Chapter 38

1.5K 93 14
                                    

(Errol)

"Kamusta ang ikakasal bukas?" tanong ni Monique.

"Medyo kinakabahan."

"Juice ko. Dapat excited ka."

"Hindi ko nga maintindihan bakit parang kinakabahan ako."

Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm happy for you."

Sumimangot ako. "Wow, serious mo."

"Happy naman talaga ako sa'yo! Finally, nakikita ko na na masaya ang kaibigan ko." Kinuha niya ang cellphone sa bag niya.

"Kelan mo ba ipapakilala sa akin yang tinitext mo?"

Ngumiti lang siya. Ayaw pa ipakilala si Clark, eh, alam ko na naman.

"Saan ba tayo pupunta? Maggagabi na, eh."

"May dadaanan lang tayo."

"Saan nga?"

"Basta. Huwag ka ngang makulit. Ayan, nasend ko tuloy ang text ko na di ko pa natatapos."

Bumilis yata ang takbo ng taxi. "Manong, sa'n ba tayo?"

Ngumiti lang ang driver, at hindi sumagot. Parang gusto kong kabahan, pero parang wala lang naman kay Monique na busy sa katext. Bumaba kami sa parang bagong gawang bahay.

"Bakit tayo nandito?" Ginala ko ang tingin ko. Tingin ko bago ang subdivision na ito. Kaunti pa lang ang mga nagagawang bahay.

Hinawakan ako ni Monique at hinila papasok sa gate ng bahay.

"Teka, kilala mo nakatira dito?"

"Oo, dali na! Marami pang tanong."

Hinila ko ang kamay ko. "Parang wala namang tao, eh."

"Wait lang." Kinuha niya ang susi sa bag niya.

"Ba't ka may susi? Bahay mo ito?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. "Mauna ka teka. May rereplayan lang ako."

"Walang kwenta. Kahit madilim nakakakita ako." Dinig ko ang pagsara ng pinto sa likod ko. Dahan-dahan akong humakbang. Nilingon ko si Monique. "Monique?" Nawala ang loko-loko. Ayaw mabuksan ng pinto! "Monique! Ano ba 'to? Nasa'n ka?"

Kinilabutan ako sa malamig na kamay na biglang humimas sa mga pisngi ko at tumakip sa bibig ko. Bigla akong nanghina.

* * *

Kung kagagawan na naman ito ng CIA humanda sila. Kasabwat ba nila si Monique? Hindi ako makapaniwala. Kaya pala kinabahan ako. Pero naisip ko na baka nadamay lang siya. Baka kinuha rin nila si Monique para gamitin laban sa akin.

Hindi ako makagalaw! Nakatali ang mga kamay at paa ko. Bwisit! Magbabayad kung sinuman may gawa nito.

Imposibleng hindi na-sense ni Dane ang CIA. Andito pa sila sa Pilipinas. Sa susunod na araw pa ang balik nila. A-attend pa sila ng kasal namin ni Ivan. Kasal namin bukas! Tapos nandito ako. Inikot ko ang tingin ko sa bakanteng silid na walang furniture. Nasa gitna lang ako na nakagapos sa silya. Walang tao. Madilim. Nakasara ang mga bintana. Nakababa ang mga kurtina. Tagaktak na ang pawis ko.

"Dane, I need your help!" Sana marinig niya ang sigaw ko sa utak ko.

Pero walang tumugon.

"Monique, nasaan ka!" Kinabahan na talaga ako. Baka ano na ang ginawa nila sa kanya. "Monique!"

Walang sumagot.

"Ano'ng kailangan ninyo sa akin?"

Walang sumasagot. Ano na naman ba ito? Gagamitin ko na sana ang kapangyarihan ko nang makarinig ako ng mga yapak. Bumukas ang isang pinto. Biglang tumugtog ang Careless Whisper ni George Michael. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Bigla ring nagkaroon ng disco lights.

Enchanted Series 4: This Is It!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon