(Ivan)
Sobrang saya ko nung nalaman kong may isang buwang bakasyon si Errol. Matitikman ko na rin siya. Teka, ako nga pala titikman niya. Di... Magtitikiman kami. Hayop kasi 'tong otor nito, binibitin kami lagi. Tang ina! Pag nakita ko yang tang inang yan sisipain ko yan sa mukha.
Inabot kami ng gabi dun sa Baywalk. Baywalk pa rin ba yun kahit sira na? Pinanood lang namin ng syota ko ang mga stars. Naks! Tang ina, ang cheesy ko na. Pagkatapos namin magdinner inuwi ko na siya dito. Hulaan niyo, guys.
Wala na namang nangyari!
Hanggang himas-himas. Pinatigas niya lang ang ano ko, ta's iniwang nakakulong. Grabe talaga. Hindi na ako papayag na walang mangyari ngayong araw na 'to. "Aw!" Loko 'tong mantika, tutol pa yata.
"Ako na kasi diyan, ser," saad ni Lindy na biglang...
"Uy!" Napaigtad ako nang dakmain niya ang lucky charm ko.
Tumawa lang siya, o. "Ser, ang laki naman niyan. Pwede pahawak ulit."
"Oy!" Muli akong gumalaw para di niya mahawakan. "Di pwede. May owner na 'to."
"Si ser madamot."
"Asan sina Nay Celia?"
"Di ba sinabi ni Ma'am Daniella?"
"Di namin siya naabutang gising kagabi."
"Umalis kasi sila, pupunta daw sa property niyo sa Tanay."
"Bakit daw?"
"Ser, syempre di ko na tinanong." May pa kumpas-kumpas pa ito ng kamay habang nagpapaliwanag. "Baka sabihin ni ma'am masyado akong nosy."
"May nosy nosy ka pang nalalaman."
"Ay, ser naman..." asik nito nang takpan ko ang mukha nito.
"Si Manang Jean?"
"Nasa garden nagbubungkal."
"Ng ano?"
"Ginto?"
"Ungas ka rin, 'no?"
Sumimangot ito.
"Teka, alam ba nila na andito si Errol?"
"Sinabi ni Manang Jean kanina sa kanila. Natuwa nga ang mga magulang niya. Kakatukin sana kayo pero pinigilan ni Daniella. Baka daw kasi..." Ngumisi ito.
"Baka?" Alam ko naman kung ano'ng ibig niyang sabihin. Pero di ba ganun naman tayo? Kahit alam na, gusto pa rin natin mangulit.
"Alam mo na..." Umalik-ik ito habang inaalis ang omelet sa frying pan.
Hindi ko napigilan ang pagngisi. "Wala pang nangyayari sa amin. Lagi akong tinutulugan nung mokong."
"Ser, sa atin gusto mo may mangyari?" Muli itong kumuha ng mga itlog.
"Loko-loko!" Kumuha ako ng isang toast at kumagat. Pati 'to kelangan pa i-narrate?
"Si ser di na mabiro." Umirap ito habang nagbabate ng mga itlog. Nagbabate ng mga itlog? Parang di yata maganda pakinggan.
"Baka may makarinig sa'yo kung ano pa'ng isipin."
"Ser, ayaw mo na ba talaga sa babae? Sayang naman yang kapogian niyo, di niyo maipapamana."
"Di 'to masasayang," saad ko habang nakaturo sa mukha ko, "dahil pakikinabangan 'to ng syota ko."
"Pero di naman siya mabubuntis." Umismid pa ang walang hiya habang binubuhos ang bowl ng itlog sa frying pan. May paturo-turo pa sa'kin, o.
"Di, maniwala ka." Tinawanan ko lang siya. "Mabubuntis yun."
"Pa'no?" saad niya na napaatras pa ang ulo sa'kin.
"Bubuntisin ko. Di yun makaalis dito na di ko nabubuntis."
"Puro ka naman biro, ser."
"Dami mong tanong. Magluto ka na lang."
"Heto na nga, o." May paturo-turo pa ito sa niluluto. "Nagluluto na. Ano tawag niyo dito?"
Nasanay na rin ako sa pagkamakulit nitong si Lindy. Siguro kung lasing ako papatulan ko 'to. Pero lintek, cliche na yata yung nabuntis ang katulong. H'wag na. Masyadong predictable pag ganun.
"Ser, ayaw niyo na ba sa babae?"
"Di naman sa ayaw. Pero..." Pa'no ko ba sasagutin yung mga gan'tong tanong. Dapat si Ate Liz sumasagot sa mga gan'to eh.
"Pero?"
"Pa'no ko ba ipapaliwanag?" Nagkamot ako sa ulo. Pa'no nga ba? Oy, Peter, tang ina ka, tulungan mo nga ako! "Nagkakagusto pa rin naman. Pero may syota na nga ako." O, naipaliwanag ko rin.
"Sabagay. Kahit ako naman, ser, pag may jowa na ako, kahit si Piolo pa di ko na papatulan."
"Kitam!" Sus, pinahirapan pa ako. Siya din naman pala sasagot sa tanong niya.
"Di mo ba gigisingin misis mo, ser?" Nagkamot ito sa batok at lumingon sa akin nang nakasimangot. "Misis ba o mister?"
Natawa na lang ako. Oo nga. Misis? Eh, lalaki yun eh. Lintek, lalaki pala misis ko!
"Naku, si ser, ngingiti-ngiti na lang. Inlab talaga dun sa boylet niya."
"Ingay mo!" bulalas ko sabay hampas sa kanya ng basahan. "Magluto ka na lang."
"Ay, nanakit! Isusumbong kita kay Ma'am Daniella!"
"Eh di magsumbong ka. Sasabihin ko rin nananantsing ka!" Lumakas ang tawa ko. "Lagot ka kay Manang Jean."
"Bakit siya lagot?"
Sabay kaming napalingon kay Manang Jean na kakapasok lang ng kusina mula sa labas.
Lumapit ako dito't umakbay. "Manang, si Lindy minamanyak na naman ako."
"Nako, kayo talaga." Umiling lang ang matanda. "Si Errol?"
"Nasa taas pa po." Oo nga. Gisingin ko na nga yun. Pero... "Busog na yun pagbaba ko."
Umirap si Manang Jean ngunit ngumiti din. "Ngayon lang kita nakitang masaya ulit."
Napalingon naman si Lindy at nakakunot ang noo at nakabuka ang ilong na tumitig sa akin. Nang-aalaska ang titig, o.
"Bakit hindi mo pa gisingin si Errol nang sabay na kayo makapag-almusal."
"Ay," bulalas ni Lindy habang nakatingin sa tiyan ko, "oo nga. Ser, speaking of almusal, ba't di na lang natin diyan ilagay itong omelet? Ayan o may mga pandesal na." Binatukan naman ito ng matandang kasambahay. "Aray! Araaaay! Manang naman!" Bigla nitong ginapos ang kamay sa braso ko. "Ser, o, si manang, mapanakit!"
"O, ang niluluto mo," nakangiting saad ni Manang sa kanya.
"Sus, tsumatsansing pa ako eh!" Umirap ito at bumalik sa pagluluto.
"Akyatin ko na nga."
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 4: This Is It!
RomanceAs you can see in the cover, m2m o boyxboy po ang story na ito. So kung hindi ka komportable na makabasa ng intimate scenes sa pagitan ng dalawang lalaki, huwag ka na magpatuloy. Hindi ako makapagdesisyon kung ilalagay ko siya sa Romance o Humo...