Chapter 23: Rainy Day Feels

29 2 0
                                    

Third Person

Napakagat ng labi si Airys knowing na sobrang lakas ng ulan at na stuck siya sa main building ng JAC mag-isa. Why? Nasabi na sa PAG ASA na uulan pero hindi siya nag dala ng payong kaya ang ending hindi siya makapunta sa kotse niya. Tapos na ang klase pero nahuli siyang umuwi dahil sa kagagahan na matulog sa classroom nila after ng last subject at ngayon? 9 pm na lang naman ng gabi at mostly nakauwi na ang ibang mga estudyante. Wala eh tanga eh yan tuloy stranded.

Nako nako nako Airys wag mo akong kausapin na bubwiset ako sayong bitch ka

Bulong niya sa sarili niya. Kung nakikita niyo lang sana siya iisipin niyong tanga siya dahil sa ginawa niyang kalokohan.

Uggh sino bang tanga ang matutulog sa klase the fact na tapos na ang araw pwede na siyang umuwi. Nakakatanga ka Airys.

Bulong na naman niya sa sarili niya. She glanced at her watch hoping that it's still early for someone to stay at the school.

Nakaramadam siya ng kaluskos somewhere. Kaya kinilabutan siya. Lumingat siya sandali upang malaman kung may tao ba na nakapaligid. Kinilabutan naman siya nung wala siyang nakitang tao.

"M-may tao ba diyan?" tanong niya. Nauutal pa siya dahil sa takot na nararamdaman niya.

Bigla namang namatay ang ilaw sa main building. Hudyat lang iyon na alas diyes na ng gabi at wala ng tao sa nasabing paaralan. Halos mangiyak ngiyak pa siya sa kadahilanang mag isa lang siya sa madilim na building ng paaralan. Nakarining siyang muli ng kaluskos na halos mag patayo sa buhok.

Kasalukuyan namang kinakagat ni Airys ang kuko niya dahil sa magkakasunod na kidlat na may kasama pang kulog. Pakiramdam niya ay nasa horror movie siya dahil sa pagka-spooky ng atmosphere.

"Geez" sabi niya habang nakayakap sa sarili. Kumidlat naman ng napakalakas na halos lumiwanag ang buong building.

"WAAAHHHH!" tili niya ng kumulog ng napakalakas. Napaupo pa nga siya sa sobrang gulat. Hindi siya takot sa kulog at kidlat ngunit dahil sa takot na nararamdaman niya ngayon lalo na't mag isa siya ay maiko-consider na factor sa nararamdaman niya ngayon. Nakatakip rin ang mga kamay niya sa kanyang tainga.

Biglang tumunog ang notification tone ng phone ni Airys at nag liwanag ang mata niya. Nakalimutan niyang may phone pala siya at guess what? May flashlight nga pala ito sapat para sa kadilimang sumasakop sa buong building.

Kinuha niya ang phone niya sa bag niya at in-on ang flashlight nito. Nilibot niya ito at may nakita siyang payong. Oo payong.

"K-kung kanino man po itong payong na i-ito, h-hindi ko naman po ito nanakawin hihiramin ko lang" pag papaalam niya. Dali dali naman siyang tumakbo palabas at sumugod sa ulan. Pag papasalamat nito. Dumiretso na agad siya sa parking lot, diretso sa kotse niya. Brisk walking na nga umano ang ginagawa nito eh.

Sumakay na rin siya sa sasakyan niya at nag maneho.

Sa kabilang banda, balik naman tayo sa JAC main building kung saan may lalaking nakangisi habang naka cross arms na nakasandal sa pader habang pinapanuod ang pag alis ni Airys.

"Buti naman nakuha na niya yung payong. Mag iisang oras na akong nag hihintay na kunin niya yun" sabi nung lalaking si Patrick na kanina pa pala kasama ni Airys.

Naglakad na siya pabalik sa loob ng building at nag muni muni ng may kasamang ngiti sa kanyang labi.

~
AIRYS

"Ghash! Late nanaman ako!"

Sabi ko habang nag iistruggle sa pag suot ko ng pantalon. Wala pa akong pantaas at bra pa lamang ang aking suot. Sino ba kasing nag sabi na thirty minutes before time ako gumising!

Napili kong suotin pang taas ang beige off shoulder ko at nag sneakers na lang ako pambaba. Hindi na ako nag abalang mag suklay dahil hindi na naman buhaghag ang buhok ko. Hindi na nga ako nakaligo eh.

"Agggh! Sh*t"

I cursed nung hindi ko makita ang payong ko dahil sa lakas ng ulan sa labas at hindi ako makaalis.

Naalala ko ang payong na iniwan ko sa loob ni Vica pero hindi pa rin ako makalabas dahil mababasa lamang ako ng ulan. Lumabas na lamang ako ng unit ko at nag hanap hanap ng payong sa paligid. Kinakagat ko na nga kuko ko sa katotohanan na magnanakaw nanaman ako ng payong.

Nakakita ako ng payong na nakabukas. Mukhang automatic at madaling kunin. Pasimple kong iginala ang mata ko kung may ibang tao sa paligid na swerte ko naman at wala.

Nag sign of the cross at agad agad kong kinuha ang payong. Sinara ko ito habang tumatakbo ako.

Lord patawad po! Ibabalik ko naman po ito promise!

Pag dasal ko ng pabulong habang tumatakbo. Nakarating na ako kay Vica. Tinanaw ko mula sa baba ang floor ko at kotang kita ang pagiging aligaga ni aling Ester dahil sa hindi niya makita ang payong niya. Pumunta siya sa terrace hoping na makikita niya ang snatcher ng payong niya kaya agad naman akong pumasok sa loob ng kotse ko.

Nangangatog ang paa ko dahil sa kinakabahan akong makabangga dahil sa zero visibility at halos hindi ko na makita ang daan. Feeling ko anytime mapapahamak na ako.

Nabigla ako ng may taong tumawid sa daan habang tumatakbo kaya bigla kong tinapakan ang brakes ko dahilan upang mamatay ang makina ko. Bumagsak naman yung lalaking naka hood na tumawid kaya nagulat ako. Wag naman sana akong makapatay.

Kinuha ko agad ang payong sa tabi ko at lumabas. Tumakbo ako palapit sa lalaki pero nakatayo na siya. Oh my God nakahinga na ako ng maluwag dahil akala ko talaga ay namatay siya.

Lumingon ito sa akin at tinitigan ako sa mata. Parang kilala ko siya. Na wirdohan naman ako dahil may mga nakapaligid na grupo ng mga babae sa amin. Lumingon ako doon sa lalaki.

"Kuya ayos ka lang b-"

Naputol ang sasabihin ko nung nag salita siya.

"I think it your lucky day Airys" he said with a smirk. Huli na ang lahat nung naramdaman kong may malambot na bagay sa labi ko. Nanlaki ang mata ko n'ung narealize ko ang ginawa niya. Nabitawan ko pa ang payong ko dahil doon.

Oh my God! I'm kissing a stranger! Naramdaman kong gumalaw ang mga labi niya at kinabahan ako. Oh no!

Itutulak ko na sana siya ngunit naunahan na niya ako.

"Pahiram muna huh"

He said bago dumiretso sa kotse ko at iniwan ako. Umalis na ang mga babaeng nakapaligid sa amin. Unti unti ng pumasok sa isip ko ang mga pangyayari. Unti unti ko na ring nakilala kung sino ang strangherong humalik sa akin

Gabe Ashton Ochoa, ginugulo mo nanaman ang buhay ko.

To be continued......

Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon