod. Baka pag dumating yung araw na narealize mo kung ano yung meron ka ay mawala na lang siya sayo bigla. So please take the risk and fight your stupid f*cking fears" sabi ko at iniwan na siya. Naiimbyerna lang ako dahil sa kanya eh.  He was still shaken from what I did earlier. Nagmumukha na akong bayolenteng tao dito ah

"For the record, she's in the clinic right now" I said before taking my leave.
Napagdesisyunan kong bumalik sa clinic at bisitahin si Angel ulit. Grabe who would have thought na isa pala siya sa mga taong binansagang desperada sa pag ibig. Over fatigue at stress grabe lang.

"Angel sorry sa nagawa ko... Ang gusto ko lang naman kasi ay magising na sa katotohanan si Patrick na wala ng babalik sa kanya kaya naisip ko yun. Hayaan mo bibigwasan ko yung duwag mong boyfriend pag di pa nasapian ng kakaunting common sense yun. Sorry ah nasapak ko boyfriend mo eh" sabi ko. Alam ko namang di niya maririnig yung sinabi ko kaya okay lang yan. Naaawa talaga ako sa kanya.

"S-salamat Airys. Please forgive me f-for what I did to you before especially to Patrick. Im sorry for using you to broke his heart before" sabi niya. Nagulat ako dahil gising na pala siya. Ngumiti ako bilang response sa kanya.

Nag stay pa ako doon ng konti para bantayan siya kahit na hindi naman ito ospital feeling ko lang. Saan ka ba nakakita ng clinic na parang isang floor na ng ospital. Natutulog lang naman si Angel dito dahil sa pagod siya at kailangan niyang matulog. Ala sinco nanaman kaya umalis na ako. May last period pa kasi kami.

Matapos ang madugong equations ay natapos na rin ang last period kaya lumabas na agad ako. Nakakaantok talaga ang never ending equations.

Naglalakad lang ako dito sa hallway dahil wala akong ganang tumakbo at mag madali. Pero biglang nawala yung antok ko nang may matanaw akong gwapong lalaking mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Nung nag tama ang mara namin biglang nakakita-imagined actually- na may lumabas na usok sa tainga niya. Oops what did I do wrong?!

Tumigil siya sa harap ko kaya kinabahan nanaman ako. Kinakabahan talaga ako.

"AIRYS NAMAN BAKIT MO PA KAILANGANG MAKIALAM SA KANILA!!!" bulyaw niya sa akin. Expected ko na naman na ganito ang kinalabasan ng ginawa kong- excuse me- GOOD DEED. Buti na lang at kakaunti na lang ang mga tao dito sa campus sa oras nito yung iba kasi 8 pa eh 6:30 pa lang naman.

"Please naman wag kang magpaka selfish Patrick! Hindi lang ikaw ang nasasaktan!" sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi. Ang selfish niya!

"Kahit na! Konting respeto lang naman dahil sa ating lahat ikaw ang mas nakakaalam kung gaano kasakit para sa akin yun!" sabi niya. Nangingilid na ang luha niya dahil doon.

"How will I trust you kung sa simpleng bagay na yon papatulan mo pa. Sana hinayaan mo na lang sila!" sabi niya. Nag sisimula na siyang mag hysterical.

"Please trust me Patrick. I told you to accept that no one's coming back to you!" sabi ko sa kanya.

"Im trying!!! Di naman ganun kadali iyon eh!!!" sabi niya. Hindi naman ako sumagot sa kanya at yumuko na lang. Tama naman siya eh. Please trust me. Please take the risk Patrick please. Kasi dating dalawa... Nakapagtataka mang isipin pero mas nasasaktan ako para sayo.

Nag lakad siya pa alis at sinundan ko na lang siya ng tingin.

Please trust me Patrick

To be continued......

Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon