Chapter 27: Let The Games Begin

21 2 0
                                    

THIRD PERSON

"Im looking at her from behind because now is not the time" saad ni Ashton habang nakaupo sa bench sa garden at nakatingin sa NAGLALANDIAN oo naglalandiang Patrick at Airys. Nakangisi siya habang nakatingin doon.

"I told you... makukuha mo siya at makukuha ko rin siya kailangan mo lang maki cooperate sa akin Gabe" sabi ng kanyang katabi habang hinahaplos ang likod ng lalaki.

"Janice naman...hanggang kailan ba tayo mananahimik hanggang kailan tayo mag hihintay ng quote and quote TAMANG TIMING?" tanong ni Ashton sa medyo na uubusan na ng pasensyang tono. Napangiti ng mapait si Janice dahil dito.

"Dont worry dear malapit na. You do know that their relationship is fake right and he plans on breaking her heart as a revenge remember" she said trying to knock some senses to Ashton.

Bigla namang nag dilim ang aura ni Ashton patunay na gumana ang plano ni Janice sa pag dedemonyo sa utak nito.

"I will never let Airys cry because of him... hindi ko hahayaang mangyari yun" sabi niya habang nakatingin sa nag haharutang mag syota.

"I want to a you though,  why are you doing this?" Tanong ni Ashotn kay Janice. Hanggang ngayon ay hindi nito alam kung bakit nakipagsabwatan ito sa kanya.

"It's simple really,  I want him to suffer just the way I did" sagot ni Janice sa tanong ni Ashton. Sa totoo lang ay hindi naman talaga nito nasagot ang tanong niya pero hindi na niya ito pinursue pa. The important thing is, he'll bet Airys in the end.
~

"So hanggang kailan tayo magiging ganito" tanong ni Airys kay Patrick. Sobrang daming tanong ang nasa isip niya ngunit yun lang ang lumabas sa bibig niya. Pwede naman daw kasing totohanin na lang bakit kailangang fake pa. Grabe lang talaga ang utak niya.

"Anong ibig mong sabihin?" pabalik na tanong ni Patrick. Napakagat sa labi si Airys dahil sa pagiging slow ni Patrick sarap daw hampasin ng baseball bat.

"Eto? I mean diba we dont have to put on a show dahil ayos na naman kayo ni Angel so maybe if we can be you know" saad ni Airys ng hindi nakatingin kay Patrick. Nabigla siya nung narinig niyang natawa este humalakhak si Patrick. Tiningnan niya ito ng masama ngunit hindi pa rin nag patinag si Patrick dito.

"T-teka lang hahahaha hindi ko mapigilan eh hahahaha" inirapan siya ni Airys at tumayo hinila naman siya pabalik ni Patrick kaya napasubsob ito.

"Psh ano bang problema mo?!" May halong inis na tanong ni Airys kay Patrick. Tumigil naman ang binata sa pag tawa at hinapit ang bewang ni Airys at ipinatong ni Patrick ang ulo niya sa ulo ni Airys. Nagtaka naman ang dalaga sa galaw ni Patrick habang kinikilig- este nahihigpitan sa yakap sa kanya ng binata.

"Sana sinabi mong tayo na lang diba" sabi ni Patrick na ikinagulat ni Airys at nag blush din ang haliparot-este dalaga. Hindi niya na lang ito inintindi at pumikit na lang upang damhin ang init sa bisig ni Patrick.

At sa totoo lang.... mas pabor sakin yun

Bulong ng binata sa sarili, sapat na para hindi maintindihan ni Airys. Habang si Airys ay nasaktan ng sa dahilan na nahulog na nga siya ng tuluyan sa binata ngunit sa tingin niya lang ay siya lamang ang merong nararamdaman.
~

Kinabukasan

AIRYS

"Ano bang kagagahan ang sumapi sa inyong dalawa para mang gising ng ganito ka aga?" Tanong ko sa dalawang babaeng hindi ko halos makilala dahil malabo pa ang paningin ko... kakagising ko lang mga brad konting respeto lang naman po.

"Eh kasi naman Ai! Hindi na tayo nakakagala dahil sa stress na sumasapi satin simula nung magpakita yang si Ashton" sambit ni Chloe na medyo napapangiwi dahil sa pag kuha ko ng muta ko.

"Oh siya sige pumasok na kayo" pag imbita ko sa kanila sa loob ng unit ko dahil mag hahanda pa kasi ako at matagal tagal iyon.

Pag katapos kong maligo ay naghanap ako ng susuotin. Naisip ko na mag high waist peach colored jeans tapos isang white off shoulder crop top at nag half bun hairstyle sa buhok ko.

"Oh ano pa hinihintay niyo tara na!" Pag aya ko sa dalawang nanood ng spongebob sa tv. Hala ano daw?! Spongebob? Ang oppa ko!

"Hoy mga lokang ito! Susugurin niyo ako ng ganito kaaga para lang manood ng spongebob?" Sabi ko at pinatay amg tv. Sumimangot naman sila pero tiningnan ko ng masama ang mga ito.

Lumabas na kami ng unit at dumiretso sa kotse ni Chloe. Nasa tabi niya si Francine at ako naman ay nasa backseat.

Pumunta kami sa Mall at doon nag bonding. Nanuod kami ng Love You to The Stars and Back at nag shopping ng mga damit make up at kung ano ano pa. Nag pa massage din kami at nag pa salon. Nag pa kulay ako ng blonde sa buhok at ginawang layered ang hair style. Ang dyosa ko pa ring tingnan.

Wala kaming pasok ngayon dahil sa National Protest Day chuchu na yan. Kasalukuyan naman kaming kumakain sa Sbarro ng lunch. Malapit ito sa event center kaya maingay. May artista yata eh.

"Woooh Gabe Ochoa We Love You" nabilaukan kaming tatlo nung marinig namin ang tili ng mga tao. Nag katinginan kami pag katapos mahimasmasan at tumingin sa labas.

Nakita namin si Ashton-Nasa stage-may hawak na mike-at nag hahanda na para kumanta. Napanganga kaming tatlo dahil doon. Sh*t.

Now playing: Kundiman
By Silent Sanctuary

Napanganga lalo kaming tatlo nung nag simula na siya. Dati rati ay hindi ako naniniwala na singer na siya well kung naging kaklase mo siya ng high school ay hindi ka talaga maniniwala.

Ang panget kasi talaga ng boses niya at sintunado pa kung kumanta. Kahit may gusto ako sa kanya noon ay hindi ko gusto ang boses niya, sakit sa tenga mga bes. Pero aminado naman akong magaling siyang umacting pagkat kasali nga siya sa Acting Club namin at ako sa Klovers Club.

Kaya huwag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala

Natapos na kaming kumain at napagdesisyunan ng umalis sa kainan. Nadaanan namin ang stage. Hindi ko inaasahan na makita niya ako... or baka akala ko lang. Nagtama ang mga paningin namin at hindi na ito naalis.

Kung hindi man tayo hanggang dulo
Huwag mong kalimutan
Andito lang ako laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw.

Napalunok ako ng laway ko dahil sa hindi malamang dahilan. Parang tinatawag ako ng mga mata niya. Para itong may sinasabi ngunit hindi ko mawari kung ano iyon.

"AIRYS!"

May narinig akong tumawag sa akin na nag pabalik sa huwisyo ko. Nilingon ko ito at nakita si Patrick napakunot ang noo ko dahil doon.  Napansin kong napatigil ito ng masulyapan niya ako. Or baka nag assume lang ako, pero ang puso ko naman ay bumibilis ang tibok,

"Uy Patrick!" Kumaway sa kanya si France at Chloe. Nang makalapit samin si Patrick ay inakbayan niya ako agad. Ngumiti ito sa akin at ginantihan ko rin ito ng ngiti.

"I like what you've done to your hair" sabi nito habang hinahawakan yung buhok ko. Uminit naman ang pisngi ko sa papuri niya sa akin.

"Thanks" sabi ko na lamang.

Lumingon siya sa stage. Medyo nag dilim ang aura niya. Hindi ko rin alam kung bakit. Lumingon ako kay Ashton at ganun din ang ekspresyon niya.

Ngumisi si Patrick at sinabing

"Let the games begin"

To be continued......

Prank CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon