Chapter 31: Closure

21 1 0
                                    

AIRYS

Yakap yakap pa rin ako ni Patrick ngayon. Nakapatong ang ulo niya sa akin. After that kiss pakiramdam ko ay bumalik ulit ang saya ko na para bang okay na ulit ako. Thanks to Patrick anyway. Humiwalay ako ng konti sa kanya at tiningnan ko ang mata niya.

"Okay ka na ba mahal?"

I nodded. Ang saya ko ngayon. Maybe because dahil alam ko na okay na ako. At dahil alam ko rin na nandyan siya sa tabi ko. I have someone to rely on.

"Excuse me?"

Dinig naming tawag ng isang kilalang tinig kaya sabay kaming lumingon doon.

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya sakin. Nilingon ko saglit si Patrick at tumango. Umalis naman siya bilang pagbigay ng privacy samin. Bago sya tuloy na makalayo ay lumingon sya pabalik at ngumiti kaya nahawa ako at ngumiti pabalik.

"Airys"

Narinig kong pagtawag sa akin ni Ashton kaya sa kanya napunta ang pansin ko. Umupo naman sya sa tabi ko. Hindi sya nakadikit sa akin pero sapat na para marinig namin ang isa't isa.

Ilang segundo ang lumipas matapos yon at nag-hari ang katahimikan sa pagitan namin. Nagpakawala ako ng malalim na pag hinga at tumingala sa langit. Naramdaman ko din ang simoy ng hangin na humampas sa balat ko. Pumikit ako ng saglit.

"Wag na" sambit ko sa kanya at tumayo. Umalis ako sa lugar na iyon. Walang halong bigat sa pakiramdam dahil na narealize ko na ang gusto ko. I don't think I need to hear what he has to say since I'm far too happy and content with what I have. I know that I don't have to find closure fro, him, because I already found it for myself

Masaya ako sa kung ano or sino ako ngayon. Tingin ko ito na ang tunay na ako at ayoko na rin malaman pa ang dahilan. Dahilan kung bakit minsan naging worthless ako para sa isang tao. Ano ba naman yung isang bagay na yun-kahit na malaki ang naging impact sa'kin-sa kung ano man ang pwesto ko ngayon. Past is past.

I know closure is important but for me... it really is'nt necessary. Kasi kung malaman ko man ang dahilan, paano kung dahil doon ay mag mukmok uli ako at malungkot. At saka ngayon ay mayroon na rin namang nag paramdam sa akin kung gaano ako ka worth it. Na hindi ako worthless. Gaya ng aking naramdaman noon.

I shouldn't deal with my past because I'm over it now. And I could only hope that one day he'd find it in himself to  move on just as what I have. Maybe one day we could be friends and get over all of our indifference. But for now, there's only one thing in my mind, well technically someone. I smiled at that thought.

Nilisan ko ang lugar na iyon ng may ngiti sa labi. I am happy... and finally I am free. Daig ko pa si Dobby the House elf nung binigyan siya ni Harry Potter ng sock. Finally malaya na ako mula sa galit sa puso ko.

~

PATRICK

Nag-lakad lakad ako dito sa corridor ng BM building kasi mamaya pa ang klase ko. Ano na kaya ginagawa nung babaeng yun? Haysst. Sana naman di na umiiyak yun. Grabe rin kasi eh. Although alam ko naman na matibay yun, baka nga si Ashton pa ang paiyakin ni Airys eh. Brutal pa naman yon kung minsan. Napangiti ako sa iniisip ko. Sobrang pag admire ko talaga sa babaeng yon eh.

Nabigla na lang ako nung may tumalon sa akin mula sa likod at ipinulupot ang braso sa leeg ko. Parang gusto ko bawiin yung admiration na sinasabi ko kanina. Amp brutal nga kasi talaga ang mahal ko eh.

"BULAGA!!!" narinig kong sambit nito at natawa na lang ako. Ipinuwesto naman nya yung dalawa nyang binti sa magkabilang tagiliran ko at hinawakan ko iyon bilang suporta. Balak ko na ngang ihulog sana kaso kawawa naman.  Mas malala pa naman ito pag gumanti.

"Musta?" tanong ko sa kanya ngunit nabigla ako dahil bigla nya akong hinalikan sa pisngi ko. Nasense ko na good mood siya sa asta niya ngayon.

"Ayos lang!!!" sambit nito at sapat na sa akin yun at hindi na nag tanong pa. Nag lakad na lang ako ulit habang naka piggy-back ride sa akin si Airys.

"Ang saya ko!" sabi nito at nag pout ako. Natawa naman siya at umikot papunta sa harapan ko. Sinuportahan ko naman ang loka. Magkalebel na kami ngayon medyo naka tingala lang ako ng konti dahil medyo mataas ang eye level nya sakin. Kitang kita ko ang kislap sa mata nito at ngiting nguti nga sya. Halata ang sobrang kasiyahan sa kanya.

"Bakit naman? Kasi nakausap mo sya at nagharutan kayo?!" sabi ko at napakunot ang noo nya. Inaasar ko lang ito pero agad ko naman gustong bawiin. Although medyo curious lang talaga ako ngayon, pero sapatna rin naman sa akin kasi bumalik pa rin naman siya eh. Hindi ko alam ang gagawin ko sakaling pinili niya yung isa kaysa sa akin. Nasasaktan ako habang iniisip ko.

"Ewan ko sayo!" sabi nito. Ang landi na namin sobra pero ayos lang sa akin, mas prefer ko pa nga eh. Ibinaon naman niya ang ulo nya sa leeg ko at ipinulupot ang mga kamay sa batok ko. Haysst sobra na sa PDA. Buti na lang walang prof na umaaligid sa side ng building na ito.

Binaba na ni Airys yung paa niya pero naka yakap pa rin sa akin. Nung humiwalay siya at tumingala sa akin ay hinalikan ko naman ang noo niya.

"NILOLOKO KA LANG NIYAAAA!!!!" Narinig kong sigaw kaya napatigil kami sa harutan naming dalawa.

To be continued....

Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon